Chapter 4 part 2 continuation

15.4K 257 26
                                    

Malinaw na ang lahat para kay Kiel. Wala ng makakapigil pa sa kanyang balak. kung ano ito ay hindi pa natin alam. may Go signal na siya kaya naman tuloy na tuloy na ang plano na matagal na nyang pinaghandaan.

***************************************************************************************

Isang araw na lang bago ang fashion show. Ito din ang araw na kung saan niyaya ni Lance na mag-dinner sila ni Maicy. Ang babaeng nahihiwagaan at sya at talaga naman na gustong gusto nya.

10:00am. tapos na mag-late breakfast si Lance. Umiinom na lang sya ng kape sa kanyang mini bar sa loob ng condo unit nya. nakahubad ito at suot ang kanyang favorite boxer shorts. ganito naman sya lagi pagkagising sa bahay. nakahubad at tanging pambaba lang ang suot. palibahasa ay mag-isa lamang sya. routine nya na din ang magkape after breakfast. ngunit iba ang pagkakataong ito. habang humihigop ng kanyang kape na nilagyan nya ng cinnamon para mas masarap ay hindi nya inaalis ang titig nya sa kanyang cellphone. Tila may hinihintay sya.

"itetext ko na ba sya?" tanong nya sa sarili.

"baka naman makulitan na sya. sabi nya kasi itetext nya ako eh. anong oras kaya? busy pa ba sya? baka naman tulog pa? ano oras kaya sya gigising? pa-miss call kaya ako?" tila baliw na kinakausap nya ang kanyang sarili.

tumayo sya at naglakad paikot ikot sa kwarto. at nagpatihaya sa kama.

"Maicy!!!! Nakakabaliw ka!" sigaw ni nya.

Nang biglang tumunog ang cellphone nya. may nag-text.

"ayan na!" excited na sambit nya at biglang bumalikwas sa kama, nahulog pa sya sa sobrang pagmamadali at tumama ang tuhod sa sahig.

"aray!" nasaktan sya ng kaunti pero binalewala nya ito at medyo umiikang lumapit sa cellphone. nung maabot nya ang cellphone ay agad na binasa ang message.

Si Maicy ang nag-text.

[ I am free tonight. Tuloy ba tayo?] text ni maicy.

"YES!!!!! YAHOOOO!!!" di napigilang sumigaw ni Lance sa tuwa at excitement. infairnaess naman kasi ngayon lang siya nakadama ng ganitong pananabik sa babae na gusto niya.

Nang mag-rereply na si Lance ay bigla ulit tumunog ang cellphone nya.

"F*CK!!!!!! Bakit ngayon pa? Bakit ngayon ka pa nag-paramdam!" 

Isang messgae ang nabasa nya at hindi nya ito nagustuhan. Hindi nya ito inaasahan. Ito ang nakasula sa text na kanyang natanggap:

[ Your GOUNLI500 has already expired. If you want other apps (e.g. twitter, instagram google etc.) to go with your GOUNLI500, dial *143# and choose GoSAKTO] - message mula sa Globe. nawalan na siya ng Load.

Nataranta si Lance. Hindi pa sya nakaka-pagreply kasi. Dali dali nyang dinampot ang wallet nya at lumabas ng unit nya para magpaload. tumakbo sa elevator. Ngunit nasa 19 floor pa ang elevator. pinili na lang nya na maghagdan.  dahil nasa 3rd floor lang naman sya.

pagkaka-baba nya sa may lobby area. Nagtataka sya kung bakit nagtinginan ang tao sa kanya. nakalimutan nya na hindi pa sya bihis. tanging ang boxer shorts nya lang ang suot nya. kinausap nya agad ang guard

"manong guard marami ba nag swiswimming sa pool ngayon? maliligo kasi ako eh. medyo mainit." palusot ni Lance para hindi mapahiya.

"ay hende naman po ser. kaonti lang po." tugon ni manong.

"ah ok. sige naiwan ko lang ang towel ko akyatin ko lang. kuya baka naman pede makiusap. Eto ang 600 pesos, paloadan mo naman ako dyan sa may convenient store malapit satin, sayo na ang ang sukli, 500 lang ipaload mo sakin, naiwan ko lang yung towel kaya babalikan ko. akin na cellphone mo save ko number ko. salamat."

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon