27

61 2 0
                                    

"Hoy Seul sabay tayo ngayon wala kaming practice ni Hyunbin ngayon eh." Sabi saakin si Jungmo habang ako busy sa paglalagay ng gamit sa locker ko.

"Bakit? Kailan ba performance niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Minove...kasi maramingbprojects ngayon kaya ayun. Sabi ni Ms. Next month na daw which is 3 weeks away."

Tumango lang ako sa sinabi niya sakin at dederetso na sana. N
Ng biglang makita ko si Minhee at Wonjin na naglolocker din. Bigla kong naalala yung nangyari kanina.

Mukha naman na pansin ni Jungmo yung pagiba ng mood ko kaya naman tinanong niya ako. Pero imbis na umimik hinila ko na lang siya palabas sa sakayan ng jeep.

"Ano ba kasi yun Seul...?"tanong ni Jungmo ng matapos ako makapagbayad sa jeep.

"Huh?! Uhh...wala." sabi ko sa kanya kaso hindi umubra kay Jungmo at tinanong niya ulit ako.

"Kasi kanina...inutusan ko si Wonjin na ibigay yung isang letter kay Hyeonjun na ibinilin sakin ni Mrs.Cruz. Nagalala lang naman ako na baka hindi niya nabigay hehe.." sabi ko. Alam ko naman na nagsinungaling ako pero ayoko din naman na asarin nanaman ako ni Jungmo.

"Ganun ba...osige chat ko sila mamaya para di ka na magalala." Sabi niya lang.

Tumango naman ako at tumahimik na lang habang nagbiyabyahe. Naramdaman ko naman na may tumapik sa balikat ko at biglang ngumiti si Jungmo sa isang direksyon.

Napalingon naman ako at nakita ko siya na natutulog ng mahimbing.

"Bakit?" Ang tanong ko kay Jungmo.

Hindi naman siya sumagot at patuloy lang na nagtype sa cellphone niya. Napabuntong hininga na lang ako at tumahimik na lang ulit.

'naandito pala siya?'

Trespassing | Ham WonjinWhere stories live. Discover now