36

49 3 0
                                    

Gumising ako ng maaga ngayon dahil nagkasundo kami ni Jean na pumunta ng maaga sa school tapos magaral sa library kasi mamaya may quiz kami sa math.

Nagpaalam na ako kayla mama at papa at dumeretsona nga sa school namin para i-meet si Jean. Paglabas ko naman ng bahay ay sumalubong saakin ang sariwang hangin ng bagong umaga at pumikit muna ako ng sandali habang pinapakiramdaman yung magandang panahon na meron ngayon.

Ngumiti agad ako at tuluyan ng umalis sa bahay. Pumunta na ako sa sakayan ng trycicle pero bago yun ay tatawid muna ako ng kalsada.

Pero napansin ko naman na nag vibrate yung cellphone ko agad ko naman itong inabot at tinignan kung sino ang nag text sakin. At biglang may humatak sa kamay ko...

Pagtingin ko sa kung sino yun, si Wonjin pala. Agad naman akong nag panic ng maalala ko yung nangyari kagabi. Tapos ang lapit pa ng mukha niya sakin ngayon huhu.

"Bakit ka ba kasi nagtetext habang natawid...alam mo bang delikado yun?" Sabi niya naman sakin pero di pa rin niya ako binibitawan kaya nagtitigan lang kami. Halos maramdaman ko na yung paghinga niya sa sobrang lapit ng mukha niya sakin.

After 20 seconds(ata..) ng pagtititigan namin, binitawan niya din ako at umiwas agad ako ng tingin.

"Uhh....gusto mo ba sabay na tayong pumunta sa school?"

Juicemother ang awkward nun!

Tumango lang siya sakin at naglakad na ng mabilis. Ako naman sumunod na lang sa kanya. Attahimik na nga lang kami naglakad, pero may isa pa akong na pansin. Panay titig ito sakin na parang may sasabihin, naguhuluhan na talaga ako. Ano ba problema nito.

"Wonjin....may gusto ka bang sabihin?" Tanong ko sa kanya tapos na pansin ko naman na bigla siyang na taranta.

"Ayy...uhh...wala naman." Sabi niya.

"Bakit parang panay titig mo saakin?" Bigla ko naman gustong bawiin yung sinabi ko pero wala na akong magagawa ih.

"Wala....ang ganda mo kasi." Mabilis niyang sagot at naglakad na ng mabilis.

qaQi? What kind of FlIRTATION?!"

(Char)

Humabol naman ako sa kanya at ngumiti ng palihim ng makita ko siyang nakangiti sa tagumpay. Aba, tignan mo nga naman yun lang pala gustong sabihin ng loko.

Agad naman akong nagulat ng hawakan niya yung kaliwang kamay ko at....

TAena..HHWW lang ang peg Wonjin?

Bigla naman ako kinabahan at tumibok ng malakas yung puso ko. Ano ba ginagawa nito sakin, parang kanina lang sobrang mahiyain siya at pa torpe pa. Tapos ngayon may pa holding hands pa.

Hakdog?

•••

Ng makarating kami sa classroom hindi pa rin niya binitawan yung kamay ko at ako naman medyo nahihiya na kasi pinagtitinginan kami ng mga kaklase ko.

"Hoy Yeonseul!" Tumingin naman ako kay Yuvin na kasalukuyang natawa ng malakas kasama barkada niya.

"Ano nanaman ba?" Tanong ko.

"Ikaw ha....jowable ka na pala ngayon?"

Nanlaki mata ko bigla sa sinabi niya kaya hinampas ko siya ng malakas sa braso at ito naman si Wonjin tawa lang ng tawa. Maya-maya tumigil na sila sa katatawa at ako naman naka simangot na lang sa isang tabi...

Balakayojan

"Pst! Seul!" Tawag ni Yuvin sakin di ko alam kung ano meron sakin, pero lumingon naman ako. Tapos may sinabi siyang ikinagalit ko lalo. Aba nangaasar talaga ang loko.

"Wag ka na sumimangot baka ma turn off sayo si pareng Wonjin niyan  HAHAHAHAAHAHHAAHAHA!"

JUICeMOTHER NITO--

Ready na akong sumugod sa kanya ng biglang...

"Okay class please settle down on your assigned seats, today we will be discussing about ..." Biglang dumating yung teacher. Tinignan ko lang si Yuvin ng masama at inirapan pa siya bago bumalik sa upuan ko.

Haysst.

•••

"Okay class dismissed!" Sabi ni Prof. At lahat naman kami nagsi tayuan at naghanda na umalis ng classroom.

Kasalukuyan kong inilalagay yung peppa pig-designed na pencil case ko sa bag ng tinawag ako ng isang pamiliar na boses. Lumingon ako sa pinangalingan nito at nakita ko yung pinsan ko na nakatayo sa harapan.

"Seul...hehe...ano kasi..." Napabuntong hininga na lang ako sa kanya.

Pabebe pa toh.

"Ano? May practice nanaman kayo ni Hyunbin? Sige na kaya ko naman sarili ko." Sabi ko sa kanya.

"Ayy...oo yun sasabihin ko pero meronpa. Ano kasi...i-tututor ka ni Wonjin ngayong uwian pero alam kong may practice ka. So...sinabi ko sa kanya tapos sabi niya aantayin ka daw niya." Sagot ni Jungmo.

Natulala lang ako habang pinagiisipan yung mga sinabi niya sakin. Luhh, pano kung mag extend kami ng practice ni Eunsang ngayon?

"Ahhh ganun ba...sige." sabi ko at kumaway na sa kanya. Pagkaalis ni Jungmo agad naman akong pumunta sa dance /practice room na kung saan palagi kami nagprapractice ni Eunsang.

"Oh, Yeonseul...pasok ka na. "

Sabi ni Eunsang sakin. At agad naman akong pumasok sa loob. Pero laking pagtataka ko ng makita kong patay yung ilaw.

"Bakit nakapatay yung mga ilaw?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang trip ko lang. Bakiy...wag mo sabihin may naiisip kang iba *gasps*" sabi niya naman.

Priking*na nito!

"Hindi noh!" Sabi ko sa kanya at binuksan ko yung mga ilaw. Ngumiti naman ako in satisfaction at nilagay na yung bag ko sa isang sulok.

"So ano...start na tayo?" Sabi ko at binuksan na yung speaker.

"Sige ba."

Trespassing | Ham WonjinWhere stories live. Discover now