chapter 21

27.7K 687 37
                                    

Date uploaded: 12-29-14

Chapter 21

Ysabelle

Para akong na-estatwa sa babaeng dinuduro ako! Galit na galit sya sa akin, at kung wala lang dito si Spencer ay hindi ko alam kung ano ang pwede nyang gawin sa akin. Nakaramdam ako ng matinding takot. Pero hindi ko ipinahalata iyon. Hindi ko din alam kung anong nag-uudyok sa akin na magpakatapang at harapin ang mama ni Spencer.

Pero bigla syang tumigil sa panduduro sa akin at napatitig na lang syang bigla.

'Wait a minute.... " Mabilis na pumunta sya sa tabi ko at marahas na kinuha ang braso ko! Para sa isang payat na babae ay malakas sya! Siguro dala ng adrenaline nya. Nakasisiguro akong magkakapasa maya-maya lang ang hinawakan nya. "YOU!!!! Kilala kita! Pero.... bakit...." Ang pagkagalit nya ay napalitan ng pagkalito. Bigla ding namutla ang mukha nya. Nagtataka din ako kung bakit naging ganon ang reaksyon nya. Is there something wrong? May atraso ba ako sa kanya noong nakaraan? Or is it the other way around.

"I thought you were..... " Habang tumatagal ay mas lalo pa syang namumutla. It's as if she has seen a ghost!

Hindi ko sya masisisi, dahil kung kilala nya ako at alam nya ang mga sinasabing report na patay na daw ako, talagang magtataka sya.

"Let go of her ma! Nasasaktan na sya!" Pero sa halip na pakawalan nya ako ay mas lalo pa nyang hinigpitan ang pagkakakapit sa akin na para bang nawalan na ng pakiramdam ang braso ko!

"Bakit hindi sinabi sa akin ni Lovely?! Na ikaw ang dahilan? O baka kamukha mo lang sya?"

Lumapit si Spencer sa mama nya at pilit na tinanggal ang pagkakahawak nito sa braso ko.

"Hindi mo alam ma? Hindi ba nakarating sa 'yo ang balita na buhay si Ysabelle? And you were there at the engagement party. " Natigilan din si Spencer. " Or are you really there? Para ngang hindi ko na kayo nakita pagkatapos ng introduction sa amin ni Lovely. "

Bigla syang napatingin kay Spencer at sandali syang natigilan na parang bang hinahanap nya ang tamang salitang bibigkasin nya.

"Of course I was there. Wala na lang siguro ako noong sumulpot sya. I was preparing for my flight remember? I was leaving for the Bahamas that night with my friends, or have you forgotten ? Kaya nga wala akong nabalitaan, kagabi lang pagdating ko at tumawag sa akin si Lovely na nag-iiiyak dahil nakipaghiwalay ka na daw sa kanya!"

"I'm sorry, but I can't go on with the engagement."

"That is abserud Spencer! Everything is all set! Makipagbalikan ka kay Lovely, alam kong tatanggapin ka pa din nya."

"I can't do that Ma. Alam nyo, that even before, that there's no other woman for me but Ysabelle. "

Napatingin ako kay Spencer, and the smile that he gave me almost melted my heart. Wala akong nakikitang pagbibiro sa mukha nya. He's very much sincere in what he's saying and my heart skipped a beat.

"You can't do this son! Malalagay tayo sa alanganin! Anong sasabihin ng mga amiga ko! Ang kahihiyan! Hindi mo ba naisip yon? At anong sasabihin ng mga magulang ni Lovely?!"

"Ma, wala akong pakialam kung anong sasabihin ng mga tao. Magagalit sila at first, mas lalo na ang magulang ni Lovely, but they will move on and will learn to forget it. "

Natahimik bigla ang mama ni Spencer at tumingin sa akin na para bang may ipinapahiwatig sya. Nakaramdam ako bigla ng takot sa matalim na titig nya na para bang may halong pagbabanta ito! Kung nakakamatay lang ang ganyang pagtitig, para na siguro akong tinamaan ng granada!

Parang medyo natauhan sya, and she composed herself. Umupo sya sa tabi ni Spencer na katapat ko. All the while, hindi nya tinatanggal ang pagkakatitig sa akin. Matagal na walang nagsalita sa aming tatlo na para bang nagpapakiramdaman kami sa isa't isa. Kalmado na sya ng magtanong sa akin.

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon