33

66 5 1
                                    

Nakaka dalawang lingo na kami ng practice ni Eunsang at masasabi kong ayos naman na ang lahat. Ang kulang na lang namin ngayon ay costume tapos okay na talaga lahat.

"Polishing na lang tayo sa wakas!" Sigaw ni Eunsang sabay talon.

"Oi lalaki, may coatume pa tayo na dapat atupagin." Ang sabi ko naman sa kanya. Onti-unting binaba ni Eunsang yung kamay niya at sumimangot na lang. At oo hindi na kami awkward sa isa't-isa kasi nagkasundo kaming kalimutan na lang lahat ng nangyari nung first day ng practice.

"Haluhhh...next friday na performance tapos wala pa tayong costume huhu." Pagiinarte ni Eunsang   habang nagspray ng pabango niya ng ilang beses sa katawan.

"Oo nga, kaya mabuti pa pagusapan na natin ngayon. Ano may idea ka ba?" Tanong ko sa kanya at umupo sa isang upuan.

"Wala nga ih~~ Hirap ako sa mga ganyang bagay. "

Bigla naman akong napaisip kung ano magandang suotin kaso ayun wala rin akong naisip. Pero parang feel ko maglakad sa labas kaya naman...

"How about maglakad na muna tayo sa labas. Magpahangin para ma relax tayo at baka makaisip din yung mga utak natin ng costume."

"Teka may naisip na kasi ako ih!"

"Kung naiisip mong mag plain white na shirt na matching tayong dalawa well kalimutan mo na yan kasi sila Jean ganun na rin yung costume."

"Sabi ko nga. Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya sakin habang papalabas kami ng dance room.

"Sa labas lang naman ng school magpapahangin. "

"Tinatamad ka lang Hahaha." Umirap naman ako sa sinabi niya at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

"Tara na lang kasi~" At hinila ko na rin siya palabas.

Habang naglalakad ay pansin ko naman ang patuloy na pagtitig ni Eunsang sa kalangitan tapos pabalik sakin  na siya ring pinagtaka ko.

"Kuya bat ganyan makatitig?" Tanong ko sa kanya at tinitigan din siya.

"Wala lang..."

"Pft, panong wala lang?"

Napakamot naman siya sa ulo niya at nagpatuloy lang maglakad samantalang ako nagtataka pa rin sa kung bakit ganun siya umasta.

Di nagtagal ay nakarating din kami ni Eunsang sa labas ng gate at nagdesisyong manatili muna dun at tumambay. Kaya umupo na lang kami sa isang bench malapit sa gate at pinagmasdan yung kalangitan.

8:00 na ng gabi ngayon pero dahil exams pinayagan yung mga senior high na tulad ko,  na mag stay sa school hanggang 9:00.

"Ano may naisip ka na bang costume?" Tanong ni Eunsang saakin.

"Hmm...since yung kanta naman natin medyo modern...what if ....ay --wait..."

"Tsk! Ano ba yan, ang gulo mo kausap!" Sabi niya. Tinignan ko naman siya ng masama at binawian ko pa.

"Eh ikaw...may naisip ka na ba?" Bigla namang tumahimik si Eunsang at tumingin sa kung ano ano maliban sakin.

"Uhh...ehh wala Heheh." Sabi niya sabay ngiti.

Umiling lang ako at tinignan ulit yung kalangitan. At habang tumitingin ako sa kalangitan ay napansin ko yung mga bituin na kumikislap kislap pa. At doon ko naisip...

"Eunsang may black ka ba na Polo na related sa stars na design?"

"Hmm...di ko alam. Check ko mamaya." Sabi niya sakin.

"Kung meron ka message mo ako, para yun na lang costume nati."

Tumango lang siya at patuloy lang na tumitig sa mga bituin sa kalangitan. Ilang minuto kaming naandun nakatingala hanggang sa tawagin niya pangalan ko.

Trespassing | Ham WonjinWhere stories live. Discover now