Repleksyon Patungong Ibang Dimensyon

1.4K 35 0
                                    

Nasa dorm ako, nakaupo sa taas ng double deck na kamang tinutulugan ko at nagbabasa ng totoong kwento ng mga kababalaghan (specifically Spookify on Facebook). Kung lilingon ako sa kaliwa, saradong bintana lamang ang makikita ko. Kung lilingon naman ako sa kanan ay dalawang double deck ang makikita ko, at sa likod nito ay pader na may nakasabit na pahabang salamin.

Sa hindi malamang dahilan ay napalingon ako sa kanan. Nakita ko ang kanang bahagi ng aking sarili sa repleksyon sa salamin. Biglang bumaba ang tingin ko at nasilayan ko ang dalawang pares ng hita (bale apat na hita, yun lang ang nakita ko AT HINDI HAGIP ANG MUKHA AT IBA PANG PARTE NG KATAWAN dahil iyon lamang talaga ang hagip ng salamin kapag nasa ganung pwesto ka, bale dalawang tao ang nakahiga sa ibaba ng double deck). Sa unang tingin pa lamang ay masasabi mo na agad na nakahiga ang dalawang tao sa repleksyong ito. Naisip ko tuloy hindi pala ako nag-iisa, bahagyang nawala ang takot sa sistema ko nang malaman kong may kasama ako. Naisipan ko namang tumingin sa baba ng double deck upang makita kung sino ang dalawang dorm mate na kasalukuyang kasama ko. Ngunit nabigo ako! Isang tao lang ang natagpuan kong nakahiga. Dalawa lang kaming tao sa loob ng kwartong ito, tumingin muli ako sa salamin ngunit may apat na hita pa rin, muli ay tiningnan ko ang ibaba ng double deck at sinigurado ko ang nakita ko, isa lamang talaga! – ngunit kaninong pares ng hita ang nakita ko sa salamin kanina lamang?

NOTE: Baka isipin nyong sa akin ang isa pang pares ng hita. Hindi po. Nakabaluktot ang pwesto ng hita at binti ko ngunit tuwid ang dalawang nakita ko sa repleksyon. Maaari kayang ang salamin ay daan patungo sa ibang dimensyon kaya dito natin madalas makita ang mga nilalang na bumibisita sa ating mundo?

:)

True Experienced Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon