Ang Hiwaga sa Buhay ni Danica

2.8K 85 5
                                    

Ang kwentong ito ay isinalaysay sa akin ng isang kakilala. Tungkol ito sa buhay ni Danica na tubong Samar. Ang tanong paano ko nakilala si Danica at paano ko nalaman ang kwento nya?

Ganito yan, meron akong atid (ninong at ninang nya yung mama at papa ko) na sobrang ka-close ko. Kaklase ko din sya hanggang grade 4 hanggang sa dumating yung araw na kinailangan lumipat ng pamilya nila sa probinsya ng Samar. Nawalan kami ng komunikasyon sa loob ng tatlong taon

Bumalik lang ang komunikasyon namin noong bumalik na sila sa Mindoro. Sa pagbalik nila dito ay dala-dala niya ang napakaraming kwento at mga karanasan. Kaya nalaman ko ang kwento ni Danica. Hindi ko pa talaga nakikita yung sinasabi nyang Danica. Pero talagang napakahiwaga ng buhay nya.Kaya halina't sabay-sabay nating silipin ang ilang bahagi ng buhay niya ...

.


Let the story of Danica begin:

Siya si Danica. Tubong Samar. Ipinanganak siyang normal ... Pero lumaki siyang kakaiba.

"Ahh!! Ang pangit mo Danica!"

"Isinumpa ka kasi!"

"Salot ka naman! Lumayas kana dito. Palagi mo nalang tinatakot ang mga tao rito. Sinungaling ka eh! Wala namang totoo sa mga sinasabi mo!" ilan lamang ito sa mga pangungutyang natatanggap ni Danica. Sa mura nga niyang edad ay naiintindihan na niyang hindi siya gusto ng karamihan sa lugar nila.


Bihirang lumabas ng bahay si Danica dahil na rin sa talagang mas pinipili niyang mapag-isa na lamang. Kung lalabas siya ay siguradong panay panlalait lamang ang mapapakinggan niya sa kanyang palagid. Mapabata man o matanda ay kinukutya siya.


Mula nang magkaisip siya ay parati nalang ganyan.

Dumaan ang mga taon at lalong lumalala ang sitwasyon. Kahit mura pa ang isipan niya ay pumapasok na sa isip niya ang pagpapakamatay dahil sa lubos na paghihirap na nadaranasan niya.


Kwento sa kanya ng nanay niya na mula nang magtatlong taong gulang siya ay nagsimula na ang lahat.





Kasagsagan ng Bagyo Taong 1981

"...a-a-aahhhh!!!" pautal-utal na sumisigaw si Danica na parang takot na takot.

"Tatay ... A-ano ba yang itinuturo ni Nica sa may parteng bubong?" tanong ni Aling Delia sa asawa niya.

Walang imik ang asawa niya dahil may kinukumpuni itong parte ng bahay nila upang huwag matuluyang masira dahil sa bagyo.


"aaa-a---aahh---iiehh~ KYYAAHHH!!!"


Naagaw lalo ng bata ang atensyon nilang mag-asawa. Hindi makalapit si Aling Delia kay Danica dahil nangingilabot siya!

Tumitirik ang mata ni Danica at walang humpay ang pagturo niya sa bubong nila na wala pang kisame.

Tumalon na ang tatay ni Danica para mabilis na makarating sa anak niya.


"ANAK!!" kinakabahang usal ng tatay niya habang yapos-yapos niya ang anak.

"Tingnan mo nga kung a--ano yung tinuturo nya sa taas? BAKIT NAMUMUTLA SIYA!!?" saad ni Aling Deli

Agad na tumingala ang tatay ni Nica.

"Wala naman eh!"

Pero patuloy pa din si Danica sa pagturo sa bubong nila! Nanginginig na siya at namamaos na sa pagsigaw.


"Maghanda ka ng mga gamit.. Lumipat nalang tayo ng bahay." maotoridad na utos ng tatay ni Danica


Nabigla man si Aling Delia sa utos ng asawa ay agad niya itong sinunod.

True Experienced Ghost Storiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن