AWIT

1.3K 29 2
                                    

STORY OVERHEARD FROM A CLASSMATE - NANCY MALINAO

STORY EDITED INTO FIRST PERSON'S POINT OF VIEW (para madaling maintindihan)


Nancy's PoV


Labing limang minuto na lang! Pero narito pa rin ako sa jeep patungo sa pampublikong paaralan na pinapasukan ko.


Matapos ang ilang sandali ay narito na rin ako. Patakbo kong tinungo ang paaralan ngunit sa kalagitnaan ng aking pagtakbo ay biglang nanlaglag ang mga barya sa bulsa ko - ang sukli ko sa jeep. Naalala ko tuloy na butas pala ang bulsa ng pantalong suot ko. Pilit kong hinanap ang mga baryang nahulog, sayang naman kasi! Ngunit talaga nilalaro ako ng tadhana - napakadilim ng lugar at napakaraming taong nagdaraan pasalungat sa direksyon na tinatahak ko - mga pauwi na galing eskwela. Gabi na kasi!


Gabi ang pasok ko dahil nagtatrabaho pa ako. Mas pinili kong huwag nalang hanapin ang mga barya dahil walong minuto na lamang ang nalalabi - aakyat pa ako sa ika-anim na palapag ng aming paaralan. Walang elevator -- para lamang sa mga propesor ang elavator kaya kaming mga estudyante ay nagtitiis sa hagdan.





Nasa ika-apat na palapag na ako at para bang tatalon na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito! Ang hininga ko nama'y kapos na. Nakakamatay ang ganitong sitwasyon. Gabi-gabi kong inaakyat ang paaralang ito.

Bigla pa akong nakaramdam na naiihi ako.


Kaysa naman maihi ako sa dalawa at kalahating oras na klase ko mamaya ay pinili ko nang dumeretso sa CR sa ika-anim na palapag.


Masangsang na amoy at maruming paligid ang sumalubong sa akin - hindi ito dahil sa walang naglilinis, talaga lamang napakaraming tao ang gumagamit nito.


Napakaswerte ko naman at walang tao sa CR. Palibhasa'y gabi na. Pumunta ako sa dulo -nakakandado, marahil ay barado na. Pumunta ako sa gitna - may dumi! Napakabastos ng gumamit, hindi man lang nagbuhos! At pumunta ako sa isa pang dulo (tatlo lang ang cubicle) - akmang bubuksan ko na ang pinto nang may narinig akong humuhuni!





Ayy! Hindi siya huni - awit pala! Malinaw kong naririnig - hindi tagalog ang inaawit niya, hindi rin naman ingles. Pinakinggan ko nang mabuti -- parang














Parang ibang dialekto - ewan, hindi ako sigurado basta hindi ko naiintindihan ang mensahe ng awit niya dahil iba ang salita niya.





Umatras na lamang ako at hinintay na lumabas ang babaeng umaawit - pero napakatagal na niya...


Nagpasya akong pumunta na sa classroom pero WALANG TAO! Inis na inis ako - mukhang wala atang klase at dahil irregular student ako ay hindi ako nasabihan man lang. Ilang beses na rin itong nangyari. Nakakainis talaga.





Pumasok muli ako sa CR ngunit dinig na dinig ko pa rin ang awit ng babaeng iyon. Magaling siyang umawit ngunit napakatagal na talaga niya kaya naman nagpasya na lamang akong umalis.





Apat na hakbang pa lamang ang nailalayo ko ay nawala na ang awit ng babae. Hindi ko na lamang pinansin dahil nairita na rin ako sa sobrang tagal niya.














Bumaba na ako. Nasa ika-apat na palapag na ako nang marinig ko ang isang pamilyar na tunog -- inisip ko kung saan ko ba narinig ito ...















































AT NANGILABOT AKO NANG SUMALUBONG SA AKIN ANG ISANG BABAENG NAKATUNGO HABANG UMAAWIT - ISANG AWIT NA KANINA AY NARIRINIG KO SA CR.





ALAM KONG SIYA IYON. SIGURADO AKO. Parehong pareho ang boses nila at parehong pareho rin ang inaawit nila. Isang awit na may kakaibang liriko -- hindi maunawaan. Hindi Tagalog, hindi ring Ingles.

Kumaripas na lamang ako sa pagbaba sa hagdan.











:)


A/N: So ayon po, mumu po 'yong nasa CR kanina. Tapos sinalubong pa sya nung pababa na siya sa hagdan.

True Experienced Ghost StoriesWhere stories live. Discover now