UNKNOWN #3

1.3K 41 0
                                    

SA SCHOOL – year 2014, katatapos lang naming magklase ng Advance Physics, ang last subject namin sa araw na iyon pero hindi ibig sabihin ay maaari na kaming magsi-uwi. May isa pang obligasyon ang mga tulad kong estudyante – ang maglinis ng classroom at ng paligid nito.

Sa araw na iyon ay cleaners ako sa CR. Napili kong maglinis ng sahig ng CR para naman makatulong ako sa leader namin na ngayon ay naglilinis ng bowl.

Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na rin ako sa CR dahil hindi naman gano'n kahirap at katagal linisan ang sahig ng maliit naming CR.

Isang kaklase ang sumalubong sa akin sa pintuan ng classroom namin upang kausapin ako.

"Meye, sino yung kausap mo kanina sa phone?" tanong niya sa akin

Kumunot naman ang kilay ko saka sumagot.

"Anong kausap?"

"Yung kausap mo kanina sa phone. Di'ba nasa garden ka tapos may kausap ka sa phone. Tinatanong nga kita kung sino 'yon pero di mo naman ako pinapansin. Patuloy ka lang sa pagtugon mo sa kausap mo. Dun ka pa nga nakaharap sa may library, parang may tinitingnan ka" mahabang paliwanag niya.



Kinilabutan ako sa sinabi niya – naulit na naman 'to! MAY NANGGAGAYA NA NAMAN SA APPEARANCE KO.

"Hindi ko alam yang sinasabi mo! Cleaners ako sa CR hindi sa garden. Ngayon pa nga lang ako lalabas ng room oh" pagpapamuka ko sa kanya dahil nga nandito kami sa tapat ng pinto

"Weh? Wag mo nga akong lokohin"

"Hindi! Seryoso ako... alam mo kasi may nanggagaya talaga sa appearance ko" deretsahan kong sabi sa kanya para wala na syang maraming tanong.

Nanlaki ang mata niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Huh? Eh.... SINO SYA?"

True Experienced Ghost StoriesWhere stories live. Discover now