Huwag Magpapakita

531 15 0
                                    

Kapag naiiwan tayo sa isang madilim, tahimik, at malamig na lugar ay malaki ang tyansang paglaruan tayo ng ating sariling isipan. Nariyan na may nakikita kang kung ano-ano, may maririnig kang hindi naririnig ng iba, at may madarama kang kakaiba.

Ang mga pangyayaring ito ay dahil na rin sa takot. Takot tayo kaya naman mas lalo tayong tinatakot ng sarili nating mga utak. Nag-iimbento ito ng mga kung ano-ano. Ngunit kapag nakakita, nakarinig, at nakadama ka ng iba't-ibang bagay sa mga normal na pagkakataon, ibang-usapan na iyan.

Hindi naman madilim, hindi naman malamig, hindi rin tahimik. Payapa naman ang isipan. Pero bakit mayroon pa rin?

- -
Pitong taong gulang lamang ako nang una kong akalain na pinaglalaruan ako ng akong isipan.

November 1, 2004 iyon, tandang-tanda ko pa. Sa buong bayan namin ay nag-iisa lamang ang sementeryo ng mga panahong iyon (2 na ngayon). Malapit lamang ito sa aming bahay kaya naman kahit abutin kami ng kahit anong oras ay ayos lamang. Madali naman kaming makakauwi.

Ako, ang mga pinsan ko, at mga kababata ko ay maghapon sa sementeryo. Nakaranasan na namin ito. Alas sais na ng gabi ay naroon pa rin kami. Dahil November na, mabilis nang lumubog ang araw, kaya naman madilim na ang paligid. Inutusan ako ng isang nakakatanda na bumili ng kandila upang itirik ito sa puntod ng aming lolo bago kami tuluyang umuwi.



"Last kandila na yan, uwi na tayo. Baka umulan", saad niya habang inaabot sa akin ang barya na mula sa kaniyang bulsa.

Patakbo akong nagtungo sa pinakamalapit na tindahan sa loob ng sementeryo.

Napatigil ako sa pagtakbo!

Napalingon!

Napakurap!

Napabalik!

Napatitig!


At dali-daling tumakbo ng mabilis patungo sa tindahan. Mas mabilis pa sa una kong pagtakbo.

Hingal na hingal ako sa pagbili. Nang pabalik na ako ay nakita ko na naman ito! Nasusunog, nasusunog ito! Matagal ko rin itong tinitigan. Gusto kong hanguin ito mula sa baga na katabi nito. Nangingitim na rin ang nitsong kulay puti na katabi nito dahil sa bagang unti-unting lumalamon dito.


Sigaw ako ng sigaw sa mga kasama ko.

"Tingnan nyooooo. Tingnan nyo!" saad ko.

Nagsilapitan sila sa akin at di na nagawang itirik pa ang kandilang ipinabili sa akin.

"May kamay! Nasusunog!" Natataranta kong saad

Ngunit pagdating nila ay panay baga at mga tuyong dahon at damo na lamang ang nadatnan nila. Wala na ang kamay na kanina ay tinititigan ko pa.

Ilang beses kong kinumpirma kung kamay nga ba ito o manikin lamang. Ngunit alam kong kamay talaga iyon. May singsing pa!

Nawala na. Ako lamang ang nakakita.

- - - -

Taong 2014
Mag-isa ako sa boarding house dahil nasa sambahan pa ang mga kasama ko. Sound trip lang ako dahil wala naman kaming TV o kahit radyo man lang. Hindi ako makatulog dahil magsasampung minuto ko nang naririnig ang paulit-ulit na boses ng babae. Hindi malinaw sa akin kung ano ang sinasabi niya.

Noong una ay natakot ako bigla pero noong tumagal ay naging kyuryosidad na ang takot na una kong nadama. Kyuryosidad kung ano ba ang sinasaad ng babae na naririnig ko. Wala talaga akong naintindihan. Parang Ingles ang salita niya. Nang magtagal ay nawala na.

Sino kaya siya?

--

Tulad na lamang ngayon. Kaya naisipan kong isulat ang sanaysay na ito sapagkat sa kasalukuyan ay may naririnig akong tumatawa. Boses ng di bababa sa tatlong kababaihan. Magiliw na nagtatawanan. Nang isulat ko ang kwento na ito ay naririnig ko sila, hanggang ngayon tumatawa pa rin sila. Minsa'y nawawala pero ngayo'y andyan na naman sila.

Naririnig mo ba?

#
Sept 7, 2017
5:44PM
Sta Mesa Manila

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True Experienced Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon