chapter 26

22.1K 527 31
                                    

Date uploaded : 1-26-14

Chapter 26

Ysabelle

"Look ma! Look what Tito Spencer bought me!"

Pagkadating na pagkadating namin ni Aldrin sa condo ay hinila kaagad ni Clyde ang kamay ko papunta sa kwarto nya. Hindi ko na nabati si Spencer na kampanteng nakaupo sa salas at may binabasa sa IPAD nya. Nakakahawa ang enthusiasm ng bata. Parang excited na excited sya sa ipapakita nya sa akin. Maybe Spencer bought him a new toy or a new book? Ganyan sya ka-excited kapag may bago syang libro o kaya puzzle toy. I wonder.

Pagbukas ni Clyde ng kwarto nya, napaluwa na lang ang mata ko at napanganga ako. Hindi na ako nakapagsalita dahil pinuno ni Spencer ng gadget ang kwarto ni Clyde! May complete set ng PC with printer, may laptop, may game console, may home theater with 72" TV hanging on the wall!

"What the..... "

Nagtatatalon si Clyde sa kama at tuwang-tuwa!

"We already have an internet connection. But Tito Spencer said that the only site that I can visit are those that I need for my researches. We also have cable! But Tito Spencer said that I can only watch TV and play games during weekends. " Mabilis na sinabi nya. Tumalon sya sa kama ay may kinuha sa side table nya na isang box. "Tito Spencer also bought you a new cellphone! You can now dispose your primitive cellphone!"

Huh? Tinawag nyang primitive yung cellphone ko? At least kapaki-pakinabang naman, at na-se-serve naman ang purpose nito na tumawag at mag-text.

"And look! I also have a new cellphone!!! It's really easier to text."

Kaya pala panay ang text, excited pala!

"I'm sorry Clyde. But we can't accept these."

Napatigil si Clyde sa paglundag sa kama. " But why? I earned it."

"What do you mean you earned it?"

"Prize nya yan." Lumingon ako sa pinto kung saan sumulpot si Spencer.

"What do you mean by prize? You can't give these things. They are so expensive!"

"But Mom!"

"He showed me his test results and all of them are perfect. And those things are not expensive, I can afford them."

"You can, but I can't!"

"So? "

"You don't understand!"

Naiinis na talaga ako! Hindi talaga nya naiintindihan ang kalagayan ko. Paano kung mag-expect sya na palaging ganon ang ibibigay sa kanya kapag mataas ang grades nya? Yes, binibigyan ko sya ng prize, pero ice cream lang or chocolates. But this? This is absurd! Kulang pa ang 2 months salary ko para sa ganitong mga bagay!

"Mom... I'll just give it back if it upsets you so much."

Nilingon ko si Clyde. Nawala na ang saya sa mukha nya at para namang piniga ang puso ko.

"Clyde....."

"It's ok mom."

AAAARRRGGG!!!

"Spencer... Pwede bang mag-usap tayo?"

Hinila ko si Spencer palabas ng kwarto.

"Hey what's going on?" Tanong ni Aldrin. Hindi ko na sya napansin dahil sa sobrang init ng ulo ko.

"May mahalaga lang kaming paguusapan. Uwi ka na, baka matagalan kami." Nginisian ni Spencer si Aldrin.

"'Wag mo nang dagdagan pa ang inis ko sa 'yo!"

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon