Chapter 10

30.5K 732 43
                                    

Date uploaded : 11.19.14

Chapter 10

Shaun

"MAGNANAKAW!!!" Nagtititili yung babae na sa tingin ko ay yaya ni Shaun. Mabilis kong tinakpan ang bibig nya para hindi na sya makapag-eskandalo pa!

"Hindi kami magnanakaw! May ganito bang kagwapong magnanakaw?"

"Oh pleeeeeaaazzzz!" Kirsten rolled her eyes in digust.

"Let go of my yaya!" Sabi ni Clyde sabay apak sa paa ko! AAARRRGGG! Lokong bata 'to a! Buti na lang at magaan lang sya at hindi nya ako nasaktan. Napailing na lang ako. Kawawang bata mukhang kay Kirsten ata nagmana 'to a. Hindi pa nakuntento sa pag-apak sa 'kin, pinagsusuntok pa ako.

"Hey Kirsten! Do something! " Pero nakatitig lang si Kirsten sa bata. At kung babasahin mo ang mukha nya, makikita mo ang kalituhan sa mukha nya. She's trying to figure out who's kid is that. Sige Kirsten, try mo lang mag-isip, tama yan para ma-exercise mo ang utak mo.

"Stop it Clyde, I'm your mom's bestfriend!"

"If you're my mom's bestfriend, how come I haven't seen you before? Let go of my yaya!"

Oo nga naman. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina, hindi mana kay Kirsten 'tong batang 'to, sa akin nagmana 'to. Matalino e.

"I'm your Tito Aldrin's brother."

Doon sya napahinto ng pagsuntok sa akin.

"Really? But you don't look like him."

"Do you want me to call him just to confirm what I said is ture?"

"Ok. I want to talk to Tito Aldrin." Masama pa din ang tingin nya sa akin. Ano kaya ang itinuro ni Ysabelle sa anak nya at kabata-bata hindi mo na pwedeng lokohin.

"Ok, I'm just going to get my cellphone. " Itinuon ko ang pansin ko sa yaya. "Bibitawan ko na ang bibig mo, wag na wag kang sisigaw. Tatawagan ko na si Aldrin para maniwala kayong kapatid ko sya. "

Tumango-tango naman si yaya at wala ng imik nung tinanggal ko ang kamay ko sa bibig nya. I speed dialed Aldrin's number at ang tagal bago sumagot. Naka-tatlong dial na nga ako dahilan para tignan na naman ako ng hindi maganda ng mag-yaya.

"What took you so long!" Sabi ko ng sagutin ni Aldrin ang telepono.

"Driving. What's up?"

"Someone wants to talk to you."

Ibinigay ko kay Clyde yung telepono at maya-maya lang ay ngumiti na sya habang kinakausap si Aldrin. Iyon naman ang paglapit sa akin ni Kristen.

"Tama ba ang mga tumatakbo sa isip ko? O baka naman nagkakamali lang ako?"

"Sa tingin ko, tama ang tumatakbo sa isip mo na gwapo ako. Hindi na kailangang pag-isipan pa yon. It's quite obvious, you know. " then I smirked at her.

"Arrrrgggghhh! Hindi ka talaga matinong kausap!"

Ng matapos kausapin ni Clyde si Aldrin, Nilapitan ni Kirsten yung bata. Lumuhod sya para ka-level na lang nya ang ulo ni Clyde.

"What's your name?"

"I'm Clyde po. And you are? " Napangiti si Kirsten.

"I'm Kirsten. If you want, you can call me Tita Kirsten."

Ngumiti si Clyde at nakita ko na parang natunaw ang babaeng bato.

"Tita Kirsten."

"Yes, that's right! Ummmmm can I ask you a question?"

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon