Continuation of Chapter 1

37.5K 752 88
                                    


****************

"Uuuuuuuuuuggggh." Ungol ni ellen sabay yakap sa katabi.

Minulat nya ang kanyang mga mata sabay sumigaw.

"Waaaaaaaaaaaaaah! Sino ka? Asan ako?! Anong ginawa mo sakin?" Hysterical na tanong ni Ellen.

"Ako si Tonton, Kaibigan ni Lance. Andito ka sa condo ko at for your information wala akong ginawa sayo! Wag kang asyumera! Di porke maganda ka lahat maglalaway sayo!"

"Asan si Lance?"

"Umalis na kanina pa. Alas nuwebe na ng umaga oh!"

"Bakit ako andito, hindi ba umuwi ako kina lance?"

"Hahahahahah, condo ko ito. Hindi nag uuwi ng babae si lance, kapal nga ng mukha ito ginawang hide out eh. Nung tulog na tulog ka pa lang kanina tumakas na sya. Sanay na ako. Pang ilan ka na ba? Di ko na tanda eh."

"Hayup na Lance yan! Akala ko mahal nya ako?! Akala ko meant to be na kami, manloloko pala sya! Grrrrrrrrrr"

"Huy huy huy! Tumigil ka dyan miss. Unang una ikaw itong maharot, nagpakita ka agad ng motibo! Mamimilit ka na isama ka tapos pag iniwanan ka galit? Umuwi ka na miss at madami pa akong gagawin!"

"Sumusobra ka na tabatchoy ha!"

"Miss ikaw ang sobra... Sobrang landi mo! Ayan tuloy napala mo!"

"Excuse me! Hindi ako easy to get ha!"

"Oo naman, you are way below the level of easy, malamang tutorial level ka lang. Parang kang china phone konting bagsak lang bumibigay na agad! Hala sige uwi na!"

Nagbihis si Ellen ng padabog at galit na galit.

"Sabihin mo sa kaibigan mo! Walangya sya!"

"Ok" sarcastic na sagot ni tonton.

"Teka lang, anu ba number nya?" Sabay may konting lambing sa boses ni ellen, halatang hoping sya kay lance.

"Eto oh." May inabot na papel si tonton.

"8-7000!? Jollibee delivery?

"Oo! Delivery boy sya, hulaan mo na lang kung anong branch."

"Pede ko naman sya i-request diba?!"

"Ay sus! Tama nga si Lance, mahina nga utak mo! Hala sige na miss uwi ka na!"

Sabay tulak kay ellen palabas ng pinto, pero nanlalaban ito.

"Pero sure ka pede sya ang magdeliver sakin?! Sure ka ha?" Paulit ulit na tanong ni ellen habang naitutulak sya palabas ng pinto.

Sinara at nilock ang pinto. Ito agad ang ginawa ni Tonton nung matagumpay nyang naitaboy si ellen.

"Sige na! Lumabas ka na dyan!" Sigaw ni tonton.

Dahan dahan may lumabas sa cabinet ni tonton, isang napaka-gwapong nilalang. Akala mo ay anghel sa kaamuhan ng mukha. Naka boxer shorts lang ito at talaga naman napakaganda ng katawan, parang inukit sa sobrang perfect tignan. Walang sinabi ang katawan ni Derek ramsey, kahit si brad pitt di ata makakahabol. (bakit ba ganito ang ginawa kong character, pati ako di ko mapigilang maglaway. kainis.) Sya ay walang iba kundi ang babaerong si Lance.

"Tol wala na, sige na labas na." sabi ni tonton kay Lance.

"Sure ka ha?"

" oo nga."

At tuluyan nang lumabas si Lance mula sa cabinet.

Nagkatitigan ang dalawa.

" HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAH!" Sabay na halakhakan ng tawa ni Lance at Tonton.

"Oh diba? Anong sabi ko sayo kagabi tonton, mahina talaga utak nya diba? Buti na lang maganda." Sabi ni lance habang tumatawa.

"Oo nga. Kaasar. Buti pa ang bulalo may konting laman, yung utak nun purong sabaw!" Tugon ni tonton habang tawa din ng tawa.

Humupa na ang pagtawa ng dalawa.

"Pero sayang sya Lance."

"Oo, nga eh. Penge naman akong kape." Sabay sindi ng yosi ni lance.

"Dun oh may mainit na tubig na dun, ikaw na ang magtimpla, anu ito, tagatakip mo na ako utusan pa? Sobra ka brad."

"Haha, ito naman. Minsan lang. Sige ako na"

"Pare maiba ako, hindi ka pa ba titigil sa pambabae mo? Di ka ba nagsasawa? We are not getting any younger." Sabi ni tonton kay lance.

"Ton, hindi ko pa nakikita ang babaeng seseryosohin ko. Don't worry, pag nakita ko sya, ikaw unang makakaalam."

"Ano ba kasi hinahanap mo? Ilang babae na ang dumaan sayo wala ka nagustuhan?"

"Yung SPARK Tonton, SPARK yun ang hinahanap ko. Diba sabi nila pag sya na ang mamahalin at iibigin mo ng habang buhay. Makakaramdam ka ng kakaibang sensation at makakakita ka ng SPARK."

"Bahala ka nga. Pa-spark spark ka pa. Sige umuwi ka na din at baka bumalik pa yung babaeng tunog komedyante na si ELLEN KAYE."

Sabay tawa ng dalawa.

" Oo nga. Sige Tol, maraming salamat ha. Kailangan ko na din umuwi at may pasok pa ako bukas."

" oh di ka man lang magshoshower?"

"Ok lang yan sa bahay na, mukha naman akong mabango eh."

"Dugyot mo pre."

"Gwapo naman kahit di maligo mukhang malinis, kaw nga kahit naligo na mukhang dugyot pa rin. Hahahaha joke lang tol, geh una na ako."

"Sira ulo ka talaga. Sige ingat."

****************

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND ADD THIS STORY ON YOUR READING LISTS. THANK YOU.

FOLLOW ME ON TWITTER AND INSTAGRAM @chadkinis

ABANGAN ANG CHAPTER 2 :)

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon