Prologue

120K 1.5K 124
                                    

It's 5:00 in the morning. Tumunog na ang alarm clock at nagising na si Lance. Pagmulat ng kanyan mata ay tinititigan nya ang katabi nya na mahimbing pa rin ang tulog. Di nya inaalis ang titig nya dito dahil mahal na mahal nya ang taong ito. Niyakap nya at hinalikan sa labi bago bumangon. Tumayo na si lance upang maghandang pumasok para sa trabaho. Professional photographer si lance. Maaga syang naghahanda ngayon dahil meron syang isang wedding shoot na pupuntahan. Naligo. Nagbihis. Muli hinalikan nya ang kanyang mahal habang tulog. Di nya na ito ginising dahil alam nya na puyat dahil sa gabi ang trabaho.

Gamit ang puting kotse ni lance, nagmaneho na sya papuntang tagaytay mula quezon city. Malakas ang ulan, madulas ang kalsada. Ngunit kailangan pa rin tumuloy ni lance. Nakangiti habang naglalakbay si lance. Masaya sya dahil bukas na ang anniversary nila. They will be travelling to macau para sa isang masayang bakasyon. Planado na ito at hindi na maitago ni lance ang kanyang excitement. dream honeymoon kasi nila.

Tumunog ang cellphone ni Lance. May nag text.

"I love you. bakit di mo ko ginising nung umalis ka? Mahal na mahal kita gummy bear"

Lalong lumaki ang ngiti ni lance at halata mo na talagang in love na in love sya.

" para makapagpahinga ka pa po ng mabuti. alam ko pagod ka sa work. I love you more gummy bear. Ikaw lang ang laman ng puso at isipan ko. You will never be erased from my life. Even death can do nothing about it."

Message sent.

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon