Massacre

1.6K 45 0
                                    

Nasa ika-apat na grado ako nang maging kaklase ko si Ytian. Kasing edad ko lamang siya ngunit halata ko sa kaniya na iba na siya kung mag-isip - para bang matured na siya at napakarami nang naranasan sa buhay. Naisip ko na lamang na marahil ay panganay siya kaya ganoon.


Napakamasayahin niya at napakapalabiro. Sa katunayan nga ay palagi niya akong napapatawa at napapasaya sa pamamagitan ng mga biro at kakulitan niya kaya naman lumipas ang mga araw, linggo at buwan ay naging kasabay noon ang pagiging malapit ko kay Ytian. Kadalasan nga ay tinutukso kami ng aming mga kamag-aral na may gusto raw kami sa isa't-isa ngunit mga bata pa kami at hindi pa namin alam ang mga bagay na ganoon. Wala pang malisya kung lagi man kaming magkasama. Basta't magkaibigan kami, iyon ang alam ko.


Isang araw ay hindi dumating ang aming gurong taga-payo kaya naman wala kaming klase buong maghapon. Si Ytian lamang ang kasama ko buong maghapon at halos lahat na ng bagay ay napag-usapan na namin.


"May hindi pa ako sinasabi sa iyo" wika niya

Biglang napawi ang ngiti mula sa mga mata at labi niya at napalitan ito ng lungkot


Tumitig lamang ako sa maamo niyang mukha at hinintay siyang magsalita.




















Nagulat ako na imbis na magsalita siya ay itinaas niya ang pang itaas na damit niya dahilan upang makita ko ang isang malaki at mahabang peklat mula sa kaniyang tiyan.





Hindi pa rin ako makapagsalita na para bang hinihintay ko siyang sabihin sa akin kung ano ang nangyari sa peklat niyang 'yon. Alam kong hindi basta sugat iyon dahil kakaiba talaga at napakahaba!





Dahil tumahimik bigla si Ytian ay nagpasya na akong tanongin siya


"A-anong nangyari d'yan sa peklat mo Ytian?"



"Malalaman mo rin... bukas" makahulugan niyang sambit saka kinuha ang bag niya at umalis na nang wala man lamang paalam.





- - -

KINABUKASAN


"Okay mga bata ... Sino ang gustong sumama sa bahay nina Ytian? Bibisitahin natin siya. Sinabi sa akin ng kapatid niya na kailangan natin siyang bisitahin" banggit ng aming gurong taga-payo


Noon ko lamang napansin na wala pala si Ytian sa kanyang upuan. Hindi pala siya pumasok! Paano na iyong pangako niya sa akin na ngayon ko dapat malalaman ang kwento sa likod ng peklat niya. Nalungkot tuloy ako at bahagyang nakaramdam ng pagtatampo.


Samantala ... Lahat kami ay nagtaas ng kamay sa tanong ng aming guro. Lahat kami ay nais sumama sa bahay ni Ytian


- - -

"Nako Ma'am pasensya na po kayo ... ayaw na po talagang pumasok ni Ytian sa paaralan... Hindi ko po siya mapilit-pilit" paliwanag ng isang babaeng sumalubong sa amin.


Kamukang kamuka siya ni Ytian.. ang pinagkaiba ay babae ito at lalaki si Ytian. Marahil ay kapatid siya ni Ytian dahil mukhang dalawang taon lamang ang tanda nito sa kaniya.


"Halina po kayo, pasok po kayo sa tahanan namin" aya sa amin ng babae


- - -

"Ytian, ano bang nangyayari sa iyo at ayaw mo nang pumasok?" tanong ng aming guro na nasa harapan namin.

Nakaupo kami at nasa unahan siya tila ba'y nasa paaralan pa rin kami kahit ang totoo ay nasa maliit na bahay kami ni Ytian





Umupo si Ytian sa harapan kasama ang guro at hinubad niya ang pang itaas niyang damit

Nagulat ako dahil marami pa pala siyang peklat maliban sa peklat na ipinakita niya sa akin kahapon. Mayroon sa magkabilang dibdib, sa kaliwang balikat maging pala sa likod niya ay may peklat siya














Tumahimik kaming lahat maging ang aming guro ay natahimik nang magsimulang magsalita si Ytian ... May pagbabanta ng pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata kaya naman wala akong magawa kundi makaramdam ng hapis para sa aking matalik na kaibigan.








"H-hindi na ako papasok!" pasimula niya

"Noong araw na iyon.... sinabi sa akin ni Tatay, wala raw akong kwenta at bobo ako kaya wag na raw akong pumasok! Pinilit lang naman ako ni ate eh! Pero napanaginipan ko ang demonyong 'yon kagabi. Huwag na raw akong pumasok nag-aaksaya lamang ako ng pera " tuluyan nang pumatak ang luha mula sa mga mata niya





Kahit nag-uunahan ang mga luha mula sa mga mata niya at garalgal ang boses niya ay nagpatuloy siya sa pagkukwento.


"Nakikita ninyo ba ang mga peklat na ito? Si tatay ang gumawa niyan! Inuna niya si ate, tapos si kuya ... N-napatay niya sila! Huhuhu. Matapos noon ay ang isa ko pang ate! Napakatanga ko! Natakot ako at tumago ako sa ilalim ng lababo. Kitang-kita ko kung paano niya ibinaon sa dibdib ni ate ang itak na ibinaon rin niya sa tiyan ni kuya. Ito rin ang pinangpugot niya ng ulo ng isa ko pang k-kapatid! Sobrang takot na takot ako dahil bata pa ako noon. Hindi tuloy niya ako makita kaya inuna niya si Inay! Halos malaglag sa ikalawang palapag ng aming bahay si Inay sa pagtakas ngunit naabutan pa rin siya ng demonyo kong ama! Hindi ako pumikit! Nakita ko kung paano niya itusok ang itak sa tiyan ni inay! Inikot-ikot pa niya ito!! Naalala ko bigla na buntis nga pala ang Inay kaya napasigaw ako ng 'TAMAAAA NAAA!!' pero napalingon siya sa akin at tumungo siya sa direksyon ko. Kung ano ang ginawa niya sa halat ay ganoon rin ang ginawa niya sa akin... Nagpanggap akong patay na ako para hindi na niya ako hatawin pa ng itak niya..... Matapos noon ay binalikan niya si Inay at muli itong sinaksak sa tiyan at sa dibdib... matapos noon ay ang sarili naman niya ang sinaksak niya!! Napahagulhol na lamang ako dahil wala na akong iba pang magawa maliban doon!"





Tulala lamang kaming lahat! Noon ko lamang napansin na umiiyak na rin pala ako, ang aking guro, ang ilan sa mga kamag-aral ko at maging ang kapatid ni Ytian na kanina lamang ay sumalubong sa amin.


Walang batid ang pag-iyak ni Ytian.. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito. Hindi ko akalain na ganoon katindi ang dinanas niya mula sa malupit na kamay ng kaniyang ama.








"Nagising na lamang ako na nasa ospital na ako... napakasakit ng katawan ko! Sa una ay hindi ko matandaan ang nangyari pero di kalaunan ay natandaan ko na rin! Napaiyak ako at agad na hinanap ang aking ina! Nagbabakasakaling nakaligtas rin siya. Ngunit w-wala na raw siya ... gayon rin ang tatlo ko pang kapatid! Tatlo lamang kaming nakaligtas at nanatiling buhay. Ako, ang ate ko at ang isa ko pang nakababatang kapatid na noon ay wala sa bahay nang mangyari ang mga pagpatay ng demonyo sa bahay namin!"


"Ngayon ay kami na lamang ang magkasama ni ate ... ang nakababata kong kapatid ay nasa lola ko. Doon na siya lumaki. Napakapalad niya kumpara sa amin ni ate na bukod sa nakaranas ng sakit at muntikan nang mamatay ay wala pang kumakalinga sa amin... Kamukha raw kasi namin si Tatay kaya baka mapatay lamang daw kami ni Lola... kaya ayaw niya kaming kupkupin..."


Important Note: [MUST READ]

*9 or 10 years ago na yan simula nung kinuwento samin ni Ytian (2017 ngayon) -- naiiyak pa rin ako. Masakit pa rin sa puso.

*Sa Oriental Mindoro iyan nangyari (sa mismong bayan na tinitirhan ko, less than kilometer away sa bahay namin) around year 2001-2003 yan nangyari at nafeature pa raw yang massacre na yan sa isang programa ni Noli De Castro at nabalita rin sa TV Patrol

*Sadly :(( sa ngayon ay hindi na po nag-aaral si Ytian (hindi talaga niya tinuloy - hanggang grade 6 lang siya) kapag nagkakakita kami ay nagngingitian na lamang kami. Di na kami close (pero close kami nung ate nya .... May next story about sa kanya at sa pagkatao niya)

*I know this is not horror story but I just want to share this wonderful and heart-touching story of Ytian.

True Experienced Ghost StoriesWhere stories live. Discover now