17

80 5 0
                                    

Naglakad ako palabas ng gate ng school. Yun nga lang medyo lutang kasi iniisip ko pa rin yung sagot sa math exam namin kanina. Kaya naman hindi ko pansin yung mga taong nasa paligid ko. Pero kahit medyo lutang naalala ko pa rin yung kasunduan namin ni Jungmo. At dahil sumayaw siya kanina sa Gym ay naisipan kong bilhan na nga siya ng dalawang strawberry milk. Na ni-request niya nung isang araw pa.

Kinuha ko yung isang ear plug at nilagay yun na kaliwang tainga ko. Habang naglalakad ako ay parang meron akong pakiramdam na may sumusunod saakin pero hindi ko ito pinansin masyado at patuloy na lang na naglakad papuntang 7/11.

•••

"Bili rin ba ako milk para sakin?" Ang tanong ko sa sarili ko. Habang natingin sa mga brand ng gatas doon sa 7/11.

Kape na nga lang bibilhin ko para sakin baka antukin ako mamaya magreview pa ako sa test namin.

Pumunta na ako sa counter at kasual na inilapag yung mga bibilhin ko sa tapat nung cash register. Tumingin naman saakin yung employee na nagtatrabaho doon at kinuha na yung mga items na bibilhin ko at saka nilagay sa supot.

Agad naman ako nagpasalamat at nagbayad na. Pagkalabas ko sa 7/11 ay  pumara na ako ng jeep para maihatid na sa bahay ni Jungmo yung gatas niya.

Pero bago pa man ako pumara ay nakita ko ang isang lalaki na nagtatago sa tabi ng puno. At malakas kutob ko na kilala ko siya. Kaya naman sinilip ko muna kung sino nga ba yung nagtatago.

"Sino yan--Keum Dong?" Nagtaka naman ako ng nakita ko si Keum Donghyun na hawak yung cellphone niya at masasabi ko din na gulat na gulat din siya ng makita niya ako.

"Seul?" Ang pabalik niyang tanong habang dahan-dahang inayos ang kanyang pustura.

"Uh...ano kasi, PARTE TO NUNG IRERESEARCH KO MAGHANAP NG PUNO TAPOS...mags-selca ka kasama yung puno!" Sabi niya at nilabas niya ulit yung phone niya at nakipag selfie nga dun sa puno. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ko ba paniwalaan, pero kung project niya yun edi wala na ako dapat kinalaman diyan.

"Ganun ba? Osige sasakay na ako ng jeep...bye!" Ang sabi ko sa kanya at mabilis na sumakay ng jeep.

Nagmessage naman ako kay Jungmo na pupunta ako sa bahay niya. At ilang segundo pa lang ay nagreply agad siya at binilin sakin na pakainin ko daw yung goldfish niya.

At dahil mabait akong pinsan, sumunod naman ako sa binilin niya.

•••

Tumingin ako sa orasan ko.

10:45pm

Isang malaking hikab naman ang lumabas sa bunganga ko. Kaya naman naisipan ko muna magpahinga at matulog ng 5 minutes.

Pero naistorbo nanaman ito ng may kumatok sa pintuan ko. Napalingon naman ako sa pinto pinagisipan kung bubuksan ko pa ba ito, pero hindi naman siya magbubukas ng kusa. Kaya naman binuksan ko ito siyempre.

Pagkabukas ko ay nakita ko si mama na nakatayo at parang bagong gising lang. Itinuro niya naman yung stairs na papunta sa baba. At naintindihan ko naman agad ito...tinignan ko yung pintuan namin pero wala naman tao pati na rin dun sa bakuran.

Kaya naman bumalik ako sa taas at sinabihan si mama na walang tao. Sinenyasan niya naman ako na matulog na at bumalik na ako sa kuqart ko...pero laking gulat ko ng makita ko--

"WONJIN?!"

Trespassing | Ham WonjinWhere stories live. Discover now