Chapter 27 - Part 2

7K 106 14
                                    

Magla-lunch na nang dumating sila Kiel at Lance sa Dakak Park Beach Resort. Agad na nag check-in sila at saglit lang na nagpahinga ta pagkatapos ay muli rin silang bumaba para mag lunch.

“You think magugustuhan ng client ang place na 'to?” tanong niya kay Lance na noon ay nakasuot lang ng itim na sando, board shorts at Ipanema na tsinelas. Nakasuot rin siya ng shades kagaya niya.

“Yeah, I think they’ll like it here. Sobrang ganda ng place. Ang sarap sigurong magdala ng chicks dito,” anito sabay kindat sa kanya.

Parang may tumarak na kung ano sa dibdib niya dahil sa sinabi nito kaya pinili na lang niyang manahimik. Matapos mag tanghalian ay naglibot-libot naman sila. Bawat sulok ng resort na mapuntahan nila ay nagpapalitan sila ng ideya kung ano ang magandang eksena na kunan sa bawat lugar.

All in all ay satisfied naman sila dahil sobrang ganda nga naman ng Dakak. Siguradong matutuwa ang magiging kliyente nila.

Bandang alas tres ay nagyaya si Lance na mag swimming sila. At dahil halos pareho lang naman sila ng suot ay hindi na sila umakyat sa room nila para magpalit. Hinubad lang ni Lance ang damit niya at ipinatong iyon sa isang upuan kasama na ang shades niya.

Wala sa sariling sinundan niya ng tingin si Lance na noon ay tila Adonis na naglakad papunta sa gilid ng swimming pool. Sa pag dive ni Lance ay tila bigla naman siyang natauhan. Mabilis na hinubad rin niya ang damit niya at nag dive na rin sa swimming pool.

Paahon n asana siya nang bigla na lang niyang maramdamang may humawak sa paa niya. At nang tuluyan niyang maiahon ang ulo niya mula sa tubig ay nakita niya ang tatawa-tawang si Lance. Ito ang humawak ng paa niya kanina dahilan para bahagya siyang mag panic at magkakawag sa tubig.

Sinabuyan niya ito ng tubig sa mukha bilang ganti.

“Unahan tayong lumangoy. Mula dito hanggang sa kabilang dulo tapos pabalik ulit,” hamon nito sa kanya.

“Sige ba! Matalo pitik sa adam’s apple.”

Pareho silang natawa dahil sa sinabi niya. At ilang saglit pa ay nag-uunahan na sila sa paglangoy. Noong una ay naunahan niya ito pero nang malapit na siya pabalik sa kabilang dulo ay bigla na lang bumilis ang paglangoy ni Lance hanggang sa tuluyan siya nitong matalo.

Iniumang nito ang daliri at inutusan siyang tumingala. Pinitik nga siya nito sa adam’s apple pero hindi naman ganoon kalakasan.

“Ayan! Para magtanda! Ano isa pa?”

Naka-isang laban pa sila at sa pangalawang pagkakataon ay nagawa na niyang  ungusan si Lance.

“Naka-tsamba ka lang kanina,” pang-aasar niya rito bago ito pinitik sa adam’s apple.

Lumunok-lunok muna si Lance bago nagsalita. “King ina, ang sakit pala ng pitik sa adam’s apple. Para akong nauhaw bigla.”

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon