34

63 5 0
                                    

Hinatid ako ni Eunsang sa bahay namin at nagpaalam na agad dahil sinabi kong magmadali na siya at baka mapagalitan pa yun dahil sakin.

Tumingin naman ako sa orasan at nakita ko namang 10:00 na ng gabi.napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa pintuan ng bahay namin ng biglang may umagaw ng attention ko.

Napatingin ako sa bintana ni Wonjin ng walang dahilan, para lang makita na hindi na nakabukas yung ilaw sa kuwarto niya. Hindi ko naman alam pero parang na guilty ako dahil sa kanina.

Umuwi na kaya yun?

Saan kaya siya pumunta pagkatapos nung mangyari yung kanina?

Baka natulog na yun...

Inisip ko lang yun hanggang sa hindi ko na namalayang kanina pa pala ako nakatulala sa pintuan. Kaya naman agad ko itong binuksan at kinalimutan ko muna yung mga bagay bagay na sumasagabal sa kapayapaan ng isip ko.

Ng makaakyat ako sa kuwarto ay sumilip muna ako sa kuwarto nila mama at nakita silang mahimbing na natutulog ni papa sa kuwarto nila. Kaya agad ko na din itong sinara at pumunta na sa sarili kong kuwarto. Nagulat naman ako ng biglang may humila sakin as soon as binuksan ko yung pintuan ng kuwarto ko.

"Mmmm!" Ang sigaw ko naman ng tinakpan niya yung bibig ko.

"Lee Yeonseul ano ba? Ako lang toh..." Ang sabi niya naman sakin. Teka parang pamilyar yung boses. Tapos dun ko na realize kung sino siya.

Ng hindi na ako pumalag ay dahan dahan niya tinanggal ang isang kamay niya na kanina ay naka takip sa bibig ko pero yung isang kamay niya ay nagsilbi pa ring harang para hindi agad ako makawala sa kanya.

Tumitig lang ako sa kanya hindi ko alam kung ano nangyayari pero parang ang weird ng mga pangyayari

"W-wonjin?"

Tumango naman siya sakin at nilagay pa ang isa niya pang kamay sa pader para mas maging mahirap sakin makawala. At dahil hindi ako nasa tamang pagiisip ngayon ay bigla ko siyang hinalikan sa pisngi na resulta naman para magulat siya.

Napansin ko namang humina yung kapit niya sa pader kaya hindi na ako nagpatumpik pa at tumakas na. Tapos agad akong nagpaliwanag.

"Sorry ha, ikaw naman kasi ih! Bakit mo kasi yun ginawa?! Ayan tuloy na halikan ka sa pisngi dahil wala na akong maisip na paraan para makawala. Ang sabi ko naman ng may namunulang mukha ,Habang si Wonjin ayun tulala sa pangyayari.

"N-niloloko lang naman...kita eh." Ang sabi niya naman sakin. Tapos may kaunting katahimikan between saming dalawa pagkatapos nun.

Kaya napagisipan kong i-change topic ito...

"So...pano ka ba nakaakyat dito?" Tanong ko sa kanya, ngumiti naman siya ng slight at tumawa pa.

"Madali lang naman...basta alam mo kung paano umakyat ng puno at dapat yung pupuntahan mo makakalimutin yung mayari. Hindi nasara yung bintana." Sabi niya naman at sumimangot naman ako sa kanya.

"Sorna eh kasi naman ih, may maliit na caterpillar na nagapang diyan pag sinara ko pirat yun." Sa i ko naman sa kanya.

Tumawa lang siya sa sinabi ko at nagpatuloy na.

"Kamusta naman kayo ni Eunsang kanina? " Sabi niya bigla pero nakangiti pa rin siya sakin. Kaso yung mga mata niya, hindi na kumikislap sa tuwa para bang may halong pagkadimaya? Ay basta hindi ko na rin alam kung ano ba yung mga napapansin ko.

"Mabuti naman, hinatid niya naman ako katulad ng binilin mo--teka nga bakit ba?"

"Wala lang nagalala lang ako. Sorry kung bigla ko kayong iniwan ha hindi ko lang kinaya."

"Hindi kinaya..ang alin?" Tanong ko naman.

"Hindi ko kinaya yung sakit ng ulo ko. Pero hayaan mo medyo okay na ako ngayon." Sabi niya naman at umupo siya sa tabi ko.

"Eh..bakit ka naandito?"

"Diba nga...tuturuan pa kita sa math." Sabi niya naman at tumingin sa ibang bagay na para bang iniiwasan yung tingin ko. Hmm....

" Ganun ba?! Ito naman...bukas na lang yun. Tsaka di naman kailangan natulungan mo na ako dati kaunting aral at dasal na lang papasa na ako. Kaya wag mo na akong intindihin." Sabi ko sa kanya. Tinitigan lang ako ni Eonjin ng matagal at nangungusap yung mga mata niya. Na pansin ko naman na onti-unting nalapit yung mukha niya sakin.

OH shi-- don't tell me...ito na yun?!

Mawawala na first kiss ko huhu!

Palapit na ng palapit yung mukha niya sakin ng bigla siyang tumigil ng ilang inches na lang yung distance nung mukha naming dalawa at isang galaw lang, pinish na!

Pero di ko lubusang maisip kung bakit niya ito ginagawa. Pinagtripan niya lang ba ako? Bakit siya lumapit? May gusto lang ba siyang sabihin?

Naramdaman ko yung hininga niya na mas lalong nagpakaba sakin. At mas lalo akong na gulat sa mga susunod na pangyayari. Bigla niya akong hinalikan sa pisngi tapos tumayo agad agad. 

"S-sorry Yeonseul.. di ko sinasadya. Sige mauuna na ako, Good night!" Sabi niya at mabilis na pumunta sa bintana ko. Sa ganun ganun lang, tuluyan na nga siyang umalis. Habang ako naandito nakatulala sa bintana ng nakanganga pa. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari at mas lalong di ko naiintindihan lahat.

 

Wtf?

Trespassing | Ham WonjinWhere stories live. Discover now