29

64 4 0
                                    

"Haysss salamat makakapahinga na din !!" Ang sabi ko sa sarili ko ng humiga ako sa malambot na kama ko ay saktong may kumatok.

Tumingin naman ako sa pinto at kumunot yung noo ko ng di ko marinig yung katok ulit.

"Sino yan?!" Sigaw ko sabay lakad ng dahan dahan papunta sa pinto.

Narinig ko ulit yung katok at parang hindi na siya nangaling sa pinto parang sa likod ko. Lumingon nman ako at nakita ko si Wonjin na nakatok sa bintana ko. Tumingin ako sa orasan.

10:00pm

"Ano nanaman ba?" Ang tanong ko sa kanya.

Hindi muna siya nagsalita at tinuro yung bintana na kasalukuyang naka lock pa. Napansin ko naman kung ano ibig niyang sabihin at binuksan ko agad ito.

"Salamat~~" sabi niya at humiga naman ng walang paalam sa kama ko. ABA JUICEMOTHER--

"Hoy Ham Wonjin, anong karapatan mo mag trespass sa bahay ko ng 10:00pm at humiga sa kama ko ng walang paalam?" Sabi ko sakanya habang nakapamewang. Bigla namang umupo si Wonjin sa kama ko. At nagsalita.

"Correction hindi ito trespassing...kasi kumatok ako at SINAGOT MO NAMAN DIBA? Tsaka pagod ako kaya hayaan mo na ako humigaaa~" pagirap niya sabay higa ulit.

"Aba-- tumayo ka diyan or else..."

"Or else what? Papaalisin mo ako...diba ayaw mo nga na iniiwan kita?"

Tumahimik na lang ako sa sinabi niya sakin. It hit me hard, dahil hindi ko naman talaga gusto na magkahiwalay kami pero bakit ko nga ba siya pinagtatabuyan ngayon?

"Hindi ko alam Wonjin...." Ang tanging nasabi ko at yumuko na lang.

Naramdaman ko naman na may biglang yumakap saakin at alam ko naman kung sino yun. Tumingala naman ako at surprisingly nakatingin din siya sakin.

"Nandito na ako Seul...ayaw mo ba nun?"

And everything became pitch black. As I woke up and realized that everything....

Was all a dream.


--

"Ayos ka lang?" Tanong ni Yohan sakin habang nakain ng fried chicken. Kasalukuyang kumakain kami sa canteen dahil lunch break namin ngayon. At oo...hanggang ngayon pinag8isipan ko pa rin yung panaginip ko kagabi. Hanggang ngayon naririnig ko pa rin yung boses niya.

"Nandito na ako Seul...ayaw mo ba nun?"

Tinapik ulit ako ni Yohan at binalik ako sa mapait na realidad.

"Uhh...oo ayos lang ako. May iniisip lang wag ka magalala." Sabi ko at bumalik na sa pagkain ng burger na kanina ko pa hawak.

"Seul!" Biglang may tumawag sa pangalan ko at pagtingin ko sa likod. Nakita ko si Eunsang kasama si Sihun Junghwan at siyempre si Seongjun na papunta sa direksyon namin.

Agad ako napalunok sabay bati sa kanila.

"Hi¿" Welp....akala ko hindi ako kinakabahan pero nagkamali ako.

"Hi, gusto ko sana magtanong." Ang sabi ni Eunsang at napatingin naman ako kay Yohan na inaantay lang din kung ano sasabihin niya sakin. Sinenyasan ko lang siya na ipagpatuloy yung sasabihin niya.

"Meet mo na lang ako mamaya sa tapat ng school." Sabi niya sakin at umalis na.

Bigla naman ako hinatak ni Yohan at natili na ang loko.

"YEONSEUL ANO YUN?!" Tinignan lang namin siya ni Jean ng masama.

"Yohan...mukha kang sira, mas kinakabahan ka pa ata kay Seul ih." Sabi naman ni Jean. At tumawa naman kaming dalawa habang si Yohan na natili lang na tulala.

Pero di ko lubusan maisip kung bakit bigla akong nilapitan ni Eunsang, kasi pagkatapos ng music festival. Hindi niya na ulit ako kinausap.

"Bakit kaya?"

Trespassing | Ham WonjinUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum