Chapter 36

25.8K 601 42
                                    

Chapter 36

Kirsten

"Wag na wag kang susugod sa loob kundi, sabog ang ulo ng ate ko!" Hawak hawak ko ang kwelyo ni Shaun na nagpupumilit na pumasok sa loob ng resthouse.

"And we're gonna stay here doing nothing? Geez woman! Their lives are at stake here, especially your sister!"

Kahit ako naman kinakabahan sa mga nangyayari sa loob. Kitang-kita namin na konting kalabit lang sa baril, sasakabilang buhay na si ate, o kaya si Clyde. Sa itsura pa lang nila ay mga baguhang gumamit ng baril ang mga ito. Pwedeng maaksidenteng makalabit nila ang trigger, yung control level nila ay napakababa mas lalo na ngayong umaapaw ang emosyon!

"Kapag nagulat ang mga yan sa pagpasok mo, pwedeng magkamali sila at maiputok ang baril! Kapag nangyari yon, isusunod kitang ipadala kay San Pedro!"

"And what do you suggest that we do now?"

"We wait."

"Ang galing mo talaga."

"Talaga! We wait for the professionals to do their jobs!"Pambihira naman kasi itong si Jeff! Ang kupad naman talaga. Anong petsa na! Namimiligro na ang buhay ng ate at pamangkin ko. Bilisan mo naman na please..... Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko ulit si Jeff.

" Where the heck are you? Nagkakatutukan na ng baril!"

"Almost there."

"Paki bilisan, kung hindi, baka sumugod na itong kasama ko dito."

"Nasa corner na kami. Just make sure na walang masasaktan. Kapag may nagpaputok, pumasok ka na."

"Ok.. ok. got it."

Hindi ko pa din tinanggal ang pagkakahawak ko kay Shaun, baka biglang sumugod, mahirap na. Loko din kasi si Spencer, nadala ng husto sa mga nakita, ayan tuloy! Pero hindi ko sya masisisi. Ang bigat ng mga rebelasyon na pinagsasasabi nila, na kung pinairal ko din ang init ng ulo ko, baka kanina pa ako nag-amok at napugutan ko na ng ulo yung magaling na mama ng lalakeng ito!

Maya-maya pa ay narinig ko na ang mga sasakyan nila Jeff.

"They're here!"

"Haaay salamat, dumating na din ang pagong."

Sasalubungin ko sana si Jeff nang may mapasin kaming lumabas ng resthouse.

At tatakas pa 'tong mga gunggong na ito! Nagkamali sila noong dumaan sila sa tapat namin. Pinatid ko yung isa at nagpagulong-gulong sa lupa. At para hindi makaalis ay tinapakan ko ang ulo. Si Shaun naman, oh well, the war freak that he is, ayun, kaawa-awa lang yung mama na kahit na mas malaki compared kay Shuan ay parang ginawang rag doll. Wawa naman... talong na talong ito mamaya.

"Hey, you're alright?" Lumapit sa amin si Jeff kasama ang 2 pang pulis.

"Ayos lang. Pigilan nyo na lang si Shaun at napagbubuntungan na ng galit yung mama, mapatay pa nya yan." Itinayo nung isang pulis yung lalake na nakasalampak sa lupa at pinosasan. Yung isang pulis naman ay inawat na si Shaun at inilayo na ang kaawa-awang nilalang.

"Ang exage mo, grabe ka!"

HIndi ako pinansin ni Shaun at dumere-deretso papasok ng resthouse.

"HOY! HOY Saan ka pupunta! Ipaubaya mo na sila sa pulis!" Pero hindi ako pinakinggang.

"AAAAARRRRGGGGG!!! Ang tigas talaga ng bumbunan non!" Sinundan namin sya ni Jeff. Pero tama lang pala na sumugod kami sa loob dahil halos hugutan ako ng hininga sa dinatnan namin. Nagkakagulo sila at nakatutok ang baril na ate ko na nakaluhod. Yakap-yakap nya ng mahigpit si Clyde. Nakita kong patakbo si Spencer kay Ate pero may kalayuan sya! HINDI NYA MASASAGI ANG BARIL!!! MAPAPAHAMAK ANG ATE KO!

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon