Chapter 5

31.8K 734 21
                                    

Chapter 5

Francine

Sa buong buhay ko ay wala akong natandaan na nakahalik man lang sa akin. Sa loob ng mga taon na magkasama kami ng asawa ko, ang pinaka-close na physical contact lang namin sa isa't isa ay dampi lang sa pisngi. Nakikita ko naman na mahal nya ako pero kahit kailang ay hindi nya ako ginalaw o kahit halikan man lang sa labi.

So this is so mind boggling! Wala akong natatandaang may humalik sa akin. But why is Spencer's lips so familiar? It felt like home. It felt so sweet. I don't know, it's as if it was something that I have been longing for!

Pero bago pa ako tuluyang madala ay natauhan na ako!

WHAT THE HECK IS GOING ON! BAKIT NYA AKO HINAHALIKAN! LASING BA SYA?! I am with someone else and he is getting married!

Bigla akong nakaramdam ng galit and with all my might, itinulak ko syang papalayo sa akin at sinampal ko sya ng malakas na ikinagulat ng lahat!

Lahat na ngayon ng mata ay nakatingin na sa akin at mas lalo akong nagulat ng makita ko ang fiance ni Spencer na nakatingin din sa akin!

"Ysabelle?!"

That name again!

Litong-lito na ako? Sino si Ysabelle? Bakit ganon na lang makatingin si Spencer at ang girlfriend nya sa akin?

"What is going on?!"

Hindi pa man din ako nakakarecover sa eksena may may yumakap na naman ng mahigpit sa akin.

"Ysabelle! I can't believe you're here! You're alive!"

Oo naman buhay na buhay ako! Pero mamatay na ako sa sobrang kaba at kalituhan sa mga nangyayaring ito!

Itinulak ko ulit ang lalaking nakayakap sa akin.

"Hindi ako si Ysabelle. I don't know you!" Humarap ako kay Aldrin na parang natulala din sa lahat ng nangyari.

"Aldrine! Please get me out of here!"

"Yes. Of course. " Nalilito pa sya pero inakbayan nya ako at mabilis kaming naglakad papalayo.

"Wait!" Hinawakan nung lalake yung braso ko para pigilan kaming makalayo. "Ysabelle! Hindi mo ba ako nakikilala? I'm your best buddy.. Shaun!"

Nag-sink in na kay Aldrine ang mga pangyayari at nakakaramdam na sya ngayon ng galit.

"Shaun, I don't know what the heck is going on around here. But she doesn't know you! And her name is not Ysabelle, It's Francine! Now get your hands off her!"

Hinawakan ko ang dibdib ni Aldrine para pakalmahin sya. Ayoko ng away kahit na ako ay parang sasabog na ang ulo ko sa sobrang kalituhan!

"it's Ok, Aldrine. Let's just go."

"And where do you think you are taking her!"

Si Spencer naman ang humarang sa amin!

Oh my Gosh! Ano ba to?! Bakit ang gulo gulo!

"Away from here! Away from you. You're harassing her!"

Hinila na naman ako si Spencer papunta sa kanya at napasubsob ako sa dibdib nya. He locked me in his arms protectively. Napakahigpit ng pagkakayakap nya sa akin na kahit anong piglas ko ay hindi ako makawala!

"LET ME GO! "

Naka-amba na si Aldrin at galit na galit na sya!

"Mataas ang tingin ko sa 'yo. 'Wag mong sisirain yon! So GET. YOUR. HANDS. OFF. HER!"
Natatakot na ako sa mga ikinikilos ng mga taong ito. I've never seen Aldrin so mad before! At bakit ayaw akong pakawalan ni Spencer? Ano ba talaga ang problema nya?!

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Where stories live. Discover now