24

73 2 0
                                    

"Ate Seul, upo ka na lang dito!" Sabi saakin ni Hyeongjun habang tinapik yung upuan sa pagitan niya at ni Minhee. Ngumti lang ako awkwardly at umupo doon sa vacant na upuan.

"Let's start?" Sabi naman ni Wonjin na hindi man lang kami tinignan.

Binuklat ko naman yung notebook ko at nakita yung assignment sa math. Itataas ko na sana yung kamay ko ng biglang unahan ako ni Jungmo.

"Wonjin...pwede excuse mo muna kami nila Hyeongjun, kukunin lang namin libro sa locker tsaka si Minhee at Hyunbin na-c-cr na din. Mauna na kayo ni Seul...geh bye!" Sunod -sunod naman niyang sabi.

Sa panglabas mukha akong kalmado pero sa loob kulang na lang lumuhod ako wag lang umalis sila Jungmo at iwanan kami ni Wonjin magisa.

Pero siyempre di ko kaya gawin yun ngayon. Kaya narito kami ngayon...ang pagbuklat lang sa page ng libro ang naririnig wala ng iba pa. Dahil hindi talaga kami nagusap. At wala akong balak kausapin siya kasi nga awkward.

"Napagaralan mo na ba yung Rational expressions sa math?" Nagulat naman ako ng biglang magsalita si Wonjin, tumingin agad ako sa kanya at nakita siyang kasual na nagbubuklat lang din ng libro.

"Hindi pa..." Sagot ko sa kanya.

"Turuan na kita, pero dito ka umupo kasi mahirap magbasa ng upside down." Sabi niya naman sakin.

Tumango lang ako at onti-unting umalis sa pwesto ko papunta sa tabi niya. Tinitigan lang ako ni Wonjin na tila baga nagaantay na makarating ako sa tabi niya. At ng makaupo ako ay ibinalik niya ang attention sa papel na puro math equations na di ko maintindihan.

"So ito gagawin mo..."

Nakinig lang ako sa bawat detalye na ibinibigay niya. At in fairness naman na gets ko naman yung 40% HAHAHAAH.

Kasi hindi talaga ako masyado nakinig sa math explanation niya.Naalala ko kasi yung time na bata pa kami at tinuturuan niya rin ako sa halos lahat ng bagay. Dahil mas matalino si Wonjin saakin.

At parang nauulit yun ngayon. Sa bawat pag adjust niya ng salamin niya ay ngumingiti ako ng palihim. Dahil alam kong hindi siya ganun ka-komportable pag malaki yung glasses sakanya. Sa bawat pagkamot ng ulo niya pag di ko magets yung sinasabi niya, o yung pag adjust niya sa upuan pag lumalapit ako sa kanya. Lahat  pa yan kaliit para saakin  isang malaking kayamanan na yan.

Pero ngayon hindi na mauulit. Dahil sinugurado ko na din na hindi na ako muling mahuhulog sa kanya. At lahat ng maliliit na bagay na noon ay especial para saakin...ngayon ay magiging normal na lang ang lahat.

"Sagutan mo ito..." Sabi ni Wonjin sabay tulak ng isang papel na puro problem solving. Papunta sa direksyon ko. Tumango lang ako at sinagutan ito ng tahimik.

"Sige...."

•••

"Wonjin bakit ang hirap?" Napabuntong hininga lang ako sabay bitaw sa hawak kong lapis.

Paano ba naman? Kanina pa ako tinititigan nitong katabi ko, kahit pa nagsasagot lang naman ako ng problem solving ay nararamdaman ko yung titig niya na para bang may gustong sabihin. Kaunti na lang matutunaw na talaga ako.

"H-huh? Mahirap ang alin...?"

Bakit ang hirap mong itaboy at kalimutan?

"Yung math problems na binigay mo! Di ko maintindihan. Pweh!" Ang sabi ko naman sabay kamot sa ulo ko. Tinitigan lang ako ni Wonjin bago nagsalita ulit.

Trespassing | Ham WonjinWhere stories live. Discover now