Chapter 35

29.8K 619 52
                                    

Date uploaded : march 12, 2015

Chapter 35

Spencer

Tahimik na nag-park si Shaun sa madilim na parte sa labas ng resort nila Lovely. Lumabas kaming tatlo sa kotse na maingat na hindi gumawa ng ingay. Malayo-layo pa naman ang resthouse sa mga bakod, malamang hindi nila alam na may ibang tao na sa paligid. But we better to be cautious just the same.

"Let 's get in." Sabi ko. I've assessed the wall, medyo may kataasan pero hindi imposibleng akyatin.

"Ano ka? Sabi sa 'kin ni Jeff na antayin natin sila. Kaya, dito lang muna tayo." Sabi ni Kirsten na medyo irritado.

"At kelan pa makakarating 'yang makupad mong "boyfriend"? After 10 years? Baka may masama nang nangyari sa ate mo non."

"Mas may tiwala ako sa "BOYFRIEND" ko na mag-rescue sa ate ko. Kesa sa sa 'yo na puro hangin lang ang laman ng katawan."

"Hangin pala a...."

"Pwede ba... manahimik na nga lang kayong dalawa." Kirsten crossed her arms while starring daggers at Shaun.

"We're going in." Ako na ang nagdesisyon.

"Ano ka ba Spencer! Hindi nga natin alam kung nandyan nga ang ate ko. Baka ma-demanda pa tayo ng tresspassing. May warrant na dala si Jeff, kaya pwede ba, mag-intay na lang tayo."

"That's why we have to know kung nandyang nga si Ysabelle o wala. We have to get in and survey the place." Pero malakas ang kutob ko na nandyang nga sa loob si Ysabelle. Si Lovely lang naman ang taong naiisip ko na pwedeng gumawa ng masama kay Sab, wala ng iba.

Hindi ko na pinakinggan ang mga pagtutol ni Kirsten. There's nothing she can do to stop me. I came here to get Ysabelle, and that is what I'm going to do. I'm not gonna sit here and wait like a coward duck.

I started climbing the wall and Shaun did the same.

"Bwisit ka talaga Spencer! Ipapahamak mo pa ako nito e!"

I took us a while to climb the wall, may kataasan din kasi, but at last, we made it at the other side. At laking gulat namin ni Shaun na nandoon na si Kirsten na naghihintay sa amin!

"How did you.... May sa demonyo ka ano!" sabi ni Shaun na nakaturo pa kay Kirsten at takang-taka.

"Huh? Inuuna nyo muna kasing pairalin iyang mga kamachohan nyo , hindi muna kayo nag-iisip. " She said smirking at us. "Akala ko ba genius ka?" . she said while pointing at Shaun, taunting him. "May maliit na gate kaya doon, AT, hindi naka-lock, AT, walang CCTV. " Mas lumawak ang ngisi nya. " Ang galing ko ano? Bilib na kayo sa 'kin?"

Napailing na lang ako. Sa sobrang gusto kong makapasok agad ng resort ay hindi nga naman muna kami nag-isip. Ang galing, grabe! Nakakahiya! Naturingan pa man din na matatalino ang mga Altamerano. Kahihiyan sa lahi namin ito! tsk tsk tsk. Mabuti na lang at hindi ako nag-iisa sa kahihiyan. Mas malaking sapak kay Shaun 'yon, dahil sya ang genius ng angkan.

"Way to go bro." I said sarcastically. Hindi na nakapagsalita si Shaun. Iiling-iling at dineadma na lang si Kirsten. Patay malisya na parang walang nangyari.

"Ok guys, sisilipin muna natin ang resthouse, para makita natin ang mga lokasyon nila. look for CCTV cameras. Ang pagkakatanda ko, front and back lang ang may camera. Tahimik lang naman kasi ang lugar na ito, kaya hindi sila masyadong mahigpit sa security."

"Tahimik nga dito, dahil sila ang naghahasik ng lagim." Sabi ni Kirsten. " I can't wait to get my hands on that fiance of yours. Makakatikim talaga sya sa akin. Sisiguraduhin ko na ngipin lang nya ang walang latay!"

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon