UNKNOWN #6

1.2K 39 5
                                    

Isang araw ay umuwi si papa dala-dala ang kwentong ito:


Ayon sa kanya ay nasa simbahan siya at nagvi-video ng kinakasal. Kasalukuyan niyang kinukunan ng video ang mga abay na babaeng sunod-sunod na nakaupo sa mahabang bangko ng simbahan sa aming bayan.

Isa-isa niyang kino-close-up ang mukha ng mga abay ng sa gayon ay malinaw itong makita sa video kapag pinapanood na.

"Tatlong tao na lamang at nasa dulo na ako ng bangko nang mapatigil ako" yan mismo 'yung statement na binitawan niya.

"Bakit po?" tanong ko naman

"Nagtaka kasi ako. Ikaw na ikaw 'yung nakita ko sa likod ng camerang ito"at ipinakita pa nya sa akin ang isang pamilyar na video-cam na alam kong pagmamay-ari niya. Ito ang palagi niyang ginagamit tuwing magco-cover siya ng ano mang okasyon.

"Naalis tuloy ang konsentrasyon ko sa pagvi-video. Paano naman ay tiningnan ko ang babaeng nakaupo. Ikaw na ikaw talaga! Kasing katawan mo, kasing kulay mo, kasing buhok mo, kasing hugis ng mukha mo, kasing ilong, mata at labi mo! Ikaw na ikaw talaga." Pagpapatuloy niya sa sinasabi niya



"Matapos ang kasal ay hinanap ko ang camera ko upang ma-picturan ko ang babaeng tinutukoy ko at maipakita ko sa'yo pero hindi ko na makita ang babaeng tinutukoy ko... ipinasok ko na muli 'yong camera sa bag ko at inilagay sa sasakyan pero pagbalik ko sa loob ng simbahan ay naroon na ulit siya, nakatungo siya. Tinitigan ko 'yung kamuka mo tapos saktong dumaan yung isang abay sa tabi ko kaya tinanong ko siya.... Sabi ko 'SINO SYA?' habang nakaturo sa kamukha mo"

Ang sagot lang daw nung isang abay sa kanya ay "Sino po?"

"Ayun oh. Tugon ko dun sa abay pero wala naman akong itinuturo, yung mga estatwa lang sa simbahan ang naroon. Pakiramdam ko tuloy para akong baliw. Pero nakita ko talaga kamukang-kamuka mo, nakita rin ni pareng Nhep" huling statement ni papa.

True Experienced Ghost StoriesWhere stories live. Discover now