Chapter 23

28.6K 542 53
                                    

Date uploaded : 1-10-15

Chapter 23

Ysabelle

"Kailangan bang araw-arawin mo ang pagpunta dito?!"

Nakahawak pa din ako sa pinto ng buksan ko ito. Ang aga aga nandito na naman si Spencer! "Kung may sadya ka, sabihin mo na agad at nag-p-prepare pa kami, ma-le-late na si Clyde."

Tumingin ako sa relo ko at ilang minuto na lang ay darating na ang service ni Clyde. Paalis na din ako papuntan opisina pero hindi pa ako nakakapgsapatos. I'm already dressed for work but I'm running around the unit with bare feet! Medyo tinanghali kasi ako ng gising, kay eto, nagagahol ako. Kung hindi lang ako ginising ni Clyde, baka dire-diretso pa rin ang pagtulog ko.

"Papasok ka na ba? Akala ko naka-leave ka pa? "

Tinalukuran ko na sya, pero hinayaan kong nakabukas ang pinto. Bahala sya kng gusto nyang pumasok o hindi.

"I have to go to work. Alam kong masyado ng tambak ang trabaho ko. Aldrin needs me at the office. "

"Paano ang paglipat nyo? Hindi mo ba aayusin yon?"

Napahinto ako sa paglalakad at tumalikod ulit ako sa kanya.

"I can't remember telling you that we're moving. How did you know?"

"Shaun told me."

I rolled my eyes. Haaaayyy, Oo nga pala, kapatid nga pala sya ni Shaun. Ang daldal talaga non! He wants to know everything about me, imposible sa isang araw na hindi nag-t-text, umaga, tanghali, gabi pa yon! At syempre naman kinukwento ko naman sa kanya lahat ang mga nangyayari sa buhay buhay ko. Palagay kasi ako sa kanya, siguro nga na totoong bestfriend ko sya. Ang hindi ko alam ay ni-re-relay pala nya lahat sa kapatid nya! Haist!

"HIndi ko pa alam e. Walang tumatanggap ng service kay Clyde. Baka ipagpaliban ko na muna ang paglipat for next year. Pag-iisipan ko muna. "

"Well, hindi mo na kailangang mag-isip. Kaya nga nandito ako."

Pinanliitan ko sya ng mata. "Teka, bakit ka nga pala nandito? Parang halos maghapon na tayong magkasama kahapon a. "

"I'm here to offer my services. I'll take Clyde to school, at pagkatapos non, ihahatid kita sa office."

Napatitig ako sa kanya na para bang chinese words ang lumabas sa bibig nya at hindi ko naintindihan.

" Ummm paki ulit nga, parang hindi ko na-gets yung sinabi mo."

"You heard me."

"Are you serious? Pwede ba Spencer, itigil mo na nga yan. " HIndi ko na sya pinansin at pumasok na ako sa kwarto ko para magsapatos at kunin ang mga gamit ko. Inaayos ko ang mga gamit ko sa bag ng narinig kong may nag-doorbell na naman.

Sino na naman kaya yon?

Hindi muna ako lumabas ng kwarto at inayos ko muna ang sarili ko. Paglabas ko sa kwarto ay nagulat ako sa eksenang nadatnan ko.

Si Spencer ay tahimik na nakatitig kay Clyde na naka-kandong kay Aldrin. At ipinapakita ng bata kay Aldrin ang bago nyang IPAD. Naka-ngising titingin tingin si Aldrin kay Spencer na para bang nang-aasar. Napa-iling na lang ako sa magkapatid. Para kasing nagpipikunan, and that is not good. Magkapatid sila, kahit ba sabihing magkaiba sila ng ina. At ang nakakalungkot ay sa tingin ko ay ako ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng tensyon ang magkapatid. Nagsisimula pa nga lang silang maayos ang relasyon nilang magkapatid ay nagkakaroon na agad ng lamat.

"Aldrin, ang aga mo a. "

"Nabalitaan ko kasi kay Shaun na itinakbo ka daw kahapon sa ospital. I just want to check out on you, pero mukhang papasok ka na? I thought we've agreed that you will still be on vacation dahil sa paglipat nyo."

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon