Chapter 18 - Magkaribal

6.9K 97 8
                                    

Chapter 18  - Magkaribal

                Habang nagugulimihanan kung ano ba talaga ang naganap nung gabi na nakilala ni Tonton ang mga supermodel at magkapatid na sina Brittany at Brianna ay pilit niya itong inaalala habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama na halos lumubog na sa sobrang bigat niya.

                Ngayon lang naramdaman ni Tonton ang hang over na dinulot ng maraming alak na kanyang nilagok nung gabing iyon. Unti-unti naman niyang naalala ang kakaiba at exciting na nangyari sa kanila. Simula sa bar hanggang maka-uwi sila sa kanyang condo.

Pagkalabas na pagkalabas ng bar kung saan niya nakilala ay niyayang sumakay ni Tonton ang dalawa  sa kanyang kotse. Lilipat nga sila ng lugar dahil nandoon ang bully na si Enzo na kumukutya sa kanya. Bagama’t na-bully, siya naman ang umalis ng masaya sapagkat kasama niya ang dalawang seksing mga tropeyo na animo’y napanalunan niya.The supermodels, Brianna at Brittany.

 

“Uhm, Excuse me dahling, ako ang sasakay sa harap katabi si Baby boy.” Mataray na sabi ni Brittany kay Brianna na may kasamang papitik pitik pa ng kamay.

 

“Huh? What did you say?! Ikaw? At bakit naman? Tumabi ka dyan at ako ang uupo sa harap with my chubby hubby.” Nakapamewang na sagot ni Brianna sabay hawi kay Brittany.

 

Habang nasa side ng driver’s seat si Tonton na papasok pa lang ng kotse ay hindi niya alam ang gagawin o mararamdaman. Pinag-aagawan siya. “This is interesting,” sabi niya sa sarili niya, “let’s see later how far they would go to win my super sexy and hot body.” This is what Tonton have in mind.

 

“Ladies, Please huwag na kayo mag-away kung sino ang tatabi sa akin. Mabuti pa you two seat at the back. Para walang away. I’ll drive really fast na  lang, para makarating na tayo dun sa isang bar,” confident na sabi ni Tonton,” Sakay na kayo girls.

 

Nagtaasan ng kilay ang magkapatid. Dito pa lang medyo mainit na ang rivalry. Parehas kasi sila ng tipo sa lalake. Chubby chaser silang dalawa and Tonton falls under the category na gustong gusto nila.

 

Sumakay na ang dalawasa likod, parang nagkakairapan pa. nagustuhan nila pareho ang isang lalake, sa parehong pagkakataon. Hindi naman kasi pwedeng dalawa sila na sabay sa buhay ni Tonton. At walang balak mag give way ang isa sa kanila. Walang magpaparaya.

 

Well, napag-usapan na nila itong magkapatid dati pa. Since lagi silang magkasama at kambal sila, at iisa din ang tipo nila sa isang guy, may kasunduan na sila na kapag dumating ang pagkakataon na may nagustuhan silang parehas it will be “ May the best woman win” ang peg nila. Gagawa sila ng sarili ilang paraan para maangkin ang lalakeng gugustuhin nila. Ang swerte ni Tonton dahil siya iyon.

 

Nakarating na sila sa bar na lilipatan nila. Mula sa maiksi attahimik nilang byahe (dahil hindi sila nag-iimikan sa loob ng car)  papunta sa bar ay agad na bumaba ang dalawa at nag unahan sa pagkapit sa matatabang braso ni Tonton. They want to cling into his arms as they enter the place.

 

Tumaas ang self esteem ni Tonton sa ginawa ng dalawa. He felt like he is the most handsome guy int the world. Brad pitt, David beckham, Ben Affleck, Leonardo deCarpio, Adam Levine, yan ang tingin niya sa kaniyang sarili as they walk to the door of the bar while the girls are holding his arms really tight and they are very clingy.

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon