40 Feel Special

45 3 0
                                    

"Again I feel Special~"

Stream Twice's Feel Special UWU

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"Hyung bilisan mo na!" Ang sigaw sakin ni Hyeongjun habang hinihila ako palabas ng cr. Araw ngayon ng music festival. Which means araw din ito ng competition at especial itong araw na ito.

"LEE EUNSANG~~" sigaw ni Seungwoo hyung sa isang cubicle habang patuloy itong kinakatok na halos magiba na yung cubicle na yun. Napabuntong hininga na lang ako, kahit kailan kasi yun si Eunsang tagal magbihis. Ito naman si Yohan hyung sige lang ang tawa.

"Hoy ano ba tara na kasi!" Sabi ni Sihun hyung saakin. Sumunod na lang ako at hindi na nakipagtalo pa.

•••

"Okay Good morning to everyone who attended this school year's music festival. Today we will held a competition...a competition which I think everyone is excited about. Shall we start?" Sabi nung mc. Naghiyawan naman yung mga tao at may kanya kanyang mga banners na hawak. Bigla naman akong kinabahan sa nangyayari at hindi ko mapigilan ...

Magdasal 0:))

"YO Ham Wonjin~~" nagulat ako ng may biglang umakbay saakin. Ng lumingon ako ay nakita ko si Yuvin hyung na kasama yung mga katropa niya. Ngumiti na lang ako sa kanya at inakbayan din siya.

"Kinakabahan oNti!"bulong niya sakin sabay tawa. Aba ng aasar ka pa ha. Mananapak na sana ako ng bigla akong hinatak ng isang kamay at bago ko pa mamalyan nasa harap na ako ng maraming tao at magsisimula na kaming sumayaw. Agad kong inayos yung sarili ko at pumunta sa puwesto ko ng biglang magkasalubong yung mata namin ni Yeonseul.

Nakapila siya ngayon at kasama niya si Eunsang.

Ang ganda

Bigla akong bumalik sa mapait na realidad ng mag play yung music. At nagsimula na kaming sumayaw.

Ng nasa bandang huli na kami agad akong nakaramdam ng kirot sa paa na dahilan para di ako makalakad ng maayos. Pero mabuti na lang nakaya ko pa tiisin yung sakit. Ng matapos kami mag perform sinabi ko agad kay sihun hyung na kailangan ko muna magpahinga at ibinilin niya ako kay Minhee.

Naglalakad kami palabas ng Hall ng makasalubong namin si Yeonseul na may bakas ng pagaalala sa mukha niya habang nakatingin sa paa ko.

"Uhmm...Seul..."

"Minhee! " Sabi niya at tumingin kay Minhee.

"Pwede mo ba kaming maiwan sandali? Ako na bahala kay Wonjin--"

"Oo na, oo na. Sayo na si Wonjin hyung aalis na ako  baka mangulo pa ako sainyong dalawa haysst." Agad na sinabi kay minhee at tinapik yung likod ko. Ng makalayo siya saamin ay hinila ako ni Yeonseul sa clinic at hinanap yung nurse. Pero di nagtagal ay bumalik din siya na may dalang kit.

"Wala palang nurse nag lunch break ata. Hayaan mo ako na muna magaalaga sayo." Ang sabi niya di ko tuloy mapigilan ngumiti at titigan siya habang ginagamot niya yung paa ko.

"Ayos lang basta ikaw...sapat na.." ang sagot ko. Ngumiti naman siya saakin at nilagyan na ng bandage yung paa ko.

"Ayan tapos na!"

Tinignan ko naman yung bandaged kong paa at nagpasalamat sa kanya. Ibinilin niya na rin saakin na manatili muna dito para magpahinga. At aalis na sana siya pero...

"Seul..." Sabi ko at hinawakan yung kamay niya. Napalingon siya sakin at hinila ko naman siya dahilan para mapaupo siya sa tabi ko.

"Seul may gusto pala akong sabihin sayo."

Kinabahan ako at bumilis tibok ng puso ko. Pero wala ng atrasan. It's now or never...

"Yeonseul...I like you."

Nanlaki yung mga mata niya at ang pisngi niya ay namula. Habanag ako nakatitig lang sa kanya.

"W-wonjin WaG KA NGA MAGBIRO! ALAM KONG NAGBIBIRO KA LANG KAYA PWEDE BA?! WAG MO NA PAGLARUAN YUNG NARARAMDAMAN KO. ALAM NATING DALAWA NA MATAGAL NA AKONG MAY GUSTO SAYO..pero bakit? Bakit kailangan mo magbiro ng ganito? "

Nagulat ako sa sinasabi niya at hindi ako makakibo na para bang nawalan ako ng gana magsalita. Guto ko sana sabihin na hindi ako nagbibiro na lahat ng pinagsamahan namin hindi yun 'wala lang' para saakin. Dahil Especial ka saakin Yeonseul. Hindi mo man ako pinapaniwalaan. Ay susubukan ko pa rin.

"Pero Yeonseul, especial ka saakin. H-hindi ako nagbibiro at gusto kita dati pa. Pero pagpasensiyahan mo ako kung ngayon lang. Aaminin ko isa akong duwag--"

"Edi patunayan mo!" Ang sabi niya saakin.

"...patunayan mong especial nga ako sayo." Ang huli niyang sinabi bago umalis ng clinic. Napatingin naman ako sa pintuan ng makaalis siya.

Papatunayan ko sayo Seul....







Trespassing | Ham WonjinWhere stories live. Discover now