The Jackpot Winner

1.2K 35 3
                                    

May bagong tayong lottery outlet sa bayan ng San Nicholas. Maraming tao ang natuwa dahil hindi na nila kailangan pang magtungo sa kabilang bayan para lamang tumaya sa lotto at magka-tyansang manalo ng jackpot.

Isa dito si Ka Erning na nasa edad 50 pa lamang, pero kung hindi mo siya kilala ay aakalain mong nasa 60 anyos na siya. Maputi na ang mga buhok niya marahil ay dahil na rin sa hirap ng buhay sa pagpapalaki niya sa kanyang labing-isang anak.

Suki na siya ng lottery outlet na 'yon, araw-araw siyang tumataya at nagbabakasakaling swertehin.

Hanggang sa isang araw ay umikot ang balita na nanalo si Ka Erning. Ito ay nakompirma dahil siya ay tumigil na sa dati niyang trabaho na pagta-tricycle, at siya ay bumibili na ng iba't-ibang mga ari-arian.

Marami ang naiingit kay Ka Erning at may ilang nagsasabi na siya ay sangkot sa mga ilegal na gawain.

Pero alam ng lahat na mabuting tao si Ka Erning. Sa katunayan ay palagi siyang nagdo-donate para sa ikagaganda ng kanilang bayan, nagpatayo rin siya ng isang factory para magkaroon ng trabaho ang mga tao sa bayan nila at tumutulong din siya sa iba pang mga nangangailangan ng mga kapos-palad na kababayan. Napanatili niya ang kanyang pera sa pamamagitan ng pagpapatayo ng isang negosyo.

Ang lahat ay maayos na, hanggang sa isang araw

.

.

natagpuan ang walang buhay na katawan ni Ka Erning sa kanyang bagong biling SUV. Napag-alaman sa inbestigasyon na si Ka Erning ay pinatay ng taong marahil ay kasama niya sa loob ng sasakyan habang siya'y nagmamaneho.

Marami ang nagulantang sa pangyayari. Sino nga ba naman ang papatay sa ganuon kabuting tao!?

Lumipas ang ilang buwan pero wala pa ring hustisya para kay Ka Erning.

Si Mang Domeng, ang nag-iisang kapatid ni Ka Erning ang ngayong gumagamit ng SUV ni Ka Ernig, sya na rin ang nag-aalaga sa pamilya nito at ang iba pang mga yamang naiwan ni Ka Erning. May ilan nang naghihinala na si Mang Domeng ang nasa likod ng masaklap na pangyayari sa buhay ni Ka Erning.


Isang gabi ay nagpunta sa burol si Mang Domeng ng isang barangay official. Sa bawat taong makikita niya ay ngumingiti siya na parang walang problema.

At nang bigla na lamang namutla si Mang Domeng na para bang nakakita ng multo nang siya ay sumilip sa kabaong.

Tinanong siya ng mga tao roon kung ano ang nangyari pero hindi sya makasagot ..

"Ano pong nangyari senyo, Mang Domeng? Masama po ba ang pakiramdam nyo? Umupo muna po kayo" sabi ng asawa ng namatay.

" Ha? Ayos lang ako.. Nagulat lang ako dahil parang kamuka ni Erning, eh" , sabi ni Mang Domeng na nakaturo pa sa kabaong.

"Hindi naman po sila magkahawig ah, matangkad po at maputi ang asawa ko at si Ka Erning naman po ay maliit at may kaitiman"

"Naku! Pasensya na kayo. Nalungkot lang siguro ako. Naalala ko ang kapatid ko bigla, sige Aling Pacita, mauna na ako, parang sumama ang pakiramdam ko e", pagpapa-alam ni Mang Domeng.

Nang umalis si Mang Domeng ay lumapit kay Aling Pacita ang kanyang anak na kakauwi lamang galing sa ibang bansa.

"Nay, bakit po hindi nagtagal sina Ka Erning?" tanong nito


"Naku anak, ano ba yang sinasabi mo.. matagal nang patay si Ka Erning.. baka si Mang Domeng ang sinasabi mo.. magkamuka sila. Magkapatid eh", paliwanag ni Aling Pacita.


"Ho? Ma, Imposible. Kilala ko si Mang Domeng, siya po yung nagda-drive habang nasa tabi nya sa passenger seat si Ka Erning", sabi ng anak ni Aling Pacita

Ang mga naka-dinig sa sinabi ng bagong dating na anak ni Aling Pacita ay nag-antanda ng krus dahil sa kilabot na kanilang naramdaman. Hindi naman siguro magbibiro ng ganuon si Lily ( ang anak ni Aling Pacita)....

             Maaari ay nag-iiwan lamang ng mensahe si Ka Erning.


            Maya-maya lamang ay may isang barangay tanod ang nag-hatid sa kanila ng balita..











    "Patay na po si Mang Domeng!Naaksidente po siya sa may high way. Sirang sira ang SUV na minamaneho niya", balita ng tanod..

         Nang ang pamilya ay humingi ng autopsy, sinabi dito na hindi siya namatay dahil sa mga injuries na tinamo sa aksidente, bagkus ay  dahil sa mga ubeng marka sa kanyang leeg na hindi alam kung ano ang dahilan ...





         Ngayon ay alam na ng lahat na Nakuha na ni Ka Erning ang Hustisyang dapat niyang makamit!

True Experienced Ghost StoriesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin