Chapter 26 - Hayup ka Lance

7.8K 145 5
                                    

Chapter 26 – Hayup ka Lance

Buong araw na namasyal sina Maicy at Lance sa iba’t ibang tourist destination sa Baguio, ginawa nila ito matapos mag breakfast sa isang mumurahin ngunit masarap ang pagkain na restaurant.

Hindi tulad noong bumiyahe sila, napakaganda ng sikat ng araw. Walang balakid o problema na humadlang sa kaniang masayang bonding sa mga pasyalan. Tuwang tuwa at masaya si Maicy. Halos nalibot na nila ang kabuuan ng Bauio city. Nariyan pinuntahan nila ang Bencab museum, kung saan namangha silang dalawa sa art and nature. Nagustuhan nila dito dahil sa rich mga artifacts na related sa ruch culture and practices of cordillera.

Napuntahan din nila ang Burnham park kung saan naenjoy nila ang paglalakad sa paligid at panunuod ng dancing fountains. Sumakay pa sila sa pambatang floating swan na de padyak doon nag moment, walang humpay na palitan ng papa-cute ang dalawa. Pagkatapos ay umupo sa mga bench sa paligid at nagpahinga.

Binisita din nila ang Tam Awan village. Halos dalawang kilometro lang ang layo mula sa sentrong bayan ng Baguio, doon ay mas namangha sila sa mga nakita. Naaliw sa authentic Ifugao experience. Medyo nabitin lang sila, kahit gusto pang mag-stay ay kailangan na umalis dahil sa kulang ang kanilang oras.

Walang humpay ang palipat lipat nila sa iba’t ibang pasyalan na matatagpuan sa Baguio. Ngunit nakakadama ng pagod ay sulit naman daw dahil sa mga magagandang lugar na kanilang napupuntahan. Aliw na aliw sila sa pamamasyal.

Parang may sariling mundo ang dalawa habang nasa lugar na panturista. Hindi nila pansin na simula’t simula pa lang noong pag alis  nila ng transient house ay halos hindi nagbibitiw ang kanilang mga kamay. Parang may handcuff na hindi mapaghiwalay ang kanilang mga palad. Tila naka-paste ito sa sobrang dikit. Minsan minsan ay maaalis ngnit parang may magnet na kusang dumidikit.

Ilang pang mga tourist spot ang kanilang pinuntahan at medyo nakaramdam na sila ng pagod.

“Ok ka pa?” tanong ni Lance.

“Oo naman. Ang saya nga eh.” Magiliw na sagot ng dalaga.

Itinuloy pa nila ang pamamasyal. Panandalian dumaan sila sa Good Sheperd Covent para bumili ng ilang mga pasalubong. Matapos noon ay nag-aya si Lance.

“Maicy, halika na. malapit na mag dilim.”

“Saan tayo pupunta? Hmmmp, saying naman enjoy pa ako.”

“Basta. May isa pa tayong pupuntahan.”

Sa narinig ni Maicy ay na-excite siya. Nagmamadaling naglakad papuntang kotse at naiwan si Lance sa likod niya, dinukot ang celphone at may tinext saglit.

[mag ready na kayo.] text ng binata.

Botanical Garden. Ito ang pinuntahan nila. Papalapit pa lamang sila sa entrance ay naaaninag na nila ang ilang pamilya ng mga native Igorot. Kumpol ang agkakatayo at tila may pinaghahandaan.

Nang makalapit na sa may entrance pa lamang ay biglang pumila ang mga ito ng pahilera na tila may dadaan na royalty.

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon