26

69 4 0
                                    

"Lee Yeonseul?" Tawag ng professor namin na si Mrs. Cruz. Tumugon naman ako sa kanya.

"Ano po yun Ms?" Ang tanong ko at inantay siya.

"Kaibigan mo ba si Hyeongjun? Pwede ba pakibigay nito sa kanya?" Ang sabi naman niya saakin sabay abot ng papel at envelope saakin. Gusto ko sana tanongin kung bakit ako eh kung tutuusin marami naman kaibigan si Hyeongjun sa mga kaklase ko.

Napabuntong hininga na lang ako at dumeretso sa upuan ko para kuhanin yung wallet ko. Lunch break namin ngayon at kaganina lang ay balak kong puntahan sila Jean sa canteen para bumili ng pagkain. Kaso ayun inutusan ako.

Tumingin ako sa likod ko at nakita si Hyunbin na busy din sa pagaayos ng bag niya.

"Hyunbin alam mo ba kung nasan si Hyeongjun?" Tanong ko sa kanya.

"Oo...nasa dance room ata sila ngayon practice kasi nila sa finesse. "

Nagpasalamat naman ako at umalis na ng classroom. Dumretso agad ako sa dance room dahil talagang kumukulo na tiyan ko mahirap ako magutom minsan natutulala na lang tapos magiisip ng kung ano-anong masasarap na pagkain.

Ng malapit na ako sa dance room ay narinig ko na yung kanta, ibig sabihin ay ayun na yung dance room. Tapos kumatok na ako ng isang beses ngunit walang nagbukas.

Kumunot naman noo ko ng makatatlo akong katok pero wala pa rin nagbukas. Tapos dun ko naisip..

Baliw ka Seul pano yan maririnig eh... malakas yung kanta sa loob.

Binuksan ko na lang yung pinto ng  kaunti at tinignan kung may tao. At doon ko nakita si Wonjin na busy mag practice magisa.

Kaya pala wala siya lagi pag lunch time.

Pinanood ko bawat galaw niya hanggang sa matapos yung kanta. At nagsisinungaling ako pag sinabi kong hindi siya magaling sumayaw. Kasi Tongue Mother ang galing niya.

Shet ang pogi niya din haluhh.

Sabi ng utak kong pa epal. Magaling lang kasi. Erase, erase.

Tapos bumilis tibok nung puso ko ng tumingin siya sakin at nagsalubong yung mata namin. At masasabi kong nagulat din siya ng makita niya ako. Dahil mabilis din yung pagbago ng expressions niya ng lumingon siya.

"S-seul...Hi?" Sabi niya naman sabay punas ng pawis.

"Si Hyeongjun nakita mo?" Tanong ko sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo.

"Sabi niya may kukuhanin lang siya sa classroom pero babalik din siya dito. Bakit?"

"May pinabibigay lang si Ms. sa kanya...pwede bang ikaw na lang magbigay?" Tanong ko sabay bigay sa kanya nung envelope na hawak ko. Tinignan lang ito ni Wonjin sabay sabi.

"Pero kailangan libre mo ako mamaya."

"Ayy! Wala akong pera tsaka simple lang naman hinihingi ko sayo ih."

"Ako din nama ahh...tsaka seul...kailan ka pa naging stalker?" Sabi naman ni Wonjin sakin. Hinampas ko naman siya.

"Aba anong stalker, eh ikaw kailan ka naging akyat bahay?" Ang sabi ko naman sa kanya. Tumawa naman kaming dalawa.

"Pero seryoso kailangan mo yan ibigay."

"Pano kung ayaw ko." Sabi naman ni Wonjin at hindi ako niloloko ng mata ko.

He smirked HPQIQKAOAKA
I feel so attacked--

"Sigeee naaaaaa~" tugon ko naman sa kanya. Lumapit naman siya saakin at umatras ako sa kanya. Hanggang sa maramdaman ko yung pader sa likod ko. At nung oras na yun alam kong wala na akong magagawa.

Wala na Seul hindi mo na toh kayang takasan.

"Sige... pero pwede din ba humingi ng favor?" Sabi ni Wonjin at naramdaman ko yung hininga niya sa tainga ko ng matapos siya bumulong.

"A-ano yun?"

Tumahimik lang siya at ako naman mas lalong kinakabahan ng patuloy niya lang ako tinitigan habang yung kanan na kamay niya nakalagay sa pader na sinasandalan ko na mas nagpahirap sakin tumakas.

Nagulat naman ako ng biglang pumasok si Minhee, mabuti na lang ay mabilis din na tinangal ni Wonjin yung kamay niya sa pader at nagkunwari na may ginagawang iba.

"Ate Yeonseul bakit ka naandito...at kasama mo si Wonjin hyung?" Sabi ni Minhee at para bang pinipigilan yung tawa niya habang sinasabi niya yun.

"Wala...tinanong ko lang naman...uhh...kung nandito ai Hyeongjun kasi may pinapabigay lang yung prof namin sa kanya." Sabi ko sabay tingin kay Wonjin.

"So...uhh...paano, bigay mo na lang kay Hyeongjun salamat BYE!" Mabilis kong sinabi at nagmadiling lumabas ng dance room.

Muntikan na yun...

-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Hilo gud morning!

Thank you for waiting. My exams are done although it's still our hell month. So I'll try my best to update despite the hectic schedule I'm having. But anyways thank you for reading see you in the next chapter.

Trespassing | Ham WonjinWhere stories live. Discover now