Chapter 13

30.4K 695 27
                                    

Chapter 13

Francine

Ilang araw na ang nakalipas noong nakilala ko ang mga Altamerano na labis na nagpagulo sa isip ko. Simula noon ay ang daming mga tanong na bumabagabag sa isip ko. Sino ba talaga ako? Gusto ko nang maniwala na ako si Ysabelle. Nitong mga nakalipas na araw ay parang ang daming mga nangyari. Mga bagay na hindi ko inaakala. HIndi ko rin alam kung mas naliliwanagan ako sa mga nakaraan ko o mas lalo lang akong naguguluhan. Kinakabahan din ako dahil kung ako talaga si Ysabelle, bakit nagsinungaling sa akin si Brandon. Bakit nya sinabing sa Cebu ako lumaki at kahit kailan ay hindi pa ako nakakarating sa ibang lugar? Bakit mas maraming may kakilala sa akin dito na para bang dito ako lumaki. Yung ibang mga lugar na pinagdalhan sa akin ni Spencer, pamilyar ang lahat ng iyon. Iyong Coffe shop, pakiramdam ko ay doon ako namamalagi palagi noong bata ako. Yung University, alam kong doon ako nag-aral. Hindi katulad noong nasa Cebu ako, parang walang akong alam na lugar doon, at para lang akong turista. Ang sabi ko sa sarili ko noon ay dahil siguro sa traum ana naranasan ko kaya wala akong natatandaan sa mga nakaraan ko. Pero ang dialect ba nakakalimutan din. Napaka-imposible naman non!

Mag-isa lang ako ngayon sa condo. Pumasok na sa school si Clyde at ako naman ay hindi muna ulit pinapasok ni Aldrin. Nag-aalala na nga ako, paano kami mabubuhay nito? Paano kung tuluyan nang mawala sa akin ang trabaho ko? Hindi kaya kailangan ko nang ayusin ang mga papeles na kailangan ko para kapag nagkagipitan na talaga ay may nakahanda na akong credentials, kahit na mga basic lang katulad ng birth certificates. Tama, kailanagn ko nang kumilos. Hindi pwedeng panghabang buhay akong tutunganga at aasa na lang kay Aldrin. May anak ako, at nakakahiya na umaasa kami ngayon sa kanya dahil hindi naman ako nakakapagtrabaho.

Tumayo na ako at habang nag-p-prepare ako ay pinaplano ko na ang mga gagawin ko. Pupunta ako sa NSO para kumuha ng copy ng birth at marriage certificate ko.

***

Spencer

I'm carrying a very big bouquet of flowers in my right arm. Sa kabila naman ang favorite nyang chocolates. Ive also added some stuff animals that she also loves. Loaded na loaded ako sa mga karga ko at halos hindi ako makakatok sa pinto. After a few minutes of waiting, she opened the door. Shock was all over her face. Tinignan nya ang mga dala-dala ko at unti-unti na syang napapangiti. Kinuha nya ang mga bulaklak at inamoy ito.

"Are these for me?"

"Of course."

Ipinulupot nya ang kamay nyang walang hawak sa leeg ko. "Oh, you're so sweet as always. Thank you so much! They are so beautiful. Nawala na kaagad ang tampo ko sa 'yo. "

Hahalikan sana nya ako, pero mabilis akong umiwas dahilan para kumunot ang noo nya. "Why is there something wrong."

"People might see us." Lumingon lingon ako sa kapaligiran, baka may mga kapitbahay na nakatingin.

"Why? We're engaged! And we do this all the time."

"Lovely, let's just go inside, ok?"

Nagbuntong hininga sya pero sumunod na rin sa gusto ko. Naupo ako sa salas habang sya naman ay kumuha ng vase at inayos yung mga bulaklak at inilagay ito sa center table.

"Salamat naman at natauhan ka na. It's been almost a week!" Tumabi sya sa akin at niyakap nya ako. "Bakit hindi ka man lang tumawag? Sobrang nag-alala ako sa 'yo. Wala ka sa bahay o sa condo mo. Hindi alam ng mama mo kung nasaan ka! Hindi ka naman daw pumapasok sabi ng sekretarya mo, at kung tatanungin ko naman si Shaun, walang maayos na sagot ang ibinibigay nya sa 'kin!" tumutulo na ang mga luha nya. "And I wouldn't dare talk to Aldrin akhit sya na lang ang natitirang taong pwede kong pagtanungan!"

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon