Chapter 3

41.4K 742 9
                                    

Chapter 3

Francine

I am sitting on our reserved seat in a very fancy restaurant somewhere in Global City waiting for my dinner date. Yes... Aldrine and I are having a dinner date! Can you imagine that!

After a very toxic 2 weeks on settling in Manila, Aldrine said that it'll be a good adea to unwind a little. Hindi naman naging masyadong mahirap ang paglilipat namin, since wala naman akong masyadong dinalang gamit from our old apartment. Sabi naman ni Aldrin, completely furnished na ang condo na tutuluyan namin. Kaya halos basic things lang ang dala namin. And my gosh! Ang ganda ng condo! Ayaw ko sana doon tumira, kasi sobrang nakakahiya. Hindi ko kaya ang rent non. Pero sabi ni Aldrin na sa ka ya daw ang unit na yon kaya hindi ako dapat mag-alala. May bahay din sya at doon sya tumutuloy, kaya wala daw akong dapat ipag-alala.

Hindi rin naging mahirap kay Clyde ang pag-aadjust dahil na din pumayag sumama sa amin ang yaya nya na napamahal na rin sa kanya. Pinasyalan na rin namin yung bago nyang school and He loves it so much. Gustong gusto din sya ng mga teachers dahil napaka-bibo at matalinong bata. Nagpakitang gilas na nga!

Napasyalan ko na din ang bagong office namin ni Aldrin, although hindi pa naman ako official na magsisimula. It is one of the biggest and most beautiful buildings in Makati. Ganon pala kalaki ang Altamerano Industries! As in, it's humongous and bonggacious! Hindi na rin ako cubicle beauty ngayon, medyo asensado na ako that I already have my own office which is attached to Aldrin's office.

Hindi ko pa nakilala ang ibang mga empleyado doon, HR pa lang ang nakakausap ko. Kahit yung mga big bosses ay hindi ko pa rin nakakaharap, although there is one time na pumunta si Aldrin sa office ni Spencer Altamerano, yung kuya nya, at may pinag-usapan sila. Saka na lang daw nya ako ipapakilala kapag official na ang pag-t-trabaho ko don. I can finally meet the famous big brother na usap-usapan palagi ng mga co-employees ko sa Cebu. Kung si Aldrin daw ay gwapo na at matalino pa, doblehin mo daw ang mga attributes na yon and you'll have Spencer Altamerano. Parang hindi na nga makatotohanan yon! Baka naman fictional character lang yon! Wala na sigurong gagwapo pa kay Aldrin. Heheheheh, syempre, bias na ako ngayon.

Oh well, whatever. I'm here to unwind and not talk about work dahil kapag daw nagsimula na kaming mag-trabaho, sabak daw kaagad sa gyera. Pero sa halip na makapag-unwind ako, parang mas lalo ata akong na-te-tense.

Unang-una, ay hindi ako sanay sa ganitong klaseng ka-sosyal na lugar. Hindi ko nga alam kung ok lang itong suot kong plain black cocktail dress. Ang sososyal ng mga tao dito at makikita mong saksakan sila ng yaman! Yung mga kotse nga lang nakaparada sa parking lot, wala kang makikitang toyota o hyundai. At naaalangan ako. Idinaan ko na lang sa make-up ang beauty ko para kahit simple lang ang suot ko presentable naman.

And where the heck is he? Tumingin ulit ako sa wrist watch ko at halos mag-iisang oras na akong nagbubutas ng upuan ko dito ay wala pa ding Aldrin na dumadating . Tinext ko na rin pero hindi naman sumasagot. Nahihiya naman akong mangulit. Ayoko din gtawagn, baka sabihin nyang excited na excited ako sa date na to. Well, excited naman talaga ako. Hindi pa nga rin ako makapaniwala. But we've been closer since we went to Manila. Nakakaloka lang din talaga ang turn of events. He even texts me at night just to say goodnight! Grabe lang! Ang haba ng hair ko! Pero, i still keep my cool. Parang ang hirap magkaroon ng BF ang boss. Unang-una, I think it's unprofessional. Tapos kung hindi kami nagkasundo, sesante naman ang labas ko! I can't afford to lose this job!

Haaay! Wag naman sana! Wag ko na nga lang isipin yan. Nakaka-stress lang yan.

Where the heck is he? Hindi kaya pina-prank lang nya ako? Tapos may bagla na lang susulpot dito na may dalang camera tapos sasabihin na, Sorry miss,na-wow mali ka! Gosh! Kaloka!

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon