18

79 4 0
                                    

"Wait ito na nga magpapaliwanag na !" Ang sabi ni Wonjin habang patuloy na umiilag sa mga pagpalo ko sa kanya.

"DIBA SINABI KO SAYO, MATUTO KANG KUMATOK! SINIRA MO BEAUTY  SLEEP KO!" Ang panenermon ko sa kanya sabay irap ng mata.

"Kahit naman hindi ka na matulog maganda ka pa rin..." Bulong niya naman pero narinig ko yun lahat. At imbis na kiligin ay mas lalo akong nainis.

"TONgUe Mother mo talagaaaaa, lumayas ka na kasi?! AT HUWAG KA NA MAG TRESPASS SA BAHAY KO KAINIS!"

Si wonjin naman ay hindi pumalag at naupo lamang sa kama ko.

Aba--
Feeling at home pa si kuya?

"Umalis ka sa kama ko. Habang kalmado pa ako!" Ang sabi ko sa kanya. Agad naman siyang sumunod at ngumiti lang saakin.

"Ang saya mo talaga asarin." Sabi niya habang nakangiti.

Cute ka?!
Oo na pero hindi mo ako madadaan sa ganyan Ham wonjin, HINDI!

"Hayss pwede ba tigilan mo na ako, bakit ka ba pumunta dito?"

"Manghihiram sana ako libro sa science at math para makapag review lang. Naiwan ko kasi sa school yung akin." Ang kasual niyang sagot.

"Ganun ba?! oh heto na...pakiingatan na lang po. Your welcome bye!"

Tinulak ko si Wonjin paalis ng kuwarto ko pero may biglang pumansin ng attention niya kaya napatigil siya bigla. Nakita niya siguro yung mga sinasagutan ko sa desk.

"Nagaaral ka din pala....Gusto mo turuan na lang tayo dalawa?"

Napatulala lang ako sa sinabi niya. Pero paano yun kung inaantok na ako? Baka pag tripan pa ako nito. Kaso pareho namin kailangan matuto kaya naman....

"Ayoko, umalis ka na!" Ang sabi ko sa kanya at tinulak siya palabas ng bahay.

"Promise hindi na ako magpapasaway behave na lang ako...kaya pleaseeeee."Tinitigan niya lang ako habang naka peace sign at ngumingiti pa ang loko.

"....sige na nga! BASTA BAWAL MAGINGAY!"

 "TALAGA?!"

"UULITIN KO PA BA?! ANG SABI KO--MM!" hindi na ako nakapagsalita ng bigla niya na lang tinakpan yung bibig ko gamit yung kaliwang kamay niya at binulong sakin.

"Huwag ka maingay, may natutulog na." Sabi niya habang na tingin sa paligid namin. Tinangal ko lang yung kamay niya at dumeretso na sa table ko kung saan nakapatong yung mga notebooks and reviewers ko.

"Ano na ba napagaralan mo?" Tanong ni Wonjin saakin.

"Gusto mo sabihin ko lahat sayo kung ano napagaralan ko mula pa nung elementary ako?" Ang sarcastic na pagkasabi ko sa kanya. Ngumiti naman ako at bumalik na ulit sa gawain na sinasagutan ko kanina.

"Ang pilosopo mo naman eh~~ tapos ka na ba magaral sa math?" Ang tanong niya ulit. Umiling lang ako at patuloy pa rin sa pagbabasa, ng may kumuha ng lapis na hawak ko at pumilas ng papel sa pad paper na kanina ay ginagamit ko din.

Napatingin naman ako kay Wonjin at parang busy siya sa pagsusulat ng mga equation na sa tingin ko ay sasagutan niya. Pero nagulat na lang ako ng ibigay niya saakin yung lapis at sinenyasan akong magsagot na.

Umirap lang ako sa kanya at tinignan na yung mga problems.

Ayyy algebra?

Sabi nila madali lang algebra pero ewan ko ba...ako lang ata ang hindi nakakaintindi nito sa klase namin. Amporkchop naman bakit ito pa?!
Sa mga oras na yun naisip ko na ibaba na lang yung pride ko at magpaturo na lang kay Wonjin. Kaya naman humarap ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nagsasagot din ng mga equation, habang nakanta ng mahina.

"Ehem!"

"Ano yun, may kailangan ka?"

"Umm...Paturo sa Algebra, babawi na lang ako sayo."

"Paano ka babawi?" Tanong niya sakin.

"Kahit anong paraan makabawi lang sayo." Ang sabi ko naman sa kanya.
Tumingin lang sakin si Wonjin na tila baga may pinagiisipan na bagay. At habang tumatagal ay naiilang na ako kaya tumingin lang ako sa mga kamay ko at hindi ko na siya tinignan.

"Sige turuan kita."

•••

"Bukas na lang natin pagaralan yung math."

Mahigit isang oras na kami nag rereview ni Wonjin pero naguluhan pa rin ako ng slight sa algebra. Kaya naman paulit-ulit niya akong tinuruan, at sa palagay ko pagod na din siya magturo saakin kaya sinabi ko na bukas na lang kami magreview sa math.

Pumayag naman si Wonjin. Kaso hindi pa kami ngayon tapos magreview dahil may iba pang subjects na kailangan pagaralan. Kada minuto naman ay nahikab ako at nakaakhiya na din kay Wonjin kasi dapat siya yung napapagod kasi siya yung nagtuturo saakin sa math pero heto kami ngayon. Siya nagaaral ako humihikab.

Gusto ko na matulog~

•••

[WONJIN'S POV]

"Uy Seul, alam ko na kung paano nadiskobre ni--ayy nakatulog?" Nagbabasa ako nung libro ng makita ko si Yeonseul na mahimbing na natutulog sa desk niya. Tinitigan ko lang siya at pinagmasdan yung hitsura niya.

Bakit ba kasi iniwan pa kita?

Yung unang tanong nasumagi sa aking isipan ng pinagmasdan ko si Yeonseul matulog. Hindi ko talaga gustong iwan si Seul pero ginawa ko pa din. Kasi takot ako.

Oo, takot ako... Takot ako sa isang daan na posibilidad pag nagkagusto ako sa kanya. Maganda man ito o hindi ay natakot pa din ako na mangyari ang lahat ng toh.

Matatawag ka bang duwag kung gusto mo lang talaga ay ingatan ang isang tao na mahalaga sayo?

Dahil meron akong pagaalinlangan noon. Pero ngayon ay susubukan ko ulit. At gagawin ko na lahat ng hindi ko na gawa noon.

"Dapat talaga ako bumawi sayo seul."

Ang bulong ko naman sa kanya kahit alam kong hindi niya ito marirrinig.

Pero mali ata ako. Ng marinig ko ang kanyang boses.

"Bumawi saan?" Unti-unting nagbukas yung mga mata niya at nagkatitigan kami.

"B-bakit ang lapit mo yata masyado?" Ang sabi niya sakin, at pansin ko naman yung paglaki nang mga mata niya ng mapansin niya na sobrang lapit namin sa isa't-isa. Hindi ako umimik at patuloy lang natumingin sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit. Trip ko lang siguro.

"Wonjin...magaral na tayo!" Ang sabi niya saakin. Hindi ko alam kung bakit pero parang nadismaya ako ng kaunti sa sinabi niya. Kasi gusto ko pang tumagal yung pangyayari na na ganap kanina lang.

"Mag aral ka na ng science tapos matulog ka na sa bahay niyo at baka ma late pa tayo bukas sa school." Ang pagpapaalala niya saakin.

Tumango lang ako at nagpatuloy na sa pagbabasa.

Babawi ako sayo ...

-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-

Trespassing | Ham WonjinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon