End of the Road Apartment

2.1K 54 7
                                    

At the end of the road, there is an APARTMENT ... an "unusual" apartment.

Note: This story is inspired by my own experiences.

Ang pagtungtong ko sa kolehiyo ay nagsisimbolo rin ng pag-alis ko sa probinsya kung saan ako isinilang, lumaki, at nahubog sa iba't-ibang kaalaman.

Kung noong una ay akala kong sa probinsya ko lamang mararanasan ang mga mahihiwaga at hindi maipaliwanag na karanasan, nagkamali pala ako. Ngunit hindi pa man ako nagtatagal sa lungsod kung saan ako nagtungo ay nabago na kaagad ang dating paniniwala ko.


MAY 06, 2014

Nag-asikaso ako ng mga dokumento sa araw na ito at kasabay rin naman nito ang paghahanap ko ng matutuluyan sa loob ng apat na taon kong pag-aaral.

Talaga palang nakakapagod maghanap ng apartment. Pagod na pagod kami sa byahe tapos ang init pa ng sikat ng araw. Lakad kami ng lakad, wala namang maayos na apartment. Biruin nyo, P3,000.00 kada buwan paras sa isang kwarto na tabla ang sahig, walang sariling palikuran at hindi pa maganda ang kapaligiran. P3,500.00 naman sa isang kwarto na wala man lang mga pagamit kahit isang mesa o upuan man lang at ang nakapangingilabot pa ang paligid - puro mga santo sa paligid at iba't ibang rebulto. Madilim rin ang loob ng bahay na animo'y hindi man lamang nasisikatan ng araw.


Pagod na talaga kami hanggat sa .... may nakita kami!

Sa dulo ng kalyeng 'yun may nakapaskil na "ROOM FOR RENT"

Tuwang tuwa kami. Ang ganda! Tiles ang sahig, lababo at CR. May mga pagamit na ring lamesa, upuan, cabinet, double deck at iba pang mga pangangailangan. Bukod rito ay babagtasin mo lamang ang kahabaan ng kalsada na wala pa namang dalawang daang metro at makakarating ka na sa paaralan.

"Dito na kami!" sabi namin sa caretaker ng apartment.

Nalaman namin na June 16 pa pala ang pasukan kaya minabuti muna naming umuwi sa probinsya namin tutal tatlong linggo pa naman, para na rin makatipid kami at masulit ang natitirang araw ng mahabang bakasyon.


KINABUKASAN:

"Tita, aalis po muna kami mahaba pa naman po ang bakasyon kaya babalik na lamang kami kapag malapit na ang araw ng pasukan" pagpapa-alam namin sa care taker ng bahay


"Opo pakisabi nalang po sa kapitbahay namin na nakatira sa kabilang kwarto na sa pagbalik na namin kami makikipagkilala sa kanya para naman may maging kaibigan na agad kami dito" dagdag pa namin





Nanlaki ang mga mata ng care taker ng bahay


"Anong nakatira sa kabilang room?"

"Ah. Diba po meron na do'ng umuupa? Dinig nga po namin e na may naglalakad at narinig rin po namin na umadar ang gripo"

"I-imposible yan! Kayo palang ang nakaupo sa lahat ng unit sa compound na 'yon" natatakot na ang caretaker habang sinasabi 'yon.

"P--po?"

Nagkatinginan nalang kami at bahagyang inakap ang aming mga sarili dala ng kilabot na aming naramdaman. Unang araw pa lamang namin sa apartment na iyon ay may nagparamdam agad sa amin. Pasalamat nalang kami at hindi na ito nagpakita pa.


Bumyahe kami ng may takot na nadarama pauwi sa aming probinsya





MAIKLI po! YES.. Kasi INTORDUCTION PALANG.


FOLLOW || VOTE || COMMENT || SHARE -- for the next part.

Keep upon reading! Thanks <3

True Experienced Ghost StoriesWhere stories live. Discover now