Chapter 14 - Pagbabago at pagkabagabag

8.2K 117 15
                                    

Chapter 14

Maayos ang bedsheet, nakatupi ang kumot, walang nagkalat na mga medyas at nakaayos ang mga sapatos sa shoe rack. Maganda din nakatiklop ang mga damit sa cabinet at ang mga maruming damit ay nakalagay mabuti sa laundry basket. Nakasalansan mabuti ang mga plato, baso at iba pang gamit sa kusina. Wala din makikitang kahit anong kalat sa sahig. Amoy lavender ang paligid dahil sa aroma scent machine. Sa madaling salita, Napakalinis at mabango.

Ito ang itsura ng condo ni Lance. Ginanahan siya maglinis ng kanyang lugar. After a year since nagsimula siya tumira dito ay hindi pa naging malinis ang kanyang condo, ngayon lang. Parang may anghel na nagudyok sa kanya na mag general cleaning.

Hinawi niya ang blinds ng bintana niya upang mabuksan niya ang bintana at makapasok din ang konting liwanag kahit pahapon na. Pagkatapos ay pinagmasdan ang paligid ng kanyang condo. Sinisiguradong wala na siyang nakaligtaan na ayusin.

Tumatagaktak ang pawis sa magandang katawan ni Lance. Para siyang si Captain Barbell dahil nakapamewang pa siya habang matikas na nakatayo sa tapat ng binuksan niyang bintana. May konti lang silang pinagka-iba. Si Captain Barbell ay nauna isinuot ang damit bago ang brief, pero si Lance, naka-Brief lang talaga. (Author's note: Ano ba yan?! Mag damit ka nga Lance. Naaakit ako eh! Kakagigil ka na ha!)

May konting hingal sa paghinga niya dahil sa halos magdamag niyang paglilinis. Nang matapos pagmasdan ang paligid at nasiguradong maayos na ang lahat ay napangiti siya ng Malaki. Tuwang tuwa sa kanyang nagawa. Isang achievement ito para sa kanya. Milestone kung baga.

"Ganito," kausap ang kanyang sarili, "Ganito dapat kalinis dito kapag dinala ko si Maicy dito," sabi niya.

Nagpapraktis na pala siya na laging malinis ang lugar niya dahil may plano siya na dalhin si Maicy dito. Naisip kasi niya na baka maging major turn off kay Maicy kapag nakita niya na napakagulo ng kanyang condo. He is really thinking ahead. Confident siya na walang makakasagabal sa panliligaw niya kay Maicy at darating ang oras na maiimbita niya din sa kanyang condo si Maicy. Wala pang dinadalang babae si Lance sa condo niya. Lahat ng mga pinaglaruan niyang babae ay sa condo ni Tonton niya dinala. Ngunit iba na ito, may lihim kasi siyang pangako sa sarili na ang tanging babaeng makakarating lang sa kanyang lugar ay ang babaeng kanyang mamahalin, iyon ay walang iba kundi si Maicy.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at itinext si Maicy. Hindi pa man din nailalapag ang cellphone ay tumunog na ulit ito. Nag reply na si Maicy.

[Sure, see you later.] reply ni Maicy.

"Saan mo pala gusto manuod ng movie? Do you want me to pick you up? What movie ang gusto mo?" text ni Lance habang nakangiti ito ng kagat kagat pa ang maninipis at mapulang labi.

[Robinson's Magnolia na lang. Ikaw na ang bahala kung anong movie. Last full show na lang siguro tayo. Just meet me there around 8:00pm. ]

"Alright. I'll see you then. Take care gorgeous. Mwah." Reply ni Lance.

Inihagis niya ang kanyang cellphone sa kama at nag-inat ng mga braso. "Yes!" ito lang ang masayang nasabi ni Lance sa loob kanyang sarili habang inuunat ang mga braso paitaas para marelax at naglalakad papuntang banyo para maligo at maghanda sa mpvie date niya mamaya. Mabuti ng maaga kesa mauna si Maicy sa kanyan. Nawawala na ang ugali niyang pagiging late.

Nang papasok na siya ng banyo, "OOOOPS! 'yung towel pala nakalimutan ko."

Kung dati rati'y ayos lang na makalimutan niya ito at okay lang na lumabas siya ng banyo ng tumutulo ang katawan dahil naiwan niya ang kaniyang towel.

Dagliang kinuha ang naiwang tuwalya at pumasok na din sa banyo upang maglinis ng katawan.

Binuksan ang shower at binasa ang matipunong katawan, naglagay ng shampoo at hinugasan mabuti ang buhok. Inabot ang sabon at sa pagkakataong ito, buong katawan niya ang kanyang sinabunan, ultimo kasingit singitan niya ay todong sinabon. Kung noon ay ayos lang na parang ligong uwak lang siya, ngayon ay mas naging malinis na din siya sa katawan, dinadamay na nya ang kanyang binti at paa sa pagsasabon. Noon kasi kahit hanggang singit lang o half body wash lang ay ayos na sakanya. Gumamit din siya ng labakara upang maalis ang mga libag kung meron man. Saka nagbanlaw ng mabuti at tinuyo ang katawan gamit ang malinis na towel. Ang dating dalawang minuto niyang paliligo ay naging trenta minuto na.

Hindi lang sa bahay siya naging malinis, naging mas malinis na rin siya sa kanyang katawan. Gwapo na siya pero naisip niyang mas dagdag pogi points kung walang masisilip si Maicy na kapintasan sa kanya. Kaya naman todo ingat siya sa mga bagay.

Naalala kasi niya ang unang turn off moment na kung saan napahiya siya ng bongga sa dalaga. Iyon ay ang pagkakataon na nakalimutan niya mag sipilyo. At ayaw na niyang maulit iyon kaya naman kinuha niya ang kanyang toothbrush matapos maligo at nagsipilyo ito ng halos limang minuto pagkatapos ay nag gargle pa ng mouthwash.

Marahan na kinuha ang susuotin damit mula sa kanyang aparador. Iningatan na hindi magulo ang mga inayos niyang damit sapagkat mahirap nga naman magtiklop. Black polo shirt na lacoste, white shorts ng springfield at Nike shoes. Ito ang porma ni Lance para sa date nila mamaya. Casual lang but very cool. After dressing up, ay nagpaligo din siya ng paborito niyang pabango na Issey Miyaki, gustong gusto niya ito dahil lalo siyang bumabango lalo na kapag humahalo ito sa kaniyang pawis. Ready na siya. Maagang umalis at nagtungo na sa lugar kung saan sila magkikita ni Maicy.

Nang makarating na sa mall ay agad siyang nagtungo sa cinema para bumili ng tickets. Tinignan muna ang mga posters at binasa ang mga synopsis ng mga palabas bago pumila. Alam na niya kung ano ang papanoorin nila. Sure din siya na magandang chance yun para lalo silang magkalapit.

Nag-vibrate ang cellphone niya. Si Kiel tumatawag. Pinili na lang ni Lance na huwag na lang itong sagutin dahil baka magyaya ito at alam niyang hindi siya makakatanggi.

[I'm here sa Kopirroti. Alone. Wanna join me?] iniwang mensahe ni Kiel sa cellphone ni Lance matapos maging missed call ang kanyang tawag.

Hindi rin niya ito ni-replyan, ngunit may parang bumabagabag sa kanyang kalooban, para bang gusto niyang puntahan si Kiel. At parang kailangan talaga niyang mapuntahan si Kiel. Kung ano ang dahilan ay hindi rin maliwanag sa kanya.

*****Don't forget to vote and comment ******

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon