Chapter 19 - Sure win!!!

7K 100 13
                                    

        Chapter 19 – Sure Win!

 

                Pumayag sa kondisyon ni Tonton ang kambal na sina Brittany at Brianna. Kailangan nilang magpaligsahan upang mapanalunan ang kanilang napupusuan na lalake. (Akala mo naman talaga ay napakagwapo para pag agawa, pero wala tayong magagawa, siya ang gusto nila. May kanya kanyang trip at tipo ang bawat tao at walang sino man ang makakapagdikta kung ano ang gusto nila.)

 

                Habang nagkakainitan ang magkapatid ay pumunta si Tonton sa DJ upang kausapin ito. Binulungan at inabutan ng pera sa kamay. Kumbaga pampadulas iyon upang masunod ang gusto niyang mangyari. Ipinatawag din niya ang manager ng superclub at inabuta din ng salapi. Nang dahil sa ginawa niyang iyon ay pumayag sila sa gustong mangyari ni Tonton, contest ng dalawang nag gagandahan at nagseseksihang mga models na si Brittany at Brianna.

 

                Sa kalagitnaan ng pagsayaw at pag-indayog ng mga tao sa dance floor nakarinig sila ng scratch sa DJ na pinatigil ang pagpapatugtog, nag salita ang kinuha ang microphone at nagsalita.

 

                “Listen up guys! Tonight we have an in house surprise treat for you. This is gonna be fun and interesting!” sabi ng Dj sa crowd.

 

                “WOOOOO!” sigaw ng crowd na may kasamang palakpak.

 

                “Tonight, we will have a contest, but we only have two participants, Brittany and Brianna!” paliwanag ng DJ. Pagkasabi niya nito ay pumunta naman ang kambal sa harapan upang makita ng mga tao. Mataray ang mga ito at nakataas ang kilay sa bawat isa. Kumakaway kaway din at parang kumukuha ng kanya kanyang mga taga suporta sa randon people na nasa loob ng bar.

 

                “They are battling for the heart of this fine young man,” tinuro si Tonton, “and they wil face three challenges, whoever wins will take home the jackpot prize, the very hot body of this good looking man beside me.” Pambobola ng DJ, “First round, dance showdown!!!!”

 

                Pagkabanggit ng DJ sa dance showdown, everybody clamoured in cheers. Pinalibutan nila ang dance floor at ang kambal naman ay pumuwesto na sa gitna.  Kanya kanyang cheer ang mga tao. Meron para kay Brittany, meron din para kay Brianna.

 

                “Ladies listen up, you have 2 rounds of 1 minute each to have your solo and on the third round you have to do the showdown together,” paliwang ulit ng DJ sa mechanics ng unang challenge, “Let the battle begin!” hudyat ng DJ sabay nagpatugtog ng isang napakagandang remix na pang dance battle ang dating.

 

                Nasa DJ station lang si Tonton at nanunuod, masayang masaya siya sa nakikitang dalawang babaeng nag aagawan para sa kanya. Batid niya din sa kaisipan niya na ok lang kahit sino sa kambal ang manalo, dahil kahit matalo ang isa, siya pa rin ang mag-uuwi ng grand prize. Win-win situation ito para kay Tonton.

 

                Sa dance floor naman ay handa na ang dalawa, sinenyasan ni Brittany na mauna na ang kakambal, maangas na paghahamon ang kanyang ginawang gesture sa kapatid para mauna na itong sumayaw. Hindi naman siya inurungan ni Brianna.

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon