Chapter 4 part 2

14.3K 250 17
                                    

Chapter 4 part 2

tatlong days na lang ang natitira para launching ng fashion show. Iito ay sa kadahilanang biglang nagbago ang isip ng president ng KAWAII at inagahan ang date. Pressured si Lance pero may iba na grabe ang excitement. Mukhang handa na din naman ang lahat. Tanging ang araw na lang ng Fashion show ang inaantay. Excited ang bawat isang empleyado sa ICE dahil ito din ang pinakamalaking project na natanggap ng company nila. Lahat ay naka-focus sa launching ng KAWAII maliban sa dalawang tao. Sila ay walang iba kundi si Kiel at Maicy na may ibang pinakaka-abalahan at pinaplano.

 "3 days Left"

Sa Starbucks sa Tomas Morato ay nakaupo ang isang Ginang na tila may inaantay at medyo balisa. Maya’t maya nag tingin nya sa kanyang mamahaling relo at panay ang ihip sa inorder na kape pero hindi naman iniinom. Tila ayaw nyang Makita ang kakatagpuin ngunit may nagsasabi sa sarili na kailangan nya itong gawin.

Kaunting saglit pa ay may isang magarang sasakyan ang dumatin at pumarada sa harap ng Starbucks. Sakay nito ay isang simpatikong binate, si Kiel, at sa passenger’s seat naman ay isang magandang inibini, si Maicy.

“sasamahan pa ba kita bhe?” tanong ni Maicy kay Kiel.

“Hindi na bhe, kaya ko na ito. Sana naman ay maging maayos ang lahat.” Tugon ni Kiel ng may pangamba sa boses.

Bumaba na si Kiel ng sasakyan. Inaayos ang suot na long sleeves para mas pormal tignan. Tumungo na ito papasok ng Starbucks. Pag pasok pa lang nya ay agad na nya nakita ang Ginang na katagpo nya. Lumingon ito. Nagkatingin sila. Napilitang kumaway ang Ginang. Lumapit ng dahan dahan si Kiel patungo sa Lamesa kung saan nakaupo ang Ginang.

“Kamusta po kayo, tita?” polite na sabi ni Kiel.

“Mabuti naman ako. Ikaw? Mukhang Malaki ang pinagbago mo ah.” Maayos na tugon ng babae.

“Hindi naman po. Matagal ko lang po inantay ang araw na ito. At nais kop o sana kayong makausap talaga para maging malinaw ang mga bagay bagay.”

Nag-usap ang dalawa. Masinsinan. Seryoso. Makikita mo sa kanilang mukha ang bigat ng pinag-uusapan.

Habang nakikipag usap si Kiel sa loob ay nasa kotse lang si maicy, nang biglang may nag-text sa kanya. Si Lance.

[Hi Maicy. I saved your number when you texted me yesterday. I’m sorry for what happened yesterday. How are you?] – text ni lance.

“I’m ok. Don’t worry about yesterday. Okay lang yun.”

[Great. Uhm, just want to ask you if you are busy tomorrow. Mind if I invite you for a dinner. Don’t worry it’s just a dinner. Hope you don’t have anything to do by tomorrow.]

“I’ll let you know.” Cold na reply ni maicy kay Lance.

(ang hindi alam ni Maicy ay halos mamatay sa gigil si Lance sa reply nya. Lalo sya nang gigil at may halong inis. Pero mas nachallenge sya. Nagtataka lang sya bakit sa ganung ka-gwapo na tulad nya eh hindi nya mapa-oo agad si Maicy.)

Lumabas si Maicy sa sasakyan. Bumaba sya para mag-CR. Papasok pa lang ng pinto ay nakita na nya ang kaibigan na kausap yung ginang, parehas umiiyak at magkahawak ng kamay. Nahiya na sya pumasok. Bumalik na lang sya ng sasakyan.

“Ano kaya napag-usapan nung dalawa? Super heart to heart naman sila.” Tanong ni Maicy sa sarili nya.

“hay naku, saan kaya ako iihi nito. Sakit na ng pantog ko.” Hindi mapakali si maicy at parang puputok na yata ang pantog.

“Hindi ko na talaga keri, deadskin na kung Makita ako ni Kiel na Makita syang umiiyak. Baka kasi ma-distract eh.” Lumabas ulit si Maicy ng sasakyan at nagmamadaling naglakad papasok sa Starbucks.

Nang bigla nyang makasalubong naman papalabas na si Kiel at ang Ginang.

“oh saan ka pupunta?” tanong ni Kiel.

“mag-CCR. Excuse me lang.” sabay hawi kay Kiel at nagmamadaling nagtungo sa CR si Maicy.

“Sino yun?” tanong ng ginang.

“bestfriend ko po. oh paano tita mag iingat kayo. Maraming salamat.” Paalam ni Kielsa babae.

Umalis na ang Ginang at si Kiel naman ay nag punta nan g sasakyan at doon inantay si Maicy. Kaunting sandal pa ay bumalik na din si maicy at sumakay na.

“whew! Akala ko sasabog na eh. Buti na lang natiis ko.”

“bakit naman kasi hindi ka umuiihi agad kanina.”

“nag-uusap pa kaya kayo! With matching cry cry pa”

“hindi ah.” Tanggi ni Kiel.

“anong hindi? Ayan oh namumula pa yang mapupungay mong mata. Hahahaha. Ano nga pala ang napag-usapan nyo? Ok na ba ang lahat?”

“Oo bhe. Tutupad sya sa usaapan. Tuloy ang plano.”

“Speaking of plano. Nag-text na sakin si Lance kanina. Niyayaya nya ako ng dinner.”

“Good. Sumasang-ayon sa atin ang lahat. Hindi na tayo nahirapan na mapalapit sya sayo. Tadhana na ang naglapit sa kanya sayo. Pumyag ka na makipag-dinner. Bukas na bukas din at simulan na ang lahat ng dapat simulan. Sumama ka sa kanya sa dinner. Alam mo na ang mga dapat gawin. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. Hindi na ako makakapayag na mabalewala lahat ang pag hihintay at pagdurusa ko.”

 "Yes boss! kopya! let's do this!" energetic na sagot ni Maicy.

*****************************************************************************************

"dont forget to comment and vote"

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon