37

45 3 0
                                    

"Yeonseul, bukas na lang ulit. Naalala ko may lakad pa pala ako mamaya. Ang sabi ni Eunsang habang inaayos ang mga gamit niya. Tumango lang ako sa kanya bilang pagsagot at nagtungo na sa pintuan.

"Sige ako rin naman eh, may tutor ako ngayon." Ang sabi ko at binuksan ko na yung pinto sabay kaway kay Eunsang.

"Bye~~" ngumiti lang siya sakin at kumaway din. Isinara ko na yung pinto at nagulat naman ako ng makita ko si Wonjin na nakatayo sa harapan ko.

"JUICEMOTHER GINULAT MO AKO!" Hngg yung puso ko aba. Pasalamat siya pagod ako ngayon kung hindi baka nakatikim nanaman siya ng sampal galing sakin.

"Sorry gusto lang naman kita antayin. Sabay na kasi tayo umuwi i-tututor pa kita sa math." Sabi niya saakin at kukuhanin niya na sana kamay ko ng bigla ko itong iniwasan at naglakad na agad papalayo.

"Sige na sabay na tayo."  Sumabay naman sakin si Wonjin at di tulad kaninang umaga, ang awkward na namin ngayon. Di ko na rin alam kung ano na ba talaga, kasi sobrang confusing. One moment ang saya namin magkasama tapos maya maya hahabol na lang yung kalungkutan at mga problema.

Huminto ako ng marating namin yung sakayan at tumingin ako kay Wonjin na tahimik lang din na nakatingin sa malayo. Pinagmasdan ko lang siya kahit alam kong halata ako masyado, wala akong pake. Gusto ko lang talaga siya titigan.

Nagulat naman ako ng bigla niya kinuha yung kamay ko at agad ko naman ibinaling ang tingin ko sa aming mga kamay. Ibinalik ko tingin sa kanya at nakitang nakangiti siya.

Nakanginti :'))

"Bakit ganyan ka makatitig?" Tanong niya.

"Wala lang..." Sagot ko at umiling na lang.

"Pwede ba mangligaw?" Ang tanong niya na ikinagulat ko. Hakdog? Wait nga ang gulo. Nangyayari ba talaga toh? Asan na yung duwag na wonjin na nakilala ko.JOKE

Pero...SERYOSO?

"H-huh?"

Ang dami kong inisip ang ikli ng sinabi diba? Ganun talaga pagnabigla ka. Pero di naman ako nagrereklamo. I mean...why not?

"Pwede ba kitang ligawan?Pero kung hindi ka pa ready ayos la--"

"Osige..."  Nagulat naman siya sa sinabi ko at hinarap niya yung mukha ko sa kanya.

"Seryoso ba ito Seul? Pinapayagan mo na ako?" Ang tanong niya at nakangiti siya sakin. Tumango ako ng mabilis at ngumiti pabalik. Naramdaman ko naman yung palad niya na hinawakan yung mukha ko. At medyo kinabahan ako dahil alam ko na kung ano mangyayari. Naghanda naman ako ng makita ko na onti-unting pumikit mga mata niya at palapit ng palapit yung mukha niya sakin. At isinara ko na yung mga mata ko at naghanda na sa halik niya ng biglang--

"LEE YEONSEUL!" Sigaw ni Wonjin sakin. At doon ko napansin na nag day dream lang ako. Nakanguso pala ako at nakaharap kay Wonjin.

Tumawa siya ng malakas to the point na umiiyak na siya. Ako naman pulang pula na dahil sa kahihiyan at tinignan lang siya ng nakanguso.

"Ano ba? Wag mo nga akong pagtawanan!SARAP NG TAWA MO BAKA GUSTO MONG --"

"Ano? Hahalikan mo ako ?! Go!" Sabi niya at nagpatuloy sa kakatawa. Inirapan ko lang siya ng mata at nagsalita ulit.

"OSIGE GAGAWIN KO MATAHIMIK KA LANG? ANO?! MAY ANGAL KA?" Ang sigaw ko naman tumayo naman siya at tinignan ako. Biglang naging seryoso yung mukha niya na para bang may nakitang multo.

"Yeonseul--"

Hindi niya na naipagpatuloy pa yung sasabihin niya ng biglang pumarada yung trycicle sa harap namin.

"Saan po kayo ma'am?" Ang sabi ni Kuya. Sinenyasan ko naman si Wonjin na tara na at naglakad na papunta sa loob.

•••

"Sige sagutan mo na lang yung nasa book tinatamad ako magbigay examples. " Sabi niya sakin habang nag silence game.

"Tsk! Osige na sige na, wag ka lang sana matulog dito. Baka mamaya malawayan pa tong mga papeles ko." Ang sagot ko sa kanya at tinulak siya palayo. Sumimangot naman saakin si Wonjin at dumeretao sa kama para humiga.

"Ang lambot ng kama mo! Matutulog na ako dito. Dun ka na sa kama kong bulok." Ang daldal naman nito sa pagkakaalam ko tutor ko ito. Pero bakit ang ingay ingay hayssst! Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagpatuloy sa pagsagot sa libro ko.

"Yeonseul..."

"Yeonseul..."

"Seul!"

"Ano nanaman ba?!" Lumingon ako kay Wonjin at nakaupo siya ngayon sa kama ko habang hawak hawak yung unan at may magulong buhok.

"Bakit ka ba nag day dream kanina?" Tanong niya. Agad naman ako kinabahan at hindi ko na alam sasabihin ko. Di naman ako pwedeng umamin na siya yung iniisip ko nung mga oras na yun.Paano na?!

"Ha?! Uhmm...eh kasi...naalala ko lang yung crush ko."

Sabi ko naman sa kanya at imbis asarin ako ni Wonjin o tanungin kung sino man yun. Tumango na lang siya na parang wala lang at natulog na ulit.

Muntik na yun

-
-
-
-
-
-
Thank you po sa 800+ reads GRABE ang bilis. Salamat po talaga and vote, share, comment if you liked this chapter.

Trespassing | Ham WonjinOù les histoires vivent. Découvrez maintenant