Chapter 2 (last part)

25.7K 420 106
                                    

Epic girl number 3. Si Binibining MMK.

"Tara na tonton." Nagyaya na paalis si lance. Nasa loob sila ng isang maliit na disco bar sa timog.

"Oh bakit? Wala pa tayong isang oras dito ah."

"Bulag ka ba o talagang walang taste?" Naiiritang pagkakasabi ni lance.

"Bakit naman?"

"Tignan mo ang mga babae sa loob ng bar na ito. Wala akong matipuhan."

"Tingin tingin ka lang dyan. Relax. Baka meron."

"Bahala ka iiwan na kita. Mas mabuti pa matulog. Lahat ng babae dito hipon! Kain katawan tapon ulo. Pagsama samahin mo yang mga hipon na yan. Ang tawag dun OKOY! At hindi ako kumakain nun. Baka ikaw gusto mo, bagay ka sa okoy, mukha kang maasim, ikaw yung suka na sawsawan nila.!"

"Ang hard pre, pero sige paiwan na ako dito, mahilig naman ako sa seafoods, ok na ako sa okoy, laman tiyan din yan. Ingat pre."

Umalis na sila Lance na medyo badtrip. Wala kasi syang nagustuhan na pede nyang diskartehan. Palibhasa yummy sya kaya napaka choosy din. Ayaw nya ng basta basta. Kahit naman kasi babaero si Lance, umaasa sya na ang didiskartehan nya ay ang taong makakapagpatibok ng kanyang puso sa kalaunan. Kung baga he is always testing the water. Ibang klase din naman kasi si Lance pag nagkagusto sa babae.

Nag drive na si Lance pabalik ng condo nya.

"Nasaan na kaya ang mga magagandang chix? Nagtatago ba sila sakin? Mga girls!!! Asan na kayo???! Let me show you my awesomeness and dwell into my presence." Ito ang nasa sinasabi ni Lance sa isipan nya while driving home.

Biglang pumreno si Lance, muntik na syang mag beating the red light. Marahil kakaisip nito sa mga bewang ng mga babae eh hindi nya na napansin na may traffic light. Nakakatuwa si Lance dahil habang nakatigil ay nangungulangot sya. Talaga naman todo sungkit. Hindi naman perpekto lahat ng tao. Lahat naman ay dumadanas ng ganito kaya normal lang ang ginagawa nya. Pero biglang natigilan siya sa ginagawang pagkalikot ng ilong.

"Sheeeeeeet na malagket!!!" Sabi ni Lance nung maalala nya na hindi nga pala tinted ang kanyang sasakyan. Dun lang nya na-realize na nakikita sya ng mga taong nasa kabilang sasakyan na katabi nya habang nakatigil. Tumingin pa sa paligid si Lance, lalo syang nahiya dahil nakikita din pala sya ng mga taong tumatawid na tinuturo pa sya at natatawa.

Nung nag green ang traffic light, pinaarangkada nya agad ang sasakyan sa sobrang kahihiyan.

"Badtrip. Wala na ngang chix, napahiya pa. Makatulog na lang pag uwi." Sabi ni lance.

Sa kabilang kanto ay inabot ulit sya ng red ng traffic light. Pinigilan na ni lance, magkalikot ng ilong. Habang inaantay mag green ang traffic light ay sumisipol-sipol na lang sya. Hindi sya makapagpatugtog kasi naiwan nya ang iPod nya. Ayaw naman nya makinig sa mga FM station lalo naman sa AM station.

Palinga-linga si Lance habang nag-aantay ng go signal. Nang may nakita syang isang poster ad.

"Looking for the one? Sign up and log in to www.onelovedating.com , your soulmate might be waiting for you." Ito ang nakasulat sa poster ad ng isang website.

Biglang napaisip si Lance. Online dating!!! Yun ang di pa nya nasusubukan. Bigkang na-excite si Lance. Napangiti kahit mag isa. Mukhang gusto nya i-try ito. Wala naman mawawala sa kanya kung susubukan nya. Mas napaisip pa sya na baka maraming magaganda ang nandun sa dating site na yun.

Pagkauwing pagkauwi ni Lance sa condo. Binuksan nya agad ang kanyang laptop at sumalampak sa harapan nito. Agad binuksan ang website ng www.onelovedating.com.

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon