Chapter 31 - The Past and the furious

7.3K 109 21
                                    

Chapter 31 – The Past and the Furious

Nagsimula ng magsalaysay ng nakaraan nila si Kiel. Habang tulala nakikinig si Maicy. Si Lance naman kahit may pagdadalawang isip kung dapat ba niyang pakinggan si Kiel ngunit nanatili pa rin upang malaman niya kung may katotohanan nga ba ang mga sasabihin ni Kiel, ang taong nakilala niya bilang kaibigan ni Maicy at nagtulak at nagsilbi pang tulay sa kanilang dalawa. Nais niyang malaman kung bakit nagkakaganito sa kabila ng lahat ng payo niya noon ay bakit ganito ang kinahantungan.

At binalikan na nga ni Kiel ang mga kaganapan ng sinasabi niyang nakaraan ni Lance at saka ito isinalsay ng detalyado sa binata.

(Ang nakaraan)

It was wee hours in the morning when Kiel was walking down the road. Mallaim ang iniisip at tila naguguluhan. Although hindi halata na may pinagdadaanan siya dahil sa postura nitong napakaayos, makisig na katawan at maayos na damit. Tanging sa kanyang maamong mukha mo lang mababanaag na may gumulo sa kanyang isipan at damdamin.

Nang akmang patawid siya ng kalsada na wala sa kaniyang ulirat ay biglang may rumaragasang kotse na patungo sa kanyang direksyon. Nasilaw siya ng maliwanag na ilaw mula sa sasakyan at ng mistulang masasagasaan siya ay hindi na nagawang makakilos ni Kiel sa kanyang kinatatayuan, tanging mga kamay na lang niya ang kanyang naisipan niyang gawing pananggalang sa paparating na sasakyan. Nahihintakutan man ay wala siyang naisigaw dahil sa pagkabigla.

Malakas ang tunog ng pagkiskis ng gulong sa kalsada dulot ng biglang pag preno ng nagmamaneho nito. Walang isang ruler ang layo ng pagtigil ng saskyan sa katawan ni Kiel. Ligtas siya at hindi nasaktan.Daglian naman bumaba ang driver ng kotse, si Lance.

"Hey dude, are you ok?" imbes magalit dahil sa pagkakamaling pagtawid ni Kiel ay buong pag-aalala ang tono ng pagkakasambit ni Lance.

"Ye...Yeah, I'm fine."

"Are you hurt?" muling tanong ulit ni Lance kay Kiel habang tinutulungan nya ito dahil napaluhod at halos matumba na ito sa dulot ng takot na naramdaman kanina.

"No, I'm all good. I'm really sorry. It was my fault." buong pusong pag dispensa ni Kiel.

"No, it was mine. I didn't see you agad. Sorry din." Paghingi din ng tawad ni Lance.

Hindi nakakibo si Kiel at tila lalong natulala. Napansin naman agad iyon ni Lance. Sa pag aakalang he caused a trauma kay Kiel sa muntikan na aksidente he offered him to have a ride with him.

"You know what, I think I should give you a ride. You don't look alright. Come hop in. I'll treat you a coffee somewhere. Baka mas mapahamak ka pa kapag iniwan kita." Lance said.

And then theyhad coffee and finally after several minutes na pagsasama nila ay medyo napalagay na si Kiel kay Lance dahil na rin sa likas na kabaitan ng binata. He thought for a stranger, Lance is quite a trust worthy person. Sa unang pagkikita nila ay naikwento na agad ni Kiel ang kanyang pinagdadaanan. At doon na nagsimula ang lahat.

They started as good friends. Having coffee together, going out together and as time goes by there is something different na nararamdaman na si Lance kay Kiel. Lingid parehas sa kanilang kaalaman at kahit sa kanilang mga kaibigan ang mga tunay nilang pagkatao. "Closet" sila takot umamin dahil sa baka hindi sila matanggap ng mga taong nakapaligid sa kanila, kahit sila na magkaibigan ay hindi alam ang tunay na kulay ng bawat isa.

Hanggang sa dumating ang panahon na umamin si Lance kay Kiel.

Sa isang normal na araw sa tamabayan nilang coffee shop, Kopirotti sa may Tomas Morato, pagkatapos nilang mag pa massage sa R2 BUDS NAIL SPA sa itaas noon ay saglit silang tumigil sa coffee shop upang mag kwentuhan.

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon