20

66 4 0
                                    

Lunch break na namin ngayon, at kasalukuyan akong kumakain ng Pochi habang nakatulala.

Maya maya ay biglang sumugod ang mabangis na Moon Hyunbin sa table ko kasama si Hyeongjun na mukha naman mas decente kaysa sa hyung niya.

"SA WAKAS MAKAKAKAIN NAAAA!" Ang sabi ni Hyunbin habang patakbo na sa pila ng mga estudyante.

"Pabayaan mo na yun, palibhasa kasi pinaglinis pa yun ni Ms. Cruz ng classroom at pinagpractice ni Sir. Lee ng Choreography, tapos yung pinaka malupit ay nag take pa siya ng special math exam galing sa tutor niya...kaya ayan. Mukhang toro si hyung ngayon na sabik na sabik ng kumain." Sabi ni Hyeongjun habang pinagmamasdan namin si Hyunbin na kasalukuyang pinagtutulak at inaaway yung mga estudyante na nakapila. Siguro sa sobrang gutom?

Pero hindi talaga yun gusto ko tanungin eh. Gusto ko talaga malaman kung saan ba siya nagpupunta tuwing lunch kasi na pansin ko lang na wala siya lagi sa canteen.

Napalingon naman saakin si Hyeongjun at na pansin niya ata na may pinagiisipan ako kaya nagtanong siya saakin kung bakit ako ganito.

Sa totoo lang...hindi ko rin alam kung bakit nga ba ako ganito.

"Ayy, iniisip ko lang kasi kung paano ko gagawin yung lahat ng projects natin kung may exam din next week. Medyo complicated din kasi schedule ko ngayong week baka si ako makapagaral." Ang pagsisinungaling ko naman sa kanya.

Sorry Hyeongjun~~

"Ganun po ba...tulungan na kita kung gusto mo. Ay! Bukas meron kaming group study sa rooftop, sama ka na lang!" Ang pagaaya naman saakin ni Hyeongjun. Ngumiti lang ako sa kanya pero umiling din.

"Sorry Hyeongjun, magagalit sakin si Jungmo eh. Baka sabihin hindi ko aiya sinabayan sa paguwi." Palusot ko naman, pero medyo too kasi pag di ko sinabayan yun paguwi magagalit yun sakin.

"HHAHAHAHA...ate Seul kasama ko nga si Jungmo hyung sa group study. Kaya tara na~" sabi ni Hyeongjun sabay hawak sa kamay ko.

Cute naman ng bata na toh!

"Sige na nga!"

"Yayyyy, sige see you na lang ate Seul mauuna na ako, bye!"

"Bye!"

•••

Pumunta muna ako sa mga locker pagkatapos ng klase namin, para ibalik yung mga libro ko. Habang papunta doon ay nakita ko si Jungmo and friends, na nagtatawanan at may rinitignan sa cellphone nila.

"Yung video siguro ni Jungmo"

Ang pumasok naman sa isip ko, habang sumusulyap sa kanilang lima. May kumalabit naman bigla saakin na dahilan para magulat ako at sumigaw ng malakas.

Lumingon naman ako sa likod ko at nakita si Jean at Hana na tumatawa.

"HAHAHAHAH na gulat ai Seul!"

"WAOLA ANG LT!"

"Sige lang tawa lang kayo diyan..saya niyo kasi eh haha!" Sabi ko habang nakapamewang pa.

"Sorry seul~~ ang tagal mo kasi eh...naiinip na kami." Ang sabi ni Hana saakin.

"Oo nga, tsaka...GUSTO KO NA MAKITA YUNG BEBE LABS KO!"

Luhhh

Tinitigan lang naming dalawa si Jean ng 'oh talaga ba share mo lang?' na look. At agad namang sumimangot si Jean samin.

"Itong mga toh, minsan na nga lang mangarap yung tao. Basag trip haysst!"

"HAHAHA, biro lang naman. Ikaw naman din kasi wag masyado kiligin...di pa naman kayo magjowa ni Yohan."

Tinitigan lang ako ni Jean ng masama. Pero tumawa din naman siya. Sinarado ko na yung locker ko. At nakita kong papunta si Jungmo sa direksyon ko, napatigil naman ako sa ginagawa at tinitigan lang siya na para bang inaantay ko na yung sasabihin niya saakin.

"Hi pinsan...and friends~" pag bati niya saamin at sinamahan niya pa ito ng ngiti.

"Ano kailangan mo, pera wala akong ganun...pagkain wala na kinain ko na kanina pa, assignment sa math...mamaya chat na lang kita di ko pa nasasagutan yung iba." Ang sunod sunod kong sabi. Pero tumahimik lang si Jungmo pero nakanganga lang siya na para bang nagulat sa sinabi ko.

"Ano ka ba naman Seul, hindi naman kita nilalapitan sa mga ganung bagay lang...sometimes I care :)) "ang aagot niya naman saakin.

"Pft...sometimes."

"Anyways, pupunta ka sa group study bukas diba?" Ang tanong niya saakin.

"Oo, pero pwede ko ba isama sila?" Sagot ko naman kay jungmo sabay turo kayla jean.

"Sige okay lang, the more the merrier. Sama niyo na din kapitbahay niyo para--OUCH!" Kinurot ko naman si Jungmo sa braso dahil sa sarcasm niya. Kairita minsan eh.

"Oo na, isama mo na. Basta 4:00 pagkatapos uwian sa bahay ko." Paalala niya saamin at papaalis na sana siya kaso agad ko siyang tinawag.

"Jungmo, sino magtuturo?" Tanong ko, humarap ulit saakin si Jungmo sabay ngiti.

"Si Wonjin ;)"

'oh sh*t anong pinasok ko?'

Kalma lang seul magaaral lang naman kayo eh."

"Ganun ba? Sige bye na!"

"Bye!" At tuluyan ng umalis si Jungmo

Hinila naman ako nila Jean at dahil lutang pa ako at pilit ko pang process yung mga nangyari sa slow ko na utak  wala na lang akong nagawa kung hindi sumunod. Ano ba naman kasi bakit ba ako pumayag?

Kasi ang cute ni Hyeongjun, at konting konti na lang babagsak ka na sa math self :))

Pero bakit ba ako sobrang bothered?

Kasi nga....naandun siya

Umiling na lang ako at inisip na lang na hindi naman siguro magiging awkward yun dahil GROUP study naman.

Tama...hindi ka dapat maging awkward seul.

-
-
-
-
-
-
-
See you in the next chapter. Thank you fir reading!

Trespassing | Ham WonjinWhere stories live. Discover now