Chapter 8 - A Glimpse of the Past

11.7K 163 14
                                    

2 years ago.

                “Ako mahal ikaw,” baby talk na sabi ni Maicy sa boyfriend niyang si Sebastian habang nagda-drive ito upang hatid sya sa GO-SEE nya para sa isang event.

               

“Ako mas mahal ikaw,” sagot si Sebastian na mas malambing na baby talk.

 

                Ganito maglambingan ang magboyfriend at girlfriend na si Sebastian at Maicy.

               

                Napaka supportive na boyfriend ni Seb, sa lahat ng event ng kanyang girlfriend ay hinahatid at sinusundo ito, minsan pa ay inaantay ito hanggang matapos ang event, vtr or go see ng kanyang nobyang papausbong na ang career at unti unti ng nakikilala sa modelling industry.

 

                “Galingan mo mamaya ha, munchkin ko,” malambing na sabi ni Seb kay Maicy.

 

                “Opo muffin ko, promise ko sayo diba na magiging top model ako for you. Syempre gusto ko maging proud ka sakin at ipagyabang mo sa lahat na, TOP MODEL ang girlfriend mo.” Masayang tugon ni Maicy.

 

                “Yan ang gusto ko sa iyo eh. Fighting spirit na hindi kumukupas. I love it munchkin.” Sabay hawak nya sa magandang hita ni Maicy.

 

                “Oh, muffin naman, eyes on the road. Hands on the wheels not on my legs. Baka maaksidente tayo. Ikaw talaga.” Paalala ni Maicy kay Seb.

 

                “Hehehe, opo, nanggigil lang eh.” Pilyong sagot ni Seb.

 

                “Don’t worry muffin, sa iyo lang naman yan, walang aagaw nyan. Makikita lang yan sa runway pero hinding hindi nila mahahawakan.” Pagyayabang ni Maicy.

 

                “Aba, dapat lang noh, ako nga hindi pa nakaka 2nd base sa iyo, mapapatay ko kung sino man ang taong uunahan pa ako sa munchkin ko.”

 

                “Hahahaha, walang makakauna, ikaw lang at ikaw din ang huli. I promise that to you muffin. Ako mahal na mahal ikaw.” Pag-aamo ni Maicy kay Seb habang nag baby talk sya ulit.

 

                “Alam ko po iyon, Mas mahal po ni ako si ikaw.” Baby talk respose ng Seb.

 

                After few minutes of driving they finally reached the building somewhere Makati kung saan gaganapin ang Go-see.

 

                “Munchkin, goodluck ah. Kayang kaya mo po yan. I can’t come with you kasi dadaan pa ako sa shop. Dadating kasi yun isang client. Titignan nya daw yun bagong dating na car from subic.”

                Buy and sell ang business ni Seb at may sarili syang pwesto sa may Quezon Ave, kaya naman medyo maluwag ang oras nya para laging makasama ang pinamamahal nyang nobya.

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon