Chapter 13 - ChubChaser

9.6K 123 11
                                    

Chapter 13 – Chub Chaser

                8:00pm

                “Arrrrrrrrrrrrrrrrggh” ulos ni Tonton. Pilit niyang inaabot ang mga paa habang nakasalampak siya sa sahig, ngunit tuhod niya lang talaga ang kanyang naabot dahil sa laki ng tiyan niya na nagiging sagabal.

“Arrrrrgh 5,” ulos ulit niya pagkahawak sa tuhod sabay balik sa normal na pagkaupo sa sahig habang nakaunat ang mga paa at kasabay ang pag hinga ng malalim, hinihingal na siya.

Stretching pa lang ang ginagawa niya, at may bilang ang bawat stretching exercise na gagawin niya bago magsimula ang pagbubuhat ng weights, bagamat ito pa lang ang kanyang ginagawa ay pagod na pagod na siya at halos bumaha na ng butil butil niyang pawis sa loob ng gym. Hirap na hirap na din siya at pagod na pagod na agad. Simula pa lang ng kanyang session at wala siyang fifteen minutes sa loob ng gym.

“Whew! Ayoko na. Ok na yung lima. Next naman.” Humihingal na sabi niya. At hindi napigilan ang sarili na mapahiga sa sahig.

Gumulong patagilid at dumapa upang ituon ang kamay sa sahig para maiayuda sa kanyang pagtayo. Mabagal na tumindig si Tonton at habang nasa proseso siya ng pagtayo ay may hindi inaasahan nangyari.

Sa proseso ng kanyang pagtayo habang siya ay nakatuwad na ay biglang napunit ang pundilyo ng suot niyang shorts.

“SH*T!” mahinang sabi ni Tonton, namula at biglang nangamba nab aka may makakita.

Binilisan niya ang pagtayo at pasimpleng lumingalinga, tinitignan niya kung may nakakita sa nangyari. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil mukhang walang nakapansin. Ilang saglit lang ay may lumapit sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. Isang maskuladong lalake, maganda talaga ang pangangatawan, certificied bodybuilder talaga. Siya si Enzo. Suki ng gym na pinupuntahan ni tonton upang magpapayat.

“Pre, may double extra large na shorts. Yun ang suotin mo sa susunod para hindi nawawasak. Wag yang medium.” Pang-iinis niya kay Tonton sabay halakhak ng malakas at umalis na para ituloy ang pagbubuhat.

Sa sobrang inis ni Tonton ay nag-make face siya at nagsasalita ng pabulong ng di mo maintindihan, animo’y  bata na napikon sa kalaro.

“Akala mo kung sinong gwapo. Pag pumayat ako mas gwapo pa ako sa iyo at kapag nangyari yun who you ka sakin!” nanggagalaiting sabi ni Tonton sa sarili habang nakatingin kay enzo na nagbubuhat nan g barbell.

Sumaglit muna si Tonton sa locker room upang magpalit ng short. Buti na lang at may dala siyang extra. Ibinaba ang suot na butas na short hanggang tuhod at tumukod sa dingding para maitaas ang paa at masungkit pahuhad gamit ang kanyang mga paa ang suot niyang shorts. Ganito lagi siya magtanggal ng pang ibaba niya sapagkat hirap siyang yumuko. Para maisuot naman ang short na pampalit ay inilatag niya ito sa sahig at inayos ng sakto ang butas gamit din ang paa, nang makaapak na siya sa pagitan ng mga butas ay umupo siya na pa-squat upang maabot ang short at isabay ito sa pagtayo niya. Pahirapan talaga para sa kanya ang pagpapalit ng damit dulot ng ng kanyang katabaan. Nahihirapan siyang kumilos.

Nang makapagpalit ay agad bumalik sa work area ng gym upang ituloy ang kanyang body weight loss program na ibinigay sa kanya ng kaibang si Lance. Treadmill, ito ang sunod na gagawin ni Tonton.

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon