Chapter 6

33.9K 751 37
                                    

Chapter 6
Spencer


"YOU KISSED HER! " Lovely is pacing back and forth at her hotel room. Galit na galit sya at kulang na lang na magwala sya. 'IN FRONT OF ALL OUR GUESTS!"


Huminto na naman sya sa paglalakad at humagulgol na naman ng iyak. "Anong klaseng kahihiyan ito? And to top it all, ang daming media na nandon?! Pinagpyestahan tayo! Anobg mukha ang maihaharap ko sa mga kaibigan ko ngayon! "


Nananahimik lang ako at nakaupo lang sa isang tabi. Hindi ko alam kung bakit hindi umeepekto sa akin ang mga tantrums ngayon ni Lovely. Kung dati, I would go out of my way to calm her down. Pero ngayon, parang bale wala, as if I don't care. Maybe I was just preoccupied with more important things.


I kept on replaying the scenes that happened awhile ago. So, hindi pala ako namalikmata? My sub-concious mind was not trying play tricks on me. Ysabelle was really there in the flesh! Or siya nga ba talaga si Ysabelle? Bakit hindi nya ako kilala? Noong tinignan ko ang mga mata nya, I can't find any trace of recognition! Nakakasakit ng dibdib pati na rin ng ulo ang mga pangyayari. At bakit ngayon lang sya sumulpot? Kung kelan na-iannounce na sa buong mundo na ikakasal ako kay Lovely! If it was a week early then it will be easier. But now, I don't know exactly what to do, and what to make up of this situation.


Matagal kong hinanap si Ysabelle, since she disappeared 5 years ago. Lahat ng paraan ginawa para lang mahanap ko sya. I tapped all the finest detectives, pero wala din silang nakita. 2 years has passed at hindi pa din sya nakita until the police found a burned car that crashed at the coldilleras where they found her things, particularly her bag with her cellphone and purse with all her identifications. Sabi ng mga pulis, according sa investigation nila ay tumilapon ang bag ni Ysabelle habang nahuhulog sa cliff kaya hindi nadamay sa pagsunog ng sasakyan ang mga identifications ni Ysabelle. Sunog na sunog ang dalawang tao na sakay ng kotse at hindi makilala ang mga iyon. Tanging si Ysabelle ang na-identify dahil sa mga gamit na narecover nila.


Tinanggap namin pati na rin ng pamilya ni Ysabelle na patay na sya maliban kay Shaun. He said that Ysabelle is not dead, unless they will show concrete evidence that she is really the one who died in the car crash. Pero dahil sa sakit na naramdaman ng pamilya ni Ysabelle ay hindi na nila pinagalaw ang bangkay, or whatever remains of her body.
Si Shaun lang ang may matibay na paniniwala na buhay pa si Sab. Kahit ako ay sumuko na, and decided to moved on. Nagalit pa nga ako sa kapatid ko dahil hindi nya mabitawan ang matalik nyang kaibigan. Iyon pala... sya pala ang tama.


"ARE YOU EVEN LISTENING TO ME!!!"


Doon lang ako natauhan ng magsisigaw na si Lovely.
Napabuntong hininga ako. I know that this has been so unfair to Lovely. May karapatan syang maghysterical, aminado naman ako ka napakalaking eskandalo ang ginawa ko kanina. I have been impulsive. But I guess, sino ba naman ang hindi magiging impulsive, kung ang taong pinakamamahal mo, na ang akala mo ay matagal ng patay ay bigala na lang nagpakita!


"I'm so sorry Lovely. Aminado ako na mali ang ginawa ko. Sobra akong nagulat sa pagsulpot ni Ysabelle---"


"She is not Ysabelle! Can't you see? Kung sya man talaga si Sab, bakit hindi nya tayo nakilala? Malaki ang hinala ko na may kinalaman si Aldrin sa gulong ito. Sa tingin ko ay sinadya nyang humanap ng kamukhang kamukha ni Sab para ipakilala sa atin. Sinasabi ko na nga ba at gusto ka nyang sirain! Dinala nya yung babaeng yon para guluhin ang engagement party natin. And look, ang saya nya diba!? Naging successful sya sa maitim na balak nya!"

"Bakit ba palagi mong pinag-iinitan si Aldrin?"


"At bakit hindi? Ginugulo nya ang buhay mo, ang buhay natin!"


Walang patutunguhan itong usapan na to. Simula ng namatay ang papa at hinayaan kong maging bahagi ng pamilyan si Aldrin ay kung ano-ano ang pinaparatang ni Lovely sa kanya. Kesyo sya daw ang sisira ng tahimik naming pamilya and all that. Pero, kahit na anong sabihin nya ay hindi ko magawang isipan ng masama ang kapatid ko. Mabuti syang tao at alam kong mapagkakatiwalaan sya.

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Where stories live. Discover now