01

197 12 0
                                    

It was a bright saturday morning. Walang projects or any assignments buong araw lang ako magpapahinga, kaya naman masaya ako ngayon.

Sa isang estudyanteng katulad ko na maraming ginagawa, ang weekend hindi yan pinapalagpas. Kailangan ang weekend mo masaya na relaxing pa.

Kaya napagisipan kong pumunta sa isang café para magbreakfast at makapagkape man lang, bago ko simulan ang araw ko.

"KYAH ISA PONG CARAMEL MACHIATO~" Ang sabi ko sa employee nung café na may kasamang ngiti.

"Luhh, nag saturday lang ang saya saya mo na agad. Eh parang kahapon lang.... sisirain mo na yung loptop mo sa sobrang tagal ng internet at sa hirap ng project mo." Sabi sakin ni Jungmo habang tinititigan ang cash register sa harap niya.

" Bakit ba....gusto ko lang naman sumaya, tsaka alam mo naman na sa saturday lang ako nakakapagpahinga." Umirap lang ako sa kanya at iniabot na yung pera.

"Kung sa bagay.... sige umupo ka na at baka pagalitan pa ako ng manager namin...sasabihin nanaman nakikipaglandian ako sa customer. Pero di niya alam isang bruha lang naman kausap ko-- ARAY!"

"Orange flavored Tang MOTHER MO Jungmo...sige uupo na ako para sa ikatatahimik ng bunganga mo, K bye."

"Kung makapagmura naman si ate girl...napakahaba pwede naman juicemother na lang, tsaka hindi ko alam na may flavor na pala yung mura ngayon HAHAHAHAG bye na ng!" Sabi naman ni Jungmo at iniabot na sakin yung sukli ko.

Umupo naman ako agad sa isang upuan (siyempre alangan sa table??) na malapit sa bintana, para lang pagmasdan ang mga taong nasa labas. Ito na yung paborito kong pwesto sa café na toh. At kahit walang nakalagay na pangalan ko ay parang palagi na lang ako sinu-swerte dahil tuwing pupunta ako sa café ay walang nakaupo dito para bang pinagtadhana kami ng pwesto na ito. De JOKE.

Maya-maya ay tinawag din ako ni Jungmo at pumunta ako sa counter para i-claim yung order ko. Pero pagpunta ko doon ay nakita kong medyo natataranta si Jungmo.

" Anong meron bakit biglang dumami tao?" Ang tanong ko sa kanya.

" No time to explain, basta ito na yung order mo enjoy~~"

"Huh? Eh...dalawa lang kayo diyan na nagserve ng coffee gusto mo tulungan ko kayo?!"

Lumingon naman si Jungmo sa co worker niya at pumayag naman ito. Kaya naman hindi na ako nagsayang ng oras at ako na ang naging waitress ng café. Hindi ba lugi ako, walang bayad pero na tulong.

Joke...okay lang naman dahil nakatulong naman ako kayla Jungmo. Tsaka pambayad ko na din toh sa pagbigay niya sakin ng libreng kape pag nagawa ako project.

"Table no. 7?" Tanong ko kay Mari na co worker ni Jungmo, tumango lang siya at tinulak ako ng mahina papunta sa isang table.

"Excuse me Sir, here's your order!" Sabi ko habang nilalapag ang kape nung customer sa table.

Hanggang sa buong araw na nga ako tumulong dun sa café. At nagkamali ako sa desisyon na iyon....kasi nawala na yung saturday break/ day off ko. Once in a blue moon na nga lang makapagpapahinga tapos...ganito?

'Magtiis ka Yeonseul  ginusto mo yan kaya bawal umangal!' sabi ko sa sarili ko habang nagpupunas ako ng tables.

"Sige na pinsan mauna ka na, ako na maglilinis ng tables. " Sabi ni Jungmo saakin, at oo magpinsan kami. Simula ng magtrabaho siya sa café ay palagi ko na ito pinupuntahan hanggang sa naging loyal na ako sa café na ito. Siyempre susuportahan ko ito para sa pinsan ko.

"Kaya mo na ba, ikaw lang magisa dito umuwi na din si Mari?" Tanong ko habang dinadampot yung balabal ko.

"Oo na nga...matulog ka ng maaga see you na lang sa school okay?"

"Okay, see you." Sabi ko habang papalabas ng café. Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko lang yung kalangitan.

Napuno ito ng mga iba't-ibang shadesng orange, pink at purple. Manghang-mangha naman ako kaya kinuhanan ko muna ito ng litrato bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bus station.

Pagkaupo ko sa station ay tinignan ko kung meron ng bus namadadaanan yung street ko kaso wala pa. Kaya no choice kailangan ko magantay.

Medyo matagal pa yung bus kaya naman binuksan ko muna cellphone ko.

Trespassing | Ham WonjinWhere stories live. Discover now