Chapter 9 - The forgotten dream

12.4K 149 13
                                    

Kinagabihan. Mag diriwang ang magkasintahan na si Maicy at Sebastian sa pagkakatanggap ni Maicy bilang isa sa mga models ni Francis Libiran sa upcoming Fashion event nya sa paglunsad ng bago niyang collection.

[Munchkin, prepare ka na po ah. I am almost there na to pick you up. I love you so much.], text ni Seb kay Maicy. Pabalik na siya sa bahay ni Maicy upang sunduin siya. Nakangiti ito habang nagmamaneho at bakas sa mukha ang hindi maitatagong kasiyahan. Sa bawat oras na magkikita o magkakasama sila ng kanyang nobya ay talaga naman tumatalon ang puso niya sa ligaya lalo na sa mga pagkakataong nagtatagumpay ang mahal niyang nobya sa kanyang karerang tinatahak.

"I love you more muffin." Reply ni Maicy kay Seb.

Walang kamatayan sa pagpapalitan ng I love you ang dalawa sa text at kahit mag-kasama na sila. Sa loob ng isang araw ay hindi mo mabibilang kung ilang beses sila nagsasabihan ng magic words na tuwing naririnig nila ay parang mga batang kinikilig at first time sinabihan ng, I LOVE YOU.

Ganito kawagas ang pagmamahalan nila. Sobrang sweet nila. Yung tipong kahit yata langgam eh magkaka-diabetes sa sobrang tamis ng dalawa.

"Beep. Beep." Bumusina si Seb.tatlong beses pa din, tanda ng pagsasabi ng I love you kay Maicy. Nasa tapat na siya ng bahay.

Agad naman tumayo si Maicy sa pagkakaupo sa harap ng kanyang dressing eksaktong katatapos lang niya mag lagay ng make-up at mag bihis. Sumilip agad siya sa bintana upang tunghayan ang nobyo. Kumaway siya nng may halong Excitement. Sinuot ang heels at agad na bumaba.

Paglabas ni Maicy ng kanilang gate ay bumaba si Seb ng kotse upang pagbuksan ng pinto ng sasakyang ang nobya. Gentleman talaga si Seb. Isa ito sa mga katangian ni Seb na gustong gusto ni Maicy.

"thank you muffin." Kumiss siya kay Seb sabay sumakay na ng kotse.

Bumalik na sa Driver's seat si Seb at tinanong ang nobya.

"Where do you want to eat my lovey dovey super cutie munchkin." Malambing na tanong ng nobyo.

"Kahit saan ay ok lang, as long as kasama kita kahit sa bakanteng lote lang tayo magdiwang ay ayos lang. alam mo naman muffin na ikaw pa lang ay premyo ko na." sagot ni Maicy.

"Naks naman. Yan ang gusto ko sa iyo munchkin eh. Bolero ka din eh. Hahahaha. Sige punta na lang tayo somewhere we can dine and drink." Sabi ni Seb.

"Sure mo muffin my love." Sabay flying kiss nya kay Seb.

Sinalo ito ni Seb at inilagay sa puso niya. Typical response sa mga flying kiss. Para silang mga bata na naghaharutan sa loob ng sasakyan. Parang hindi matapos na ligawan ang nagaganap sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho si Seb.

Binuksan ni ni Se Bang radio ng kotse. Napatingin siya kay Maicy dahil ang tugtog ay RUDE by Magic.

"Munchkin this song is for you." Biglang sinabayan ni Seb ang kanta at sumasayaw sayaw pa.

"Why you gotta be so rude? Don't you know im human too. Why you gotta be so rude? I'm gonna marry her anyway, marry that girl, marry her anyway, marry that girl, no matter what you say, marry that girl, and we'll be a family," pumipiyok piyok pa na ppagsabay ni Seb sa kanta.

Kinilig kilig na naman si Maicy.

Sa sobrang saya nila sa loob ng sasakyan ay hindi na namanlayan ni Maicy na nasa favourite restaurant na nila sila.

"We are here na munchkin."

"Wow ang bilis. Sakto ngayon ang ako nagutom hahaha." Sabi ni Maicy.

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon