Chapter 4

38.2K 769 30
                                    

Chapter 4

Francine

Arrrrrgggggg!!!! Pahamak talaga itong Aldrin na to!!!!
Halos lahat na ng damit ko ay nailabas ko na sa closet at nag-pa-panic na ako dahil wala talaga akong makitang damit na pwede kong isuot sa engaement party ng kapatid ni Aldrin! I only have a few more hours to prepare! Wala na akong oras para bumili ng damit. Ay, correction, wala pala akong balak talagang bumili, dahil wala sa budget ko ang bumili ng damit na minsan ko lang isusuot at pagkamahal-mahal pa!


Alam kong hindi uubra ang mga simpleng cocktail dress ko. It's a long gown event at gaganapin sa pinaka magandang hotel dito sa Maynila! At mukhang hindi basta basta ang big boss ng Altamerano Industries at ang fiance nito. Nakita namin sila sa restaurant na kinainan namin ni Aldrin. And Oh my gosh! They are so sosyal! Mas lalo na yung girl. Binati ni Aldrin ang kuya nya pero hindi na ako sumama sa kanya. Sinamahan ko na lang sya ng tingin.

Medyo may konting hawig din naman si Aldrin sa kuya nya. Pero totoo nga ang chismis. Ang gwapo nga nya! Habang kausap sya ni Aldrin ay hindi ko maiwasan na titigan sya. There's something about him kasi. Hindi ko lang talaga malaman kung ano. Pakiramdam ko talaga ay matagal ko na syang kakilala pati ang fiance nya. Pero paanong nangyari yon? E ngayon ko lang talaga sila nakita. At hindi ko din maintindihan na kung bakit parang nakaramdam ako ng matinding lungkot, to the point na medyo naluha na nga ako!

Pagbalik ni Aldrin sa table namin ay nagulat sya dahil nadatnan nya akong nagpupunas ng luha. Hindi ko naman maipaliwanag sa kanya kung bakit, nagdahilan na lang ako na nakagat ko ang dila ko. It's really pathetic, pero di bale na, at least naka-isip ng palusot. But now, I have a terrible dilemma. ANONG ISUSUOT KO!


Tawagan ko na lang kaya si Aldrin at sabihin kong bigla akong nagkasakit? TAMA!


Kukunin ko na sana yung cellphone ko ng tumawag ang lobby at may package daw. Hmmmm. Sino kaya ang nagpadala ng package na yon? Actually first time kong makakareceive ng package dahil wala namang nakakaisip magpadala sa akin. Pina-akyat ko na ang delivery. Maya-maya lang ay kumatok na si Maria, yung yaya ni Clyde at may dala-dalang box na malaki at isang box na maliit!

"Ano yan? Kanino galing yan? Sinabi ba ng nag-deliver kung sino ang nagpadala?"

"May letter daw po sa loob ng malaking box, ate."

Inilapag ni Maria yung box sa kama. Pagbukas ko ng malaking box ay nanlaki ang mga mata ko. Inside is one of the most beautiful violet evening gowns I've ever seen! And to think that violet is my favorite color. So malamang kakilala ko ang nagpadala nito. I already have a very good idea kung kanino galing ito.

Inilabas ko ang damit sa box at. I raised it over my body and looked at the mirror.

"Wow Ate! Ang ganda!"

"Oo nga e... " Inilapag ko yung damit sa kama at kinuha ko yung note na nakalagay sa box.

'Can't wait to see you in it. I hope you like it. - AA'

Kinuha ko yung cellphone ko at tinext ko sya.

'I don't just like it, I love it! You really don't have to, but I appreciate it so much. THANKS!'

Napangiti na lang ako habang tinitignan ang napaka-gandang damit. I just hope that it will fit!

***

"Mommy! Mommy! You look BEEEUUUUTTTTIIIFFFUUULLL!"

"Thank you baby!" Aba, itong anak ko, batang bata pa lang marunong ng magsabi ng maganda a!

"Come here and let's take a selfie."

"I'll do it! I'll do it!"

Kinuha nya ang hawak kong cellphone at kinalikot ito. Nakakatuwa lang talaga ang mga bata ngayon, pagdating sa gadgets, hindi talaga nagpapahuli!

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon