30

58 3 0
                                    

"G-gusto mo ako maging ka-partner ulit sa music festiva?!" Tanong ko kay Eunsang na kasalukuyang nakaupo lang ng mahinahon sa tabi ko. Habang ako halos maghiningalo na sa sinabi niya. Mukha akong timang, na di mapakali sa nangyayari sa paligid niya.

Tumango naman si Eunsang saakin at akala ko mahihimatay ako. Kasi hindi talaga ako makapaniwala na ako yung gusto niyang kapartner. Eh madami namang babae na nagnanasa na maging ka-partner siya. Pero pinili niya ako?

"Teka nga muna...bakit ba kasi ako yung napili mo..."

"Kasi--" magsasalita na sana siya kaso sumabat ako sabay sabi...

"Crush mo ako noh?!" Sabi ko, at tumawa pa ng malakas pagkatapos. Oo na makapal na mukha ko, pero biro lang din naman yun.

Hindi agad nakapagsalita si Eunsang. Pero napansin ko yung maliit na ngiti niya na sanhi ng pagtataka ko.

"haysss....basta." ang sagot niya lang at umiling saakin pero di pa rin nawawala yung ngiti niya sa labi.

"Panong basta??" Tanong ko nanaman.

At this point feeling ko maiirita na talaga si Eunsang saakin, kaso di siya umimik, instead tumayo lang siya at sabi..

"So ano...practice na tayo?" Sabi niya saakin habang nakangiti.

Ngumiti lang ako pabalik at tumango.

"Okay."

•••

" 1,2, 3 and 4..."

Kasalukuyan kaming nagprapractice ni Eunsang sa upcoming music festival, in three weeks na kasi yun kaya naisipan na rin namin gumawa ng steps ngayon dahil balak namin sumayaw na lang(dahil panget boses ko )

"Gets mo na. Sige mamaya ulit, for now break timw muna." Sabi niya sakin at nag-ok ulit ako habang nainom ng tubig.

"Seul...ayaw mo ba talaga kumanta?" Muntik ko naman mabuga yung tubig nainiinom ko, dahil lang sa sinabi niya. Kanina niya pa kasi yun sinasabi at kanina ko pa sinasabi rin sa kanya na ayoko.

"Eunsang naman~"

"What? Baka kasi maganda naman boses mo. Try mo lang...ngayon, kumanta ka ngayon !"

Umitap lang mata ko. At nagkaroon ng kaunting katahimikan bago ulit ako nagsalita.

"Sige payag ako kumanta tayo....in one condition."

"Sige, ano yun?"

"Sabihin mo saakin kung bakit ako yung gusto mo makapartner sa music festival." Ang sabi ko, I know hindi pa rin ako makaget over. Pero curiousity kills the cat.

Hindi naman agad umimik si Eunsang at parang may pinagiisipan habang patuloy na nagpupunas ng pawis niya. Napabuntong hininga na lang ako at magpapatuloy na ulit sa pagpractice kaso bigla siyang sumagot.

"K-kasi..." Tumingin agad ako sa kanya at parang nagdadalawang isip siya sabihin sakin kung bakit.

"....uhh...crush kita."

...

Anong gagawin ko, wait lang so totoo ba toh? Lumaki na lang yung mata ko at tumalikod agad sa kanya.

"Sabi ko naman sayo joke lang yung kanina eh, Tara practice na tayo hehe!" Mabilis ko namang sinabi. Tumango lang si Eunsang saakin sabay ngiti at pumunta na sa puwesto niya.

Sana pala di ko na lang tinanong

•••

(Wonjin's POV.)

"Hoy, ano nanaman iniisip mo diyan?!" Sigaw ni Minhee sa tainga ko.  Tinignan ko naman siya ng masama at nagpatuloy na sa pagbabasa ng libro. Kasalukuyan kaming nag group study ngayon at hindi ako mapakali.

Kanina kasi nagtext si seul sa gc namin na hindi daw siya makakasabay sa group study dahil may practice daw sila ni Eunsang. At dahil T*nga ako. Ayun pumayag naman kahit yung totoo, ayoko talaga.

"Si Wonjin pa eh si Seul lang naman lagi nasa isip niyan.. ayieeee!" Sabi naman nitong si Hyunbin hyung na humahalakhak sa tabi ko.

"Hyung naman, magaral na nga lang kayo!" Sabi ko naman. Obviously wala ako sa mood para makipaglokohan.

Hindi talaga maalis sa isip ko na magkasama sila ngayon.

Wonjin ano ba...di siya sayo. Bakit kung umasta ka parang jowa ka?

Umiling na lang ako at nagpatuloy na sa pagsagot.

"Wonjin, wag ka na kasi torpe. Landiin mo na yung pinsan ko. Ako na nagsasabi...tsaka marupok yun, kayang kaya mo yan." Sabi naman ni Jungmo.

"Oo nga hyung, diba gusto mo naman siya at dati ka niyang crush. Malay mo crush ka pa rin pala niya ngayon. In short...may pag asa ka pa hyung." Sabi naman ni Hyeongjun na busy sa pagbabasa ng libro niya.

"Eh...hindi kasi ganun kadali."

"Panong hidni ganun kadali?" Ang tanong naman nila saakin.

"Ayy basta, ayaw ko."

"Wonjin alam ko kung bakit ka bumalik. Alm ko siya pa rin kaya wag ka na magpakapabebe at ligawan mo na pinsan ko!" Sigaw naman ni Jungmo saakin. At parang ready na rin manapak.

"Hyung...tama ka. Pero paano kung hindi niya na ako mahal?" Ang sabi ko naman. At isinara na yung libro ko.

"Paano mo malalaman kung hi di mo susubukan."

Wala na akong nasagot sa sinabi ni Jungmo saakin. Tumango naman ako at parang sa isang iglap na wala lahat ng pagaalinlangan ko. Na realize ko ulit kung bakit kailangan kong subukan kahit mahirap. Para sa kanya.

"Sige na nga!" Sabi ko naman. Nanglaki naman yung mga mata nila at lumapit saakin.

"Wait...seryoso ka talaga?"

"Liligawan mo na si Seul?"

"Wow, hyung I'm proud of you. Akala ko forever ka na single hanggang sa tumanda ka na. Pero kahit ganun ako na lang din magaalaga sayo yieee." Sabi ni Hyeongjun at tinignan ko din lang siya ng masama sabay ngiti.

"Oo seryoso na ako, pero...hindi ko pa siya liligawan. "

Na palitan naman ng pagtataka ang ngiti nila sa mukha.

"Ayoko siya madaliin. Pero paparealize ko muna sa kanya na may Ham Wonjin sa buhay niya na nagmamahal sa kanya."

"JUICRMOTHER ANG CHEESY!"

"MYGHAD HYUNG WHY ARE YOU SO MA-KESO !"

"Teka naduduwal ako..."

Umirap na lang ako sa kanila at nagtago na ng gamit ko

"Akala ko ba WONSEUL shippers kayo?"

"Oo nga, pedo hindi kami mahilig sa mga cheesy na words EEWWW!" Sabi ni Minhee at nagacting pa na naduduwal.

"Aba--"

Trespassing | Ham WonjinTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang