Chapter 15 - Annabelle

7.9K 127 13
                                    

Chapter 15 – Annabelle

Mahinahon na naghintay si Lance sa may kahabaang pila si bilihan ng ticket sa sinehan. Dumukot sa bulsa para kunin ang chewing gum. Binuksan ito at saka nginuya. Hiningahan ang dalawang palad at inamoy, inaalam niya kung fresh breath pa rin siya. Ilang saglit na lang kasi ay darating na si Maicy. A simple date like this could be a disaster kung bad breath siya. It’ll be more intimate, kasi magiging magtabi sila sa loob ng sinehan at alam niyang makakausap niya si Maicy muli ng malapitan. Para sa kanya, kahit gaano ka-gwapo o kaganda ang isang tao, kapag mabaho ang hininga ay hindi magiging kaaya aya. It happened once, he wouldn’t let it happen again.

At last, its Lance’s turn na sa pila, nasa counter na siya to buy tickets.

“Two tickets please for the movie Annabelle,” polite na sabi ni Lance sa takilyera.

Bago ibigay ang ticket ay pinapili muna siya ng seats. Tinignan niyang mabuti kung saan nakaharap ang screen at hinanap ang dulong upuan sa likod. Swerte naman at may saktong bakanteng magkatabing upuan sa bandang gitna sa hilera ng dulong upuan. Iyon ang pinili niya. Nagbayad at nagpasalamat sa takilyera.

Habang nakatingin sa ticket na binili ay lumakad siya paalis sa harap ng counter.

“Hi Lance.”

“Whoa, Maicy. You’re here na. Hindi mo ako sinabihan. Why didn’t you text me that you are here na.” masayang sabi ni Lance na may halong pagkabigla.

“I was about to text you sana pag dating ko ditto sa cinema area, kaso I saw you na agad kaya nilapitan na lang kita. Anong binili mong ticket?” tanong ni Maicy.

“Charaaaaan!” pasorpresang pinakita  ni Lance ang ticket  na para bang nagmamagic sa harap ng ilang taong gulang na bagets.

Hindi naman napigilan mapangiti ni Maicy si ikinilos ng gwapong binata. Napa- cute naman talaga kasi ng pagkakakilos nito, nakakaaliw, hindi nakakainis, kasi nga gwapo. Pero kung lalake na kamukha ni Mommy Dionisia ang gagawa ng ganun ay baka matampal mo bigla ang pagmumukha sa sobrang inis.

Kinuha ni Maicy ang mga tickets mula sa kamay ni lance upang tignan ito at malaman kung an ang papaoorin nila.

“Annabelle?” biglang namutla si Maicy.

“Yup.”

“Bakit ito? Panget daw ito eh saka hindi nakakatakot.” Pilit na pangungumbinsing sabi ni Maicy kay Lance. Pero ang totoo ay ayaw niya ito panuorin sapagkat matatakutin siya sa mga ganitong uri ng palabas.

Napansin ni Lance ang pagbabago sa kulay ng pisngi at labi ni Maicy. Nahalata niya na medyo namumutla ito. “I knew it. Tama ako. This will be fun. He-he” tumatawa si Lance sa kanyang isipan habang nakangisi  dahil tama ang kanyang hinala.

Naisip kasi ni Lance na horror ang panuorin para sadyang matakot si Maicy. Kapag natakot siya, mapipilitan siya kumapit, yumakap at hindi bumitaw sa kanya habang nanunuod. Tuso din itong si Lance.

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon