07

88 8 3
                                    

"Hoy, gumising ka na andiyan na si Ms...tsaka punasan mo na din yung panes na laway mo."

Nagising agad ako ng may bumulong saakin. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Yuvin na kasalukuyang tumatawa ng palihim. Aba--

"Ehem!" Napatingin agad ako sa harap at nakita ko yung Prof. namin na si Ms. Cruz. Nung oras na yun, alam kong lagot na talaga ako. Bakit ba kasi walang gumising saakin!

"Out!" Sumigaw bigla si Ms. at hindi na ako umangal pa at lumabas na lang din ako ng classroom. Isinara ko yung pinto at tumambay na lang sa labas.

Ang boring!

"Hyung, ituro mo na lang kasi classroom namin!" Napatingin ako agad sa mga lalaking nagkukumpulan sa gitna ng hallway. Na pansin ko naman na si Jungmo yung isa kaso...hindi ko makita yung mga mukha ng kausap niya. Palibhasa kasi nakatalikod sila sa point of view ko kaya ayun di ko makita. Pero parang familiar.

"Ano ako waze?"

"Hyung!"

"Joke lang, doon sa dulo ng hallway ..kakanan kayo tapos YOU HAVE ARRIVED AT YOUR DESTINATION." Tawang-tawa naman si Jungmo habang yung mga kasama niya hindi man lang kumibo. Ng mapansin ko na lalapit na sila ay agad akong tumalikod dahil...wala lang???

Parang timang diba?

"Teka....Seul!" Narinig ko si Jungmo tawagin yung pangalan ko at ayun na nga. Unti-unti akong humarap sa kanila at nakita ko sila...Wonjin?

Eye-- napakagaling mo Jungmo, humanda ka saakin mamaya!

"Ano nanaman Jungmo?" Ang walang gana kong sabi.

Binigay niya naman saakin yung notebook ko at sabi.

"Salamat sa answers, bye!" Napatulala na lang ako ng bigla niya kaming iwan . Aba-- mapupuno na talaga ako :")

Tumalikod na ako at dapat pupunta ng banyo ng may nagsalita ulit. Pero feeling ko yung transferee yun.

"Excuse me, class A po ba itong classroom na ito?" Sabi sakin nung kasamahan ni Wonjin.

Tumango lang ako at tinuro yung pinto sa kanan ko tapos mabilis ng umalis. Ewan ko din kung bakit ako ganito, siguro dahil ang awkward tsaka hindi pa ako handa harapin siya kasi nakakahiya talaga yung nangyari nung isang araw.

"Muntikan na yun." Ang sabi ko sa sarili ko at nagayos sa salamin.

•••

Maya-maya ay natapos din yung third period at pinalabas na kami ng prof. namin para sa lunchbreak. Itinago ko na yung mga gamit ko ng biglang may  kumalabit saakin. Napalingon naman ako at nakita ko yung transferee na kumausap saakin kanina.

"Bakit?"

"Salamat po sa pagturo ng classroom kanina, ito po yung wallet mo nahulog mo kanina nung tumatakbo ka." Tumingin ako sa kanya, tapos sa wallet ko and vice versa.

"OH-ako pala si Minhee!"

"U-uhh... ako si Yeonseul." Sabi ko at agad ko ng kinuha wallet ko.

"And I'm Jungmo! Ngayon kung tapos na tayo magpakilala...pwede na ba kumain na tayo lahat?" Nagulat naman ako ng makita ko si Jungmo na nasa tabi ko lang pala at nakangiti saming dalawa, tumango lang si Minhee habang nakangiti. Habang ako naman nakatingin lang kay Jungmo with a 'NABWI-BWISIT NA FACE'

"Friend!" Sumigaw naman yung kaibigan ko na si Hana at mabilis na pumunta sa table ko.

"Tara kain na tayo!" Ang pagaaya, niyasinenyasan ko naman si Jungmo na mauna na sila. Pero hindi siya sumunod at na natili lang sa puwesto niya.

"Ano magtititigan na lang kayo? Tara na!" Sabi ni Minhee at nag walk out na sa classroom. Masasabi kong gutom na yung taong yun.

JOKE!

"Sige na nga...oh sumama ka na lang saamin Hana para walang gulo!" Sabi ni Jungmo at nag walk out na din ng classroom.

"Tara friend!" Hinila naman ako palabas ni Hana dahil medyo lutang ako kasi may iniisip lang.

Bakit wala siya sa classroom?

Kinakabahan na ako sa final episode.  Pero kahit ano mangyari support pa din. HAHAHHA salamat po. Once again comment, vote and share if you like this chapter.

See you sa next chapter!

Trespassing | Ham WonjinWhere stories live. Discover now